CHAPTER XIV

117 4 0
                                        

Isang linggo ang lumipas mula ng naganap ang mga nangyari noon sa resort. Sa pahanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Elyca na may gusto si Anne kay June, sapagkat sa tagal na nilang magkaibigan ni Anne ay ni isa ay wala itong nabanggit patungkol sa natitipuhan niya gaya na lamang ni June. Nasa mansion nila ngayon si Elyca, nagmumuni, hindi mapakali, at hindi alam kung ano ang gagawin dahil kung sakali mang totoo na din ang nadarama niya para kay June ay hindi ito magiging maganda para sa pagkakaibigan nila ni Anne, kahit na may pagkamaldita at selfish si Elyca ay hindi naman nito nikailanman naisip na mangagaw ng hindi sakaniya kahit na hindi pa naman tuluyang kay Anne si June ay pakiramdam niya matagal na itong napasakay Anne, sobrang hindi siya mapakali, kanina pa siya paikot ikot sakaniyang silid. Pinagiisipang mabuti ang mga susunod niyang hakbang.

"What if I'm just infatuated? My gosh, why do I need to feel this?" Mariing sambit ni Elyca habang kinakausap ang kaniyang sarili

"Why do I need to suffer? Does it wrong to have a simple feelings toward someone? Why? Why do I feel so guilty right now? WHY?!" Napasigaw sa inis si Elyca at napaupo sa kama, bago tuluyang humiga

"Masama ba na magustuhan ko si June? Hindi pa naman siya kay Anne, and hindi rin naman sinabi saakin ni Anne noon na may something siya para kay June" Napabuntong hininga si Elyca at napatalukbong sa kumot at tumili ng malakas. Maya maya pa lamang ay nakarinig siya ng tatlong beses na katok sakaniyang pintuan

"Yes? You may enter" Iritang sambit ni Elyca 

"Magandang umaga po ma'am" Marahang sambit ni  Rosemary

"O? Ikaw pala, what do you need?" Tanong ni Elyca kay Rosemary

"Here's your breakfast po, pinapadala na saakin ng inyong ina. Umalis na po sila gawa po ng mayroon po silang Business trip, kumain na po si Kyle. Ang bilin niya po saakin ay sabihin daw po sa'yo na niyayaya ka po niya na gumala daw po kayo mamaya" Marahang tugon ni Rosemary 

"Okay, I'll call him nalang later, can you please put my breakfast there and please stop pestering me, okay? Thanks" Iritang tugon ni Elyca kay Rosemary

"Kumusta po ma'am, ayos lamang po ba kayo?" Marahang sabi ni Rosemary, na kaagad ikinagulat ni Elyca dahil pinapaalis na niya ito

"Are you deaf or are you dumb?" Inis na sagot ni Elyca kay Rosemary, nginitian lamang siya nito at nagpatuloy pa rin sa pagsasalita

"Naiintindihan ko po kung bakit ganiyan po kayo magsalita saakin, naiintindihan ko po. Gusto ko lang po malaman kung kumusta po kayo" Nakangiting sagot ni Rosemary kay Elyca, muling ikinagulat ito ni Elyca bagkus na sigawan niya si Rosemary ay napabuntong hininga na lamang siya

"I'm fine, there's just a little things in my mind right now but I'm fine, totally fine" Mariing sagot ni Elyca kay Rosemary

"Mabuti naman po kung gayon, natutuwa po ako na ayos lamang po kayo" Nakangiting tugon ni Rosemary kay Elyca,tinignan lamang siya ni Elyca at hindi na muling umimik pa bago tuluyang umalis si Rosemary ay nagiwan siya ng kakaunting payo kay Elyca

"Wala pong masamang umibig lalo na't kung tunay ito, hindi mo po kasalanan kung umiibig po kayo" Nakangiting sambit ni Rosemary at saka tuluyang isinara ang pintuan, ikinagulat ito ni Elyca dahil wala naman siyang pinagsasabihan sa bahay nila napakunot ang noo niya at nagtataka kung saan niya nalaman iyon gayong naka sound proof ang buong kwarto sa mansion nila. 

"Is she a professional gossip? What the? How did she? O my gosh" Gulat na sambit ni Elyca, nagpahinga na si Elyca. Ilang beses siyang nakakarinig ng ringtone dahil minemessage siya ni June pero sini-seen niya lamang ito.

"Kumusta? Mula nung natapos yung party hindi mo na ako kinausap, paramdam ka naman (smiley)" 

"Kumusta? Magandang umaga? Anong almusal mo? Ako ito, I cook some omelette then I have some salad right now, if we have some free time, I'll cook for you (smiley)" 

Now That I've Found You Book II: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon