CHAPTER 51: Beginning

2.2K 43 12
                                    

Chapter 51

Alezia POV
"Goodmorning" pagkamulat palang ng mga mata ko. Nakita ko na ang gwapong mukha ni Marck. Napabalikwas tuloy ako ng higa
dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"G-goodmorning" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naiilang ako kay Marck. Siguro kasi first time kong magboyfriend. Siguro nga...

Hinalikan ako nito sa noo at tinitigan. "Nakatulog ka ba ng mahimbing, mahal ko?"

Juskolord! Kinikilig ako!

"M-mahal ko?"

"Bakit mahal ko?" pangiti-ngiti ito at nilalaro ang mahaba pero magulo kong buhok. "Hindi ang ibig kong sabihin endearment natin yung mahal ko?"

"Oh yes, nagustuhan mo noh? Namumula kasi ang pisngi mo" he kissed my cheeks and pinched my nose "You're so cute mahal ko"

Ngumiti nalang ako pero nagsalubong ang kilay ko ng ngumunguso ito. "A-ano yan?"

"Where's my goodmorning kiss?" aba! Kamanyakan talaga ng isang ito walang kupas. Hinalikan ko na lang siya ng mabilis at tumayo na sa kama. Baka kasi anong kapilyuhan ang gawin niya sa akin.

"Well...that's a sweet kiss mahal ko" kumindat pa ito na ikinamula ng buong mukha ko. Tumakbo na ako sa banyo na narinig ko ang tawa nito.

Hayup... Ang hilig niyang asarin ako...

2 years for having a relationship with Marck is a good and sweet one. Hindi katulad dati na sobrang inis at palagi kami nagbabangayan ngayon sobrang lalanggamin ka na dahil sa kasweetan niya.

Kaya nga medyo hindi pa ako sanay na may ganiyang side si Marck. It makes me fall inlove with him...deeper and madly...

"Bumababa ka na raw sabi ni Mama para makapag-almusal na. Hahatid na rin kita sa school niyo" rinig kong sambit ni Marck at narinig ko na ang pagsarado ng pintuan hudyat na umalis na siya sa kwarto.

Oo, nakatira pa rin kami sa bahay namin. Ang pito-este anim kong kuya, Si Mama't Daddy, Marck at ako. Ayaw ko muna kasi umalis or lumipat ng bahay, alam niyo na memories.

Tinapos ko na ang morning routine ko at mabilis na bumababa sa salas, nakita ko na silang kumakain. "Goodmorning sa inyo" bati ko.

"Morning baby" usal ni Mama

"Morning sis" tumabi ako kay Marck na pangiti-ngiti akong pinaghahain ng pagkain. "Mukhang masaya ang gising ni Marck ha" sabat ni Kuya Daevid.

"Nah. It's nothing kuya. Hindi pa ba kayo sanay na palagi na akong nakangiti...dahil kay Alezia?"

Namula ang mukha ko dahil kinikilig na naman ako. Pwede ba! Lagyan ng tape itong bibig ni Marck ng hindi makapagsalita ng cheesy..

"Kumain na lang muna kayo at baka malate pa kayo sa mga papasukan niyong trabaho at ikaw Alezia, kailangang maaga ka pumasok dahil 2nd semester mo na"

"Opo Ma." sinimulan ko ng kumain habang nagchichikaha sila. Ang bilis talaga ng panahon 2nd semester ko na sa 4th Year College... Kaunting panahon nalang ay malapit na akong makapagtapos ng pag-aaral.

Ang anim kong Kuya at si Marck, may mga trabaho na sila. Si Kuya Matthew, Daevid at Kuya Jaerred ay Architecture Engineering. Habang si Kuya Mark at Andrei ay nagtratrabaho sa call center at ang panghuli ay sina Kuya Taehyung at Marck, ay isa ng model sa isang sikat na building at entertainment. Hindi nila sinasabi kung ano ang pangalan ng company.

....
"Mahal ko?" nabaling ang atensiyon ko kay Marck na nagmamaneho. Ihahatid na kasi ako nito sa school ko, may sarili itong kotse kaya kaming dalawa ang nandidito.

Nauna ng umalis at pumasok sa kani-kanilang trabaho sila kuya, ihahatid lang naman daw ako ni Marck then papasok na rin siya sa trabaho niya.

"B-bakit? May problema ba?" tanong ko pero umiling lang ito. Tinuro niya ang pisngi nito at alam ko na kung ano ang gusto niya.

Lumapit ako sa kanya at hahalikan na sana siya sa pisngi ng bigla itong humarap kaya naglapat ang mga labi namin imbis na sa pisngi ko lang siya hahalikan.

Pinalo ko nalang siya sa dibdib pero tumawa lang ito. "Hahaha. Akala mo naman papayag ako na hahalikan mo lang ako sa cheeks no way, i want your lips on my lips not on my cheeks."

"Pervert!"

"Well... This pervert guy, is the man you love right?"

Natahimik ako sa sinabi nito dahil totoo naman. Kahit manyak ito, mahal ko naman siya. "Nandito na tayo mahal ko"

We arrived. Inalis ko na ang seatbelt ko pero pinigilan ako ni Marck. Siya na ang nagtanggal ng seatbealt ko, amoy na amoy ko ang mabango nitong pabango.

Hinalikan ako nito sa labi na ikinaigtad ko "Take care okay? Tawagan mo ako kapag dismissal time niyo na"

Tumango ako at nagpasalamat rito, bubuksan ko na sana ang pintuan ng tinawag ako nito.. "Mahal ko?"

Lumingon ako pero sana hindi ko nalang ginawa dahil naglapat na naman ang mga labi namin. Humiwalay na siya at sinabing..

"I love you mahal ko..."

"I love you too mahal ko." tuluyan na akong bumababa sa kotse nito ng nakita kong nakatulala. Bahala siya diyan. Natameme na naman.

Pumasok na rin ako sa school gate at bumati kay Manong Guard "Morning ho Mang Robert"

"Goodmorning rin sayo hija"

Tumango ako at umakyat na ako patungong first class ko ng 2nd semester.

----
Kahit hindi pa first day of June, update ko na ito. Ang dami na kasing nag-aabang 😂 Hope you like this first chapter.

Waaaa. Ito na siya guys. The first chapter. Boring ba? Please comment your opinion, i just want to know if the story is good tho or not, i can edit it and add some lines or scenes on it...

Just to make sure na basahin niyo muna ang BOOK 1 para hindi kayo maconfuse at makilala niyo ang mga characters.

Lovelots. Mwuah 😚💕

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon