CHAPTER XVI

171 6 9
                                    

Nagising na lamang si Elyca na nasa hospital na siya, hindi gaanong naging malubha ang pagkakabangga sakaniya pero medyo nahihirapan pa siyang makaalala ng mga nangyari. Hindi lubos maisip ng mga kaanak ni Elyca na ganoon na lamang ang sinapit niya. Mayroon siyang sugat at bali sa braso pero maagapan at gagaling naman siya sabi ng Doktor. 

"W-where am I?" Marahang tanong ni Elyca, napansin niyang nakangiti naman ang lahat ng tao na nasa paligid niya nang makita ang lagay ni Elyca

"Nandito ka ngayon sa Hospital, Nabangga ang kotse mo ng truck but until now hindi pa rin mahanap yung driver ng truck but I know soon mahuhuli din siya" Tugon ni Kyle. Akmang tatayo si Elyca pero pinigilan siya nina Gab

"Magpahinga ka muna, kailangan mong magpalakas" Mariing sambit ni Gab habang nakangiti siya kay Elyca, humiga na lamang ulit si Elyca. Mayamaya ay napansin niyang may pumasok sa kaniyang silid

"Kumusta, gising ka na" Nakangiting tugon ni June habang  may dala dalang mga prutas, napangiti naman si Elyca nang makita niya si June

"Hello, my love" Nakabungisngis na pagsingit ni Josh, nablanko naman si Elyca dahil nandoon din pala si Josh pero nginitian na lamang din niya. 

"Kumusta na ang iyong lagay?" Marahang tugon ni June

"I'm okay, me pa ba?" Nakangiting tugon ni Elyca

"Good to hear that" Nakangiting tugon ni Josh

Lumipas ang ilang buwan, tuluyan nang gumaling si Elyca pero hindi pa din nahuli ang nakabangga sakaniya. Hindi na din pinahanap ni Elyca at ng magulang niya, kahit na gayon ay gusto pa rin nila malaman kung sino iyon dahil sabi ni Elyca ay namumukhaan niya ang nakabangga sakaniya. Hindi niya lamang maisip kung saan at kailan niya ito nakita pero alam niya sa sarili niya na nakasalamuha na niya ang taong iyon. Nasa mansion nila ngayon si Elyca at nagpapahinga, maya maya pa lamang ay kumatok si Rosemary.

"You may enter" Sagot ni Elyca, dahan dahan namang binuksan ni Rosemary ang pintuan niya at tumuloy 

"What's the matter?" Paunang tanong ni Elyca

"May itatanong lang po sana ako" Marahang tugon ni Rosemary

"Ano naman iyon?" Pagtataka ni Elyca, humugot muna ng lakas ng loob si Rosemary dahil alam niyang maiirita nanaman si Elyca sakaniya

"Saan niyo po nakuha yung singsing na narito?" Marahang tanong ni Rosemary

"O! that one? June gave it to me, why?" Nakakunot na noo ni Elyca dahil nagulat siya nang tanungin siya patungkol sa singsing

"Wala lamang po, noong araw po kasi na naaksidente po kayo ay umilaw po ang singsing na iyan" Mahinahong tugon ni Rosemary, natawa naman si Elyca dahil sa sinabi ni Rosemary sakaniya

"W-what? That ring? Iilaw? Ano yan glow in the dark?" Tawang tawang tugon ni Elyca kay Rosemary, nakayuko lamang si Rosemary

"Opo, hindi po ako nagbibiro. Nakita ko na umilaw iyan nung mismong araw na naaksidente ikaw" Mariing tugon ni Rosemary pero hindi pa rin naniniwala si Elyca pero biglang may sumagi sa isip niya dahil doon sa mga napapanaginipan niya noon, naalala niya na may parang alam si Rosemary patungkol dito

"Hmmm, may I ask you some question?" Mahinang tugon ni Elyca, tumango naman si Rosemary

"Naalala mo ba nung napakwento ako sa'yo patungkol doon sa napapanaginipan ko?" Marahang sambit ni Elyca, bigla namang napaiwas ng tingin si Rosemary

"H-hindi po, ano po ba iyon?" Marahang tugon ni Rosemary na nauutal dahil nagulat siya sa tinanong ni Elyca

"I know may alam ka, napapansin ko na you are not telling the truth, hindi nga? May alam ka ba patungkol doon?" Muling pangungulit ni Elyca kay Rosemary na hindi pa rin makatingin ng tuwid sakaniya 

Now That I've Found You Book II: 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon