Nagsmile siya sa akin- naughtily. “so wala ka pang first kiss?”
Nanlaki na naman ang mga mata ko. and I felt my cheeks warming up. Syempre wala diba? Gosh! This guy! “Alangan! NBSB nga diba?”, tinaasan ko na siya ng boses.
Natawa naman siya lalo. “oh bakit? Boyfriend lang ba ang hinahalikan?”
Oo nga. May friend ako na dinare na makipagkiss. Ayun. Hinalikan niya iyong guy. May dila pa. yucks. Yucks. Yucks. Napapacringe ako kapag naaalala ko iyon. parang iniinsinuate niya pa na okay lang makipaghalikan sa di boyfriend.. kung lahat ng tao maghahalikan nang wala silang relasyon, magkakalat ang mga sakit! aba.. droplet transmission kaya ayong mga colds and flu. yuck.. “Rainvir. Hindi minamadali ang ganyang mga bagay. It will come naturally. And gusto ko perfect ang magiging 1st kiss ko.”, I said dreamily sa last part.
“paanong perfect? May grade pa? exam lang?”
Hinampas ko na naman siya sa braso sabay dilat ng mata sa kanya. Pilosopo lang? “Perfect. Like.. iyong boyfriend ko ang magiging first kiss ko. iyong kaming dalawa lang. tapos romantic. Pwedeng under the stars or may fireworks. Basta siya na ang bahala. Basta siguraduhin niyang nakakakilig.”
“Sus. Totoong buhay to ne! pang fairy tale yang iniisip mo.. At kahit naman nasaan kayo. Basta mahal mo iyong tao nakakakilig na iyon.”
Aba? May mga ganyang banat? “ayieee.. from experience yan ano?”, tukso ko. natatawa siya na parang naiiling. husss. “kwento ka! Kwento ka dali! Sinong first kiss mo?”
“Sheena.”, maikli niyang sagot.
“Okaaaaaay..”, sinadya ko talagang habaan ang sagot ko. “soooooooo.. ano mo iyon? Kamusta naman ang first kiss mo? Kinilig ka ano?...”, tukso ko tapos sinundot ko pa ang bewang niya. Walang kiliti ang mokong. Hindi man lang natinag sa pagkakatayo niya.
Nagkibit balikat siya. “Okay lang. iyong normal lang na nararamdaman ng taong nakikipaghalikan lang.”
“sus.. spill the details! First kiss nga.. dapat memorable. Meron ba talagang warm feeling bukod sa lips nyo na magkadikit, meron din sa puso mo tapos parang babalutin ang buong pagkatao mo ng warmth na iyon. Tapos you’ll feel like finally, you found what you have long been searching for? Did her lips felt like home?”, ang dami kong tanong. If my memory serves me right, ayun lang ang alam ko about sa kiss. Based sa mga nababasa ko lang. alangan naman kasing sa tita ko ako magtanong. Irrelevant naman iyon! At matandang dalaga iyon. Baka makurot lang ako sa singit. Pag si Jaya naman ang kausap ko, kahalayan naman ang kinukwento. Kinikilabutan ako. So sa mga novels lang ako may tiwala. “wait. Anong itsura ni sheena? Girlfriend mo ba yun? Malamang diba. Alangan naming ikiss mo kahit di mo girlfriend. Hehe..”, sa sobrang excitement ko, ikinawit ko pa ang kamay ko sa braso niya na parang hinihila ko siya. tapos sa dami ng mga tanong ko. manaka nakang inilalapit ko mukha ko sa kanya. wah! parang makulit na bata lang!
haha
“ex ko.” matipid niyang sagot.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. “Ah.”, sabi ko. blink ng konti kasi nga nagulat. Parang pinapacify ko ang sarili ko kasi kanina sobrang excited ako.. i might have struck a painful nerve nang tanungin ko siya tungkol sa first kiss niya. “Sorry.”
Nagkibit-balikat lang siya. “Okay lang. it’s been 5 months already.”
“ahhh.. so hindi ka na bitter?”
BINABASA MO ANG
don't expect a happy ending
Teen FictionLove will change anyone it hits.. i know that now.. i used to look at life in a positive light but i changed.. coz i realized that life is no fairy tale.. so don't expect a happy ending.. T^T