“Wag mo ngang binubully ayang boyfriend mo Jaya.”, saway ko kay Jaya isang araw. Nasa isa kaming fastfood at nakaupo sa pang-apatang lamesa. Inutusan ba naman niya si Chris na bumili ng order niya. Tapos si chris naman, tinanong na rin ang order ko para maisabay sa kanya. Ay grabe.
“Hindi ko naman binubully ah! Syempre dapat alam niya kung anong gagawin niya bilang boyfriend ko. Meaning magtake ng order ko at ng order ng friend ko.”, paliwanag sakin ni Jaya sabay kindat.
“So role ng boyfriend maging waiter ganun?”, pambabara ko. aba ang gaga! Hindi man lang tinablan.
“Hindi lang waiter! Personal buttler pa! haha.. kailangan alam niya ang mga needs mo and ibibigay niya sayo ang gusto mo hanggat makakaya niya. Ganun naman dapat pag mahal ka. Aba! Patunayan niya saking mahal niya ako. Pagsilbihan niya ako!” tapos nag-evil laugh pa si Jaya.
I inclined my head. Ang maldita talaga nito ni Jaya. Pero kung naiisip niyong masama siyang gf, hindi naman.. sweet naman siya and mabait in her own way. Malay ba natin kung ayun palang pangbubully niya kay Chris ang nagustuhan ni Chris sa kanya? Weird nga lang? haha “Oo na.. wag mo lang naman sana abusuhin no. kawawa naman iyong boyfriend mo. Nag-girlfriend iyon para makasama ang babaeng mahal niya. Hindi para magsilbi sa malditang katulad mo.”, pangaral ko.
“OO nga Jaya. Maawa ka naman kay Yang!”, narinig kong may nagsalita mula sa likod ko. pagkatapos ay inilipat niya ng ibang upuan ang mga bag na nakapatong sa upuan sa tabi ko at doon na naupo.
Dinilatan ni Jaya ng mata ang kadadating lang na si Rainvir. “Oh baket? Kasali ka sa usapan? Bat nakikisali ka ha? At bat ka nakikiupo diyan? May nakaupo na diyan uy!”, pambabara ni Jaya. Sinaway ko naman si Jaya sa mahina kong boses. Wah. Ang maldita talaga ng babaeng ito!
Napatingin naman sa akin si Rainvir. “May nakaupo na dito Sweet?”
“Wa-“
Pinutol ni Jaya ang sasabihin ko. “Kairita. Nagtatanong pa! sinabi na ngang meron!”
“Jaya..”, saway ko sa kanya. Kalmado pa rin naman ang boses ko pero nakakunot na ang noo ko. parang bata naman itong sinasaway ko oh.. “naglunch ka na ba? andun sa pila si Chris. Ipasabay mo na rin kaya ang order mo.”, pagkuwan ay sabi ko kay Rainvir.
Napasmile si rainvir sa akin. “Shet! Ang swet naman ni Sweet!”, sabi niya habang tumatawa. Pabisaya effect pa ang pagsasalita ha.. Hinawakan niya pa ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.
“Huyyy! Tumigil ka nga sa pagfeeling close sa kaibigan ko! bitiwan mo siya! Anung akala mo diyan? Tuta?!!!!”, susko. Kulang na lang lumabas ang litid sa leeg ni Jaya. Tinawanan lang naman siya ni rainvir tapos pinuntahan na niya si Chris. Pagbalik niya, kasama na niya si Chris dala dala ang mga order namin at tumulong siya sa pagseserve noon sa lamesa namin. “porke pareho kayong nakagreen na damit feeling mo match na kayo?”, pati ba naman kulay ng suot namin ni rainvir napansin pa. pareho nga naman kasi kaming nakagreen! Porke nakacouple shirt sila ngayon ni Chris igagaya kami ni Rainvir? Weird din pala to si Jaya. Makahanap lang ng issue oh..
Napansin kong tuluyan nang nasira ang mood ni Jaya. Ako na lang tuloy ang nagthank you para sa aming dalawa dahil nakakahiya sa mga binata na nag-aasikaso sa amin. Ni hindi nga kami tumayo ni Jaya para kumuha ng utensils at ng tubig e. Hindi niya talaga feel si Rainvir. Sa pagkakaalalam ko sa mga kwento niya tungkol sa bestfriend ni Chris, bad inlfunce daw si Rainvir. Kung anu-ano daw ang pinapayo kaya ayan nagtatagal ang away nila ni chris kung sakaling may LQ sila. Paano ba naman kasi. Iniencourage daw ni Rainvir ang bestfriend na magfight back pero katagalan, hindi rin naman natitiis ni Chris si Jaya kaya nakikipagbati na rin siya. Hehe
Quite frankly, sa tingin ko nagseselos lang si Jaya sa bestfriend ni Chris. Sandali ko pa lang nakikitang magkasama si Chris and Rainvir na magkasama pero gets ko agad ang closeness nila. Madalas pa daw ay nakikitulog si Rainvir kanila Chris and vice versa! Tapos, nabanggit ni Jaya na minsan daw kapag nanunuod sila ng sine ni Chris, iniinvite din daw ni chris si Rainvir. Ayan tuloy, hindi sila nakakapaglambingan kasi nahihiya si Chris kay Rainvir. See? Parang naiisip ni Jaya na hadlang si Rainvir sa pagmamahalan nila ni Chris! Haha. Ang OA naman ng presumptions ko. hehe
- - - - - - - - - - - -
a/n: maldita ang friend ni Sweet na si Jaya.. naaalala ko sa kanya iyong friend ko.. mega maldita.. haha.. pero mabait naman.. mahal na mahal ang friend. :)
guys,.. pipilitin kong makapagweekly update dito... kaso baka mahirapan kasi kukunin na sakin ang laptop na ginagamit ko.. T^T
kailangan sa school ng kapatid ko eh. haaaaaai....
so eto... brokenhearted ang author.. tapos hindi pa makaexpress ng emotions sa pagsusulat.. haaaai...
dont forget to fan, comment and vote.. thanks guys! :)
ay.. i need help pala sa casting ng characters ko.. :(
sino kaya ang magandang gawing Jaya and Chris sa novel na to? suggestions naman po please...
si jaya maldita na may pagkachildish pero sweet and bossy. tapos si chris, syempre chinito. average lng ung looks. mabait tapos me pagkaunder. hahahaha... suggest please :)
BINABASA MO ANG
don't expect a happy ending
Fiksi RemajaLove will change anyone it hits.. i know that now.. i used to look at life in a positive light but i changed.. coz i realized that life is no fairy tale.. so don't expect a happy ending.. T^T