Chapter 98: Jealous

321 11 0
                                    

Chapter 98

Alezia POV

Nanliit ang mata ko sa mga turistang babae na kanina pa tingin ng tingin dito sa table namin. We're having a dinner in a fancy restaurant here in Palawan.

Kanina ko pa napapansin ang tingin ng limang babae sa kabilang gawi namin sa may kaliwa na tingin ng tingin, bandang likuran ni Marck.

At alam ko na kung 'sino' ang tinitingnan nila.

"Busog ka? Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo." ani Marck. Tiningnan ko siya at bumuga ng marahas na hininga. "Any problem?" he asked. Hinawakan pa nito ang nakapatong kong kamay sa lamesa.

Binigyan ko lang siya ng tingin at sinimulan ang pagkain. Sa bawat pagsubo ko, sinasamaan ko ng tingin ang mga babae na nakikita kong nagbibigay ng flying kiss kay Marck.

I don't get mad easily but, I get annoyed easily. That's the difference. Hindi ako galit, naiinis lang.

Marck's back is facing at them, so he did not saw what I already saw. Tahimik lang siyang kumakain. Mariin kong hinawakan ang tinidor ko, handa ng tusukin ang mga mapupula nilang labi hanggang sa magdugo.

Alam kong gwapo ang boyfriend ko pero hindi niyo ba nakikita na kasama ang girlfriend niya? Like duh.

Dinig ko ang impit nilang tili ng lumingon si Marck sa gawi nila. Nahalata niya siguro ang masamang tingin ko sa likuran.

Ayoko naman maging bitch pero kasi kapag alam mo ng may syota ang lalaki huwag ng maki-sawsaw, isawsaw ko ulo niyo sa inidoro. Kahit na turista at magaganda lang kayo kapag minura ko kayo ng putangina, tingnan niyo lang.

I heard Marck's chuckles while looking at me. Kinagat pa nga niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa.

"Anong nakakatawa, Marck?" I rolled my eyes to him. Tinusok ko ang steak at sinubo, kahit na ngumunguya ako naririnig ko ang mahinang tawa niya.

Pinagdikit ko ang mga labi ko at iniwas ang tingin sa kanya.

Tawa-tawa pa, mukhang natutuwa kasi pinag-iinteresan na naman siya ng iba.

Ramdam ko ang paghawak nito sa baba ko at pilit na pinapalingon sa kanya. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Hindi naman talaga ako selosa pero kasi nakakainis lang talaga, sobrang nakakainis.

"Hey, look at me..." he pleaded. "My baby, please, look at me..."

Sinulyapan ko lang siya saglit at umirap muli.

He giggled.

"Damn..." he cursed. Gulat ko siyang tiningnan ng bigla itong tumayo at tumalikod sa'kin, kita ko ang paglakad niya sa table ng mga babaeng 'yon.

At may gana ka pa talagang makipag-usap, Marck.

Nanggagalaiti na ako sa inis. Lalo na ng nakipag-kamayan silang lahat kay Marck, ang isa ay palihim pang inamoy ang kamay na para bang nandoon si Marck na inaamoy niya.

Okay, Alezia. Calm down, Inhale..Exhale. Friendly lang talaga ang boyfriend mo, Alezia kaya intindihin mo na lang.

Mahaba ang pag-uusap nila. Nakita ko ang paglungkot ng nga mukha nila at tiningnan ang gawi ko, tinuro ako ni Marck.

Bakit ako? Sinusumbong ako siguro nito na binibigyan ko sila ng masamang tingin kanina.

Inubos ko ang steak at uminom ng buko shake para lumamig man lang ang ulo ko.

The girls nodded their heads and glanced me, again, now they are smiling.

Pilit akong ngumiti.

Sa pagkakataon na 'yon, naglakad paalis si Marck sa table nila at lumapit sa gawi ko.

Sinundan ko siya ng tingin.

"A-Anong ginawa mo?" I asked.

He pinched my cheeks. "Sinabi ko lang sa kanila na, huwag nilang pinapainit ang ulo ng girlfriend ko kasi iba ka magalit. Sinabi ko din na taken na ako at wala silang pag-asa, dahil may girlfriend akong selosa pero lubos naman magmahal." aniya.

Tinaas ko ang kilay ko. Sinubukan kong ulit na magtaray pero sumuko din.

Wala na, puta, ang rupok talaga kahit kailan.

Nakita ko ang pag-alis ng limang babae, kumaway pa nga sa'kin. Kumurap-kurap pa ako. Feeling ko ako ang naging kontrabida ah, mababait naman sadyang attitude lang ako, sis.

Inambahan ko na lang suntok si Marck, hinintay ko muna siyang matapos. Bago kami ulit naglibot sa white sand ng Nacpan Beach.

Hawak ko ang kamay niya habang isini-sway ito, natatawa na lang siya kapag binibilisan ko.

Habang naglalakad, biglang may nagtakbuhan sa gawi namin.

"Hala, omg, Si Prince Marck!!"

"Papicture naman po"

"Gosh, kasama din niya ang girlfriend niya!"

Mga babae na naman. Kinontrol ko ang sarili ko dahil baka matulad na naman kanina sa restaurant, nagmukha talaga akong maldita. Hinayaan ko silang magpapicture kay Marck, bibitawan ko sana ang kamay niya, bigla niya akong hinigit.

Nagtilian ang mga babae.

"Marck..."

"Kapag kasama kita at magpapa-picture sila, kailangan kasama din ang girlfriend ko." he proudly said. Kita ko na tumango ang mga babae at sinimulan ang picture taking.

Hindi talaga ako binitawan ni Marck kahit na may ilan na yumayakap sa kanya.

Pagdating ng alas-dos ng hapon, lumangoy kami sa malawak na dalampasigan ng Nacpan. Manipis na black t-shirt at adidas short ang sinuot ko, ayoko na mag-bikini.

Sa gitna ako umahon ng may biglang humila sa'kin pailalim.

Marck.

Mahina ko siyang sinampal sa ilalim. Nang umahon kaming dalawa, tumawa siya.

"Gago ka talaga..." sinabuyan ko siya ng tubig.

Sinabuyan niya din ako.

"Ang cute mo magselos." aniya.

I scoffed, rolling my eyes. "Hindi cute 'yon, Marck. Nainis lang talaga ako. Pero..." I sighed. "Iintindihin ko na lang na sikat ang boyfriend ko, na marami akong kaagaw sa'yo at humahanga sa'yo. Hindi ko naman sila masisisi, kaya okay lang..." tinuro ko siya. "Pero kapag ikaw nalaman ko na lumalandi ka sa iba, tapos na tayo."

Namutla siya sa sinabi ko. Hinapit niya ang katawan ko sa kanya, hinawakan ko ang balikat nito.

"I'll never cheat on you, Alezia. Wala sa isipan ko na saktan at lokohin ka." he lift my chin, staring at my inner soul. "I really love you, so madly inlove with you, baby..." bulong nito.

Dahan-dahan lumapit ang mukha nito sa'kin, he angled his face until our lips met, giving me a passionate kiss and in that moment, I'll promise to understand you and to be with you all the time, Marck. You took my heart and also, my soul...it's all yours.

I love you too, forever.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon