“Congratz you guys.. ang galing natin.”, bati ni Jaya. katatapos lang ng presentation namin and maganda ang feedback. “akalain nyo iyon, may mabutin naidulot ang pagkabossy ni Hiro.”
Nagtawanan ang group namin. Tingnan mo itong si Jaya. Hihirit pa ng pasimple. Naalala ko nagkasagutan pa sila ni Rainvir kasi gusto ni Rainvir iemail na agad sa kanya iyong mga nakaassign sa amin na part ng case study para daw madouble check niya bago ipasa. Eh hindi pa nagagawa ni jaya kasi matagal pa ang deadline.
Ayun. Tinakot siya ni Rainvir na aalisin sa grupo pag hindi pa napasa within 2 days. Ang mahal kong kaibigan naman.. natakot. Nagpasa na kinabukasan. Haha. Perks of blackmail. haha
“ikaw lang naman ang walang bilib sakin eh..”, hirit ni Rainvir, with that smug look on his face.
Jaya rolled her eyes. “Oo na! takte! Pinuri lang kita ng isang beses lapad naman atay mo diyan!”, pambabara ni jaya.
“Jaya..”, saway ko na naman, hinawakan ko pa ang braso niya para pigilan siya.
Inakbayan ako ni Rainvir. “hayaan mo yan siya Sweet.. lagi niya akong inaaway.. di ko yan ililibre.”
I bit my lip then pasimpleng inalis ang pagkakaakbay sakin ni Rainvir. Hindi porke tabi kaming natulog kagabi eh komportable nako sa hawak ng lalake. Pasimple lang. I dont want him to think that i was making a big deal out of his pag-akbay sa akin. Nginitian ko siya. “ayie.. lilibre moko?”
“ayaw maniwala? Gusto pang ipaulit? Oo nga! Anong gusto mo?”, tanong nya naman.
“Ice cream.”, sagot ko kaagad agad parang hindi man lang pinag-isipan. Bakit ba? Favorite ko ice cream e.
“Ice cream.”, sabay ni Jaya sakin. Nag-appear pa kami kasi pareho kami ng gusto.. iba talaga ang vibes namin ni Jaya.
“Bakit nakikisagot ka diyan Jaya? aaaway awayin moko tapos gaganyan ka?”, pambabara ni Rainvir.
Sumimangot si Jaya. barado! Haha.. kasi naman.. ang maldita kasi eh. Ayan tuloy.. ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni Rainvir. “Rainnnnnn…..” lambing ko sa kanya.
“hmmmm?”, he inclined his head towards me habang nakangiti. Nag-eenjoy ata sa posisyon namin? Haha
“Isali mo na rin si Jaya sa ice cream libre mo.. pati iyong groupmates natin..”, lambing ko pa rin.
Nanlaki mga mata niya. “lahat? 8 kaya tayo sa grupo.”
I pouted. “Konti lang naman ah.”, sabi ko na parang nagtatampo. Wah. Hindi ko akalaing makakayanan kong magpacute. haha
“Oo nga Rainnnnn… wag kang kuripot..”, gaya ng isa kong groupmate. she called him Rain.
i felt a subtle pang in my stomach. parang hindi ko ata gusto na tinatawag siya sa nickname na iyon ng ibang babae.. sinaway ko ang sarili ko sa reaction ko. feelingera lang? hindi ko naman boyfriend ang kaklase ko na ito bakit ang teritorial ko.. well anyway..
Napakamot na lang ng ulo si Rainvir sa pangungulit namin. “Sus. Oo na lang ako.”
“yey! Thank you!”, I smiled at him ever so sweetly. Nakakawit pa rin ang kamay ko sa braso niya tapos inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
Nilibre nga niya kami ng ice cream, tapos nagpadeliver kami ng pizza sa bahay niya. Masarap daw ipartner ang mainit at maalat na pizza sa malamig at matamis na ice cream. Siya pa rin ang nagbayad.
Grabe. Ang kuripot ng groupmates ko, may pagkakapal muks din. Haha.. magbibigay sana ako ng share para sa pizza kaso hindi na iyon tinanggap ni Rainvir.
I can pay him naman daw sa ibang paraan.. may ipapagawa siya sa akin na pareho kaming mag-eenjoy..
O.O
>.<
o.. don’t jump into conclusions.. gusto niyang manuod kaming dalawa ng sine. O diba? Pareho kaming mag-eenjoy? Hehe :p
- - - - - - - - - -
so sorry for the late UD.. been busy sa pag-aapply ng trabaho and reviewing stuff.. hehe.. and my lola passed away so been busy with the wake and interment.. nagtatype ako ng next chapter.. hopefully i'll be able to post it tonight or tomorrow.. :)
BINABASA MO ANG
don't expect a happy ending
Подростковая литератураLove will change anyone it hits.. i know that now.. i used to look at life in a positive light but i changed.. coz i realized that life is no fairy tale.. so don't expect a happy ending.. T^T