Getting to know you..

137 5 0
                                    

Nakita ko ang notebook ko sa ibabaw ng armchair ko at may nakalagay na post it note.

                   Thank you :)

                             -Rain

Napatingin ako sa kanya na may kausap na ibang classmate namin. Our eyes met tapos lumapit siya sa akin. Nakangiti. “akala ko naman hindi mo na isosoli ito.”, sabi ko sa kanya. After 2 weeks niya pa kasi naisoli. Buti na lang 2x a week lang ang meeting naming sa subject na ito kaya sa ibang notebook muna ako nagsulat.

Napakamot siya sa ulo niya. “Ay sorry naman.. nakalimutan ko na kasi. Kinukulit kasi ako ni dad na pumili na ng law school na papasukan ko. maganda daw mag-apply nang maaga para iwas hassle. Marami din kasing gusting magproceed these days.. kaya nawala sa isip ko ang notes mo.”

“Maglo-law ka?”

“oo.”, kalma niyang sagot.

“woooww.. inggit naman ako..”, sabi ko.

“sus.. edi magproceed ka din. Tapos same school lang tayo. Maganda iyon. May friend ka. Tapos hindi mo ako makakalimutan.”

Ay? Parang pinapaalala na naman niya na hindi ko siya kilala dati? May pagkamaldita din itong lalaking ito. Haha.. “wala akong pantuition.. paaralin moko?” sabi ko and I stuck my tongue out.

Ngumiti siya. “basta ba pag-aralan mong mahalin ako eh”

Ayun.. kaya naman pala ngumiti… babanat naman pala! “Ay.. may nag-almusal ata ng mais ditto.. ang corny mo!”, pambabara ko sa kanya.

Natawa siya. “eh.. bakit hindi ka magtry mag-apply for scholarship?”

I sighed. “ewan ko. sa tingin ko lang hindi ako worthy ng scholarship. Ang dami dami kayang mas matalino at mas mahirap pa sa akin na gusto rin mag-abogado..”, malungkot na saad ko.

Hinimas niya ang likod ko, para siguro icomfort ako. Ganun na ba kaobvious ang disappointment ko sa buhay? “wag mo namang i-down ang sarili mo. Baka naman hindi talaga para sa iyo ang abogasya. Nako. Ang bait bait mo kaya! Bakit ba gusto mo pa maglaw ha?”

“Kasi I believe in justice. And I want to fight for it. Ayung honor na lang mismo ng representing a client na inaapi and you’re fighting for him. it warms my heart. Parang napakafullfilling na profession.”

“pwedeng magamit sa interview yan ah! Sus. Marami kayang lawyers ang corrupt. Mga pera lang ang habol. May iba pa ngang nanggigipit ng ibang tao para maipanalo ang kaso diba?”

“So balak mong dumagdag sa mga bad guys?”

“Hindi naman. Hindi ko alam. Hindi ko naman gusto mag-abogado e. kaso gusto ng tatay ko magfollow ako sa footsteps niya.”

“Oh..” I learned from Jaya na abogado ang dad niya, samantalang ang mom naman niya ay college professor. “eh ano ba talaga ang gusto mo?”

“yung totoo?”, tanong niya sa akin.

“hindi. Yung joke.”, pangbabara ko. “Syempre yung totoo!” Sabay hampas sa braso niya.

Natawa siya. Tapos maya maya sumeryoso ang mukha. “gusto ko sana maging dentist.”, sagot niya sa mas mahinang boses. Siguro ayaw niyang marinig ng iba naming classmates.

Napangiti naman ako. And nangunot ang noo. Parang ayaw kong maniwala! “weh? Ang layo sa course natin ah!”

“seryoso! Ano ba naman yan… gusto ko nga sabi maging dentist.. katulad noong favorite tito ko... lagi nga akong tambay sa clinic niya dati e.”, paliwanag niya.

“Ayaw mo pang maniwala. O halika. Patingin ako ng ipin mo. Check apin ko para makita kung may kailangan nang bunutin o pastahan.”, hamon niya pa. inaksyonan niya ako na lumapit sa kanya.

Umiling ako. “Ayoko.”, tapos tinikom ko ang bibig ko ng pagkahigpit higpit. Hiya ako.. hindi ako confident sa ngipin ko.. ang prominent kasi ng pangil ko. waah. Parang vampire lang?

“patingin na! nahihiya pa? para namang hindi kita nakitang nakangiti niyan. Ang ganda nga ng smile mo eh. Magaganda ang ngipin mo. Maputi. Tapos ang smile mo masyadong sweet.” Tapos natawa siya. “Sweet. Bagay sayo ang name mo na sweet.”, tukso niya sa akin.

Awwww.. bola ba iyon? Oh stop it you. Maganda at sweet daw ang smile ko. parang nararamdaman ko tuloy ang sarili kong nagbablush.

“Huss! Nagbablush pa oh! Dalagang pilipina talaga. Ang cute!”, sabi niya tapos kinurot ang magkabilaan kong pisngi.

Waaaah.. “sakit..”, reklamo ko habang nanghahaba ang nguso. napapikit pa ako kasi maluhaluha na ako..

Hinimas naman niya yung kinurot niya. “Sorry. Nanggigil lang. ang cute naman kasi! Ang chubby mong pisngi na mamula mula. Parang bagong lutong lechon lang”, pang-aasar niya tapos sinundan pa ng malutong na tawa.

“Ang salbahe mo talaga.”, sabi ko sabay hampas sa braso niya. Masakit na nga tapos nang-asar pa. mangiyak ngiyak tuloy ako. “Pandaaaaaaaaaak!”

Tumawa lang siya sa tukso ko. “uyyy.. galit na… joke lang naman na lechon ka… cute ka naman talaga.. promise.. wala nang halong asar…”

Hindi ko siya inimik.

Inalog niya ang balikat ko. “uyyy.. swettttt…”, sabi niya. Wah. Parang bisaya lang. hahaha. “bate na tayo. Wag ka nang magalet. Ngete ka na diyan.. ples.. sore na talaga…”

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Alanya. Nadaan ako sa bola ng taong ito!

“ayieee.. ayan oh.. ang ganda ng smile… ganyan lang lagi sweet.. bagay.”, bola niya. Bumabawi ata sa pang-aasar niya sa akin kanina. Pero naflatter naman ako. hehe

don't expect a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon