Nakita kong nakatayo sila Jaya at Chris sa harap ng table namin. At hindi siya mukhang masaya. NAkita kong ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Chris, super simangot siya samantalang si Chris naman ay poker face lang. Hehe
Napalunok ako. Bakit parang ang guilty ko magreact? May ginagawang kasalanan? Highly unusual naman kasi itong ginagawa namin ni Rainvir kasi! Oo doble talaga ang kasi sa sentence ko na iyon. Bakit ba? :P
"Hey.. Nagdedate pala kayo ha.", bati ko sa kanya.
"uh huh" tango ni Jaya. "that explains why we're here. Eh ikaw? Anong ginagawa mo kasama ang lalake na yan?", akusa niya, itinuro pa niya si Rainvir. Ang laki ng galit!
I bit my lower lip. Parang nanay makareact si Jaya! Or parang pinagtaksilang kasintahan. Haha.. Ang OA! Napansin kong nakatingin si Jaya sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin ni Rainvir.
Pasimple ko iyong hinila, hinigpitan pa lalo ni Rainvir ang hawak niya sakin. Wah. Ayaw bumitaw! But i was able to break free from his grasp. Magandang motivation kasi iyong masamang tingin sakin ni Jaya. Hehe
"sinamahan ko lang si Rain bumili ng gift para sa mama niya.", i answered as she arched an eyebrow at me. "Join us?", yaya ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umayaw si Rainvir pero umupo pa rin si si Jaya sa tapat ko at tumabi naman si Chris sa kanya. I smiled at both of them.
"So.. Oorder muna si Chris ng kakainin namin. Pakisamahan siya Hiro.", announce ni Jaya. Ang bossy! And take note.. By last name pa rin ang tawag niya kay Rainvir. hehe
Nangunot ang noo ni Rainvir. Obviously hindi niya gusto ang inuutusan siya ni Jaya. Hehe. "Eh Hon, nakaorder na ako.", sagot ni Chris.
Sumimangot si Jaya at siniko ang kasintahan. "well. Diba kanina mo pa gusto gumamit ng CR? Magpasama ka kay Hiro habang nag-uusap kami dito ng kaibigan ko. Sige na. Habang wala pa ang food natin para sabay sabay na tayong kakain mamaya.", utos na naman ni Jaya at pinandidilatan ng mata si Chris.
Pasimple namang napapailing si Rainvir pero sumama na rin siya nang tumayo si Chris at iniwan kami sa table ni Jaya.
"So. Ano ang ibig sabihin nito Sweet monterro?", she confronted.
"What?", i asked innocently.
"Fine. SInamahan mo siya. Blah blah. Pero bakit kailangang magkaholding hands kayo?"
Napakamot ako sa ulo. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam kung paano e.. "uhmmm... We are sort of going out kasi.."
"Sort of?", she raised her voice. then breathed in deeply to calm her self. "For how long?", she asked in a much collected manner.
"Uhmmm... Since natapos yung case presentation natin.", sabi ko nang mahinang boses. Why i am acting like im guilty of something?
"eh before midterms ba yun ah! Finals na tayo next week!" react niya. Tapos mukha siyang nagbilang sa mga daliri niya. "3 months na! At bakit ni hindi mo sinabi sa akin?"
"I dont know.. I guess i sort of forgot? Hindi ko naman alam na dapat kong sabihin since hindi naman siya nanliligaw or anything.. Hang-out lang kapag hindi kami busy.. Exchange a few texts daily.. Mga ganun..", i acted as if it doesnt matter. Pero while saying those, nakapagreflect ako kung ano nga ba ang nangyayari this past few months.
Nanlaki ang mga mata niya. "So hindi pa siya nanliligaw sa lagay na yan?! Pero madalas na kayong magkasama na kayong dalawa lang?!"
"pero as friends lang naman ah.", depensa ko.
"nek-nek mo te! Kaya may holding hands? Wag mong sabihing magMU na kayo!"
"hindi naman kami magMU ah! Jaya naman eh." although parang nadadala ako sa convincing powers ni rainvir. hindi PA kami MU. hehe
"binabalaan kita Sweet. mag-iingat ka sa lalakeng yan. malakas yan makapagpaasa. ayaw ko lang masaktan ka sa huli.", she said. "i know you. You always see the good in other people kaya ang lakas ng risk that you will be taken advantage of."
"But Jaya.. based naman sa mga stories mo sa akin about him, he seemed like a nice guy. maattitude yes. pero you never told me naman na may paasa tendency sya.", pagtatanggol ko kay Rainvir.
"just. Be careful. May mga napaiyak na iyan. Akala mo ba. Hindi ikaw ang unang babae na paiiyakin niya kung sakali..", banta niya pa. she looks dead serious sa mga warning niya sa akin. kinakabahan tuloy ako. but i at least should give Rainvir the benefit of the doubt.
"if this is about him and Sheena, nasaktan din siya sa break up nila no.", pagtatanggol ko kay Rainvir na naman.
Ibinuka ni Jaya ang bibig para siguro kontrahin na naman ako. Napakainit talaga ng ulo niya kay Rainvir. But she was interrupted nang dumating na ang pagkain kasama sila Rainvir. Napasimangot na naman tuloy siya.
She looked at me with knowing eyes nang tumabi sakin si Rainvir. i bit my lower lip. I could imagine myself crying because of him. although i dont know how it will happen. wah. napaparanoid na ako dahil kay Jaya!
i better start eating... OoO
- - - - - - - - - - - - -
<a/n: oha oha? ang dalas ko magUD.. anong espirito ang sumapi sakin? chocolate! hahaha.. and speaking of chocolate.. ieeeh.. kinikilig ako sa mga naiisip ko. hopefully makwento ko nang maayos.
pa fan comment and vote.. lams na ;) >
BINABASA MO ANG
don't expect a happy ending
Teen FictionLove will change anyone it hits.. i know that now.. i used to look at life in a positive light but i changed.. coz i realized that life is no fairy tale.. so don't expect a happy ending.. T^T