Nagtaka ako nang makita kong baha na sa labas ng school ko. Hindi naman bahain ang lugar na iyon. And besides. Sabi sa balita kagabi, moderate rain dahil sa hanging habagat. Wala namang class suspension na inannouce kanina para sa mga college levels dahil waterproof ang tingin nila samin. Haha.. At last day na ng finals namin ngayon so hindi na rin nagsuspende ang school. Baka tuloy wala na akong masakyan na jeep papunta sa amin. Baka tumirik ang mga sasakyan pag ipinilit pang lumusong sa baha. Napabuntong hininga ako. I still love the rain though. I used to cuddled so closely with my mom kapag ganitong malakas ang ulan at malamig.
"sweet!"
Napalingon ako sa may-ari ng oh so familiar voice na iyon. "bakit andito ka pa?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin. Nauna siyang matapos sa akin sa pagsasagot ng finals exam namin. Well actually. Ako ang pinakahuling nagpasa ng papel. May pagkaOC ako sa subject na iyon.
"may sinoli pa kasi akong book sa library.", sagot niya. "sinulit mo talaga ang exam ha. Up to the last minute nagsasagot ka pa rin.", tukso niya. "oo na. Mapeperfect mo na yun!"
Natawa ako sabay tampal sa braso niya. "inabot tuloy ako ng ganito kalakas na ulan.", sabi ko at napatingin na naman ako sa labas. Is it me or parang mas tumaas na naman ang baha? Ang bilis naman!
"Oo nga eh. Hanging habagat lang ito? Seryoso? Damn you global warming", he mocked a protest. "ang bilis pa bumaha. Reduce recycle reuse kasi....", pangaral niya.
"oo. Pero for now. Tatambay na lang muna ako sa canteen habang pinapahupa ang bahang hanggang tuhod na. Buhay stranded.", i said. I even put the back of my hand sa noo ko to mimic a damsel in distress.
Natawa siya. "Ang dami nang tao sa canteen. Mukha ng evac center."
Nanlumo naman ako sa narinig. Mukhang damsel in distress nga pala talaga ang drama ko ngayon sa buhay. Napabuntong hininga ako. "buhay stranded.", i said sadly.
Hindi naalis ang ngiti sa labi ni Rainvir at inakbayan ako. "well.. Pwede ka namang tumambay dun sa bahay ko. Mas komportable dun and marami akong stocks na food."
My eyes perked up. "Food!". It was obvious kung ano na ang desisyon ko.
- - - -
Aaminin ko na. May pagkaweird ako. May payong ako sa bag ko pero hindi ko na ginamit. Masisira lang kasi iyon sa lakas ng hangin. And lumusong na rin naman kami ni Rainvir sa baha, matatakot pa ba akong mabasa ng tubig ulan ang ulo ko? Hehe
And besides.. I love the rain. Redundant lang? Nag-eenjoy ako sa paliligo sa ulan dahil ang bawat pagpatak nito ay parang minamasahe ang balikat ko at ulo. Wag ka nga lang titingala nang nakadilat dahil masakit mapatakan ang mata. Malakas kasi ang ulan ngayon.
Napansin kong nakasimangot si Rainvir at nakakunot ang noo habang papatawid kami. Ang cute niya naman kahit mukha siyang bad mood. Isa siya sa mga taong isinusumpa ang ulan na ito dahil naperwisyo sila. I would be too.. But he luckily invited me over so it's all good dude.. Hehe
Nag-ipon ako ng tubig ulan na sa mga palad ko at nang makarami ay iwinisik ko iyon sa mukha ni Rainvir. Not that his face isnt soaking wet already. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Nandidilat ang mga tsinito niyang mata (imagine kung hanggang saang extent lang ang ikalalaki nun. Haha) at nakaawang ang bibig niya. Natatawa lang ako sa reaction niya habang nag-iipon na naman ako ng tubig ulan. Mabilis na napuno ang palad ko dahil sa lakas ng buhos ng ulan kaya ibinuhos ko na naman iyon sa mukha niya, this time with his mouth open.
BINABASA MO ANG
don't expect a happy ending
Teen FictionLove will change anyone it hits.. i know that now.. i used to look at life in a positive light but i changed.. coz i realized that life is no fairy tale.. so don't expect a happy ending.. T^T