CHAPTER 53: Behind Those Mask

989 18 1
                                    

Chapter 53

Alezia POV
"Zia, huwag ka ngang makulit! Basta ayokong makipagkaibigan doon at maging ikaw hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa Sabrina." nagtaka ako sinasabi ni Choi sa akin.

Parang may nagawa sa kanya si Sabrina kung bakit ganito siya kagalit sa kanya. "Bahala ka kung gusto mong makipagkaibigan sa kanya... pero Alezia, winarwarningan kita sa kanya. Makinig ka naman sa akin, kahit ngayon lang"

Huminga ako ng malalim at tumango nalang, baka magalit ang isang ito..."Oo na, hindi na ako magiging makulit. Hindi na rin ako makikipagkaibigan sa kanya. Okay na?"

Ngumiti nalang siya at kumain na. Break time na rin naman. Hinihintay ko lang ang dalawang bruha na dumating..

"ALEZIA!!!" speaking of dalawang bruha. Lumapit na ang dalawa at kasama ang boyfriend nila. Nagpapainggit yata ang dalawang ito.

"Sorry kung ngayon lang kami, nagextend kasi ng oras yung teacher namin sa History, then sinabay na namin ang boyfie's namin" usal ni Tiffany.

Mga walang hiya..Buti pa ang mga ito, kasama ang boyfriend nila. Pero hindi ako malungkot ha! Proud kaya ako kay Marck, tapos na siyang mag-aral at may trabaho na.

'mahal ko' naalala ko tuloy ang unang tawag niya sa akin... Kinikilig ako jusq.

"Hello?! Alezia! Nasa earth ka pa ba?! Mukhang nasa Neptune ka na yata...." tumingin ako kay Nathalie na ngayon ay sinusubuan ang boyfriend niya maging si Tiffany rin.

Ano? Baby lang ang peg? Hindi marunong kumain. Buti nalang talaga, si Marck ang nagsusubo minsan sa akin.

I miss him so much, kahit kanina nagkita lang kami. Ganito ba talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao? Miss mo na ang presensiya nito kahit nagkita naman kayo kani-kanina lang. Urgh!

Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. 1 message from Bby Marck 💖 .

Napangiti ako at madali ko itong binuksan.. "Kumain ka na ba mahal ko? Huwag kang magpapalipas ng gutom ha"

Nagreply naman ako "Opo, actually kumakain na kami, kasama ko sila Choi, Nathalie at Tiffany"

"Pangiti-ngiti na naman ang isang ito. Alam na namin kung sino yang katex mo" rinig kong sabi ni Choi. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pakikipagtext kay Marck.

"I miss you mahal ko, i miss your presence beside me. How i wish you're here with me. I love you so much. Mwuah 😘"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil may emoticon pa ng kiss. Napapaisip tuloy ako para kaming tinedyer na naglalandian ng patago.

"I miss you too. Sana nga, para makita ko rin kung paano ka magmodel sa harap ng camera. Gwapo mo siguro"

"Alezia..." tinaas ko ang tingin ko ng tawagin ako ni Choi at may ininguso ito sa gilid ko. Nagtaka naman ako kaya tiningnan ko kung sino ang ininguso niya.

"C-can i join? Wala na kasing bakanteng upuan eh..." sambit ni Sabrina.

"S-si--"

"Andami kayang upuan, tingnan mo marami pang bakante. Kahit saan pwede kang umupo wag lang dito ts---" tinakpan ko ang bibig ni Choi. Napakabad talaga ng isang ito.

"Sige, upo ka na Sabrina." Tumabi ito sa akin at inilagay ang tray na punong-puno ng pagkain. She has a big appetite. "Gusto mo? Baka kasi hindi ko rin maubos"

"Thank you nalang pero kasi kakatapos ko lang din kumain, wala ng space sa tiyan ko" tumango nalang si Sabrina.

Nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Nathalie at Tiffany. Nakalimutan ko palang ipakilala sila. Tumikhim muna ako bago nagsalita

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon