about love

122 5 0
                                    

About love.

          Busy ako. Echos! Foudation day na ng school namin next week. And like every year, may mga booth na tinatayo sa school. Ang tamad ng mga classmates ko. Kissing booth ba naman ang sinaggest na itayo namin? Wala nang ibang maiisip? Nagsuggest na lang ako ng wedding booth para hindi naman lumabas na may binubugaw kami. Haha

          Heto nga ako at nagpipintura na ng booth. Chaka. Ang arte kasi ng girls, ayaw mapinturahan ang branded clothing nila. Ang boys naman, mga absent. Iyong president lang namin ang nandito na guy and allergic daw siya sa amoy ng pintura kaya ako na lang ang nagprisinta. Humanda siya sa akin. Hindi talaga ako magbabantay ng booth namin next week. Nag-effort na ako no. choosy pa siya? Hehe

          “Huy! Kelangan super busisi sa pagpipintura?”, narinig kong may nagsalita sa tabi ko. “Hindi na naman yan ichecheck ng adviser natin. Basta may maipresent tayo okay na yan.”

          Napatingin tuloy ako. Si Rainvir lang pala. Tinaasan ko siya ng kilay. O taray ko. “kahit na no! magbabayad yung mga students sa wedding booth natin tapos hindi man lang presentable ang paggaganapan ng kasal nila?”

          “super seryoso ka naman diyan. Hindi naman totoong kasal ang gagawin ano.”

          “Kahit na,, malay mo, iyong booth pa natin ang maging daan para makatagpo ng love ang tao.. or paraan ng guy para maexpress niya sa mahal niya ang nararamdaman niya. Ay shocks! Kinikilig ako kahit iniisip ko pa lang.” totoo. Kinikilig ako. Kulang na lang kumawag kawag ang buntot ko. hahaha.. “noong foundation day during my freshman year on highschool, merong kinasal sa wedding booth na mag-ex.. kasi iyong guy pala ang nagbayad na ikasal sila. So walang nagawa si girl. Tapos nakaposas sila for 2 hours after ng wedding so no choice si girl but to be with him. nakapag-usap sila ng guy tapos ayun. Nagbalikan. Ang sweet!”, kwento ko pa. maluha luha ako sa kilig.

          “Sila nina at alec ba yag kinukwento mo?”, tanong niya na nakakunot ang noo.

          Wah? Ay oo nga pala! Pareho nga pala kami ng highschool. Hehe. “Kilala mo din sila? Grabe. Small world.”

          Natawa siya. “small world. Pero inabot ka pa ng senior year sa college bago mo ako nakilala.”, paalala niya.

          I smiled at him shyly. “sorry naman..”, sabi ko tapos nagpeace sign. “Baka itinadhana lang talaga na ngayon lang tayo nagkakilala. May reason si God lagi kahit sa pinakamaliliit na bagay.”

          “tadhana.. parang iyong pagsusuot natin ng couple’s shirt, itinadhana din.”

          Napatingin naman ako sa suot ko. ay oo. Nakablack din ako. Natawa ako. “Oy ikaw.. porke parehong nakablack itinadhana na?”

          “ikaw eh! Sabi sabi ka diyan ng tadhana…”, paninisi niya. “Sweet.. nakilala mo nab a ang itinadhana sa iyo?”, tanong niya maya maya. Pareho na kaming nagpipintura.

          “Siguro.. ewan ko.”

          Napatingin siya sakin. “Bakit ewan mo?”

          “kasi di ko alam!”, then I gave him a duh stare. Gumaya naman siya so I explained further. “siguro I already met him na hindi ko lang namamalayan.. baka kasi hindi pa right time for me to get into a relationship.”

          “makapagsalita ito, parang hindi pa nakakapagboyfriend ever.”

          Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. “And what’s wrong with that?”. aba! eh ano naman kung hindi pa ako nagkakaboyfriend ever?

          Napatingin siya sakin. As In eyes to eyes. “NBSB ka?! Waaaaaaah” tapos humagalpak siya ng tawa. Parang gusto kong maasar. Eto din siguro ang kinaiinisan ni jaya sa kanya. Ang lakas mang-asar. “ano ba naman yan Sweet? Wala man lang tinablan ng alindog mo?”

          “Grabe ka naman!”, tapos hinampas ko siya sa braso. Pero natawa ako sa ginamit niyang salita. Alindog. Haha “May nanligaw naman sa akin ah..”

          “oh? Eh bakit wala kang sinagot? Puro pangit ano?”

          Tiningnan ko siya ng masama. Ano bang ibig niyang sabihin? Puro pangit lang magkakagusto sa akin? “ang mean mo magsalita.. kapag ba pangit wala nang pag-asa? What matters is kung ano ang nasa kalooban niya.” Saway ko. “And kaya wala akong sinagot kasi wala akong naramdaman na may connection ako with. Ayoko namang ipilit iyon. I don’t want to rush in love. Dadating iyon. I may be in love with the idea of being in love pero alam ko na dadating iyon at the right time. And everything good and giddy that comes with it.”, haba! At English pa! haha

          Nagsmile siya sa akin- naughtily. “so wala ka pang first kiss?”

          Nanlaki na naman ang mga mata ko. and I felt my cheeks warming up. Syempre wala diba? Gosh! This guy!

- - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - -- -  - - - -

a/n: late update! sabi ko weekly.. so anyare? hahaha.. nag.aapply kasi ako ng trabaho. u know.. as a nurse ba. hehe..

and wala akong mahiraman ng laptop.. ang pobre ng writer na ito. hahaha.. bumawi naman ako ano... mahaba ang UD na to.. and may susunod in a few minutes... ;)

dont forget to like, comment and become a fan..

thank you! :) 

don't expect a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon