Chapter 84: Versus

388 7 1
                                    

Chapter 84

Alezia POV

4 days has passed. "It's positive!" masayang saad ni Mama. Dumating na ang DNA Test ni Kuya Stanley. Tiningnan ko rin ang papel na nabitawan ni Mama, sinunggaban niya ng yakap si Kuya. Hay nako Ma. 99.9 % ang nakalagay. Siya na nga, wala ng duda.

"Sabi ko naman ho sa inyo.."

Dahil sa kasiyahan niyakap ko rin Kuya. Noon hinihiling ko na magkaroon ng Kuya para protektahan ako sa mga batang binubully tsaka para maranasan ko kung paano mag-alaga ang isang Kuya. Ngayon, hindi ko aakalain na magiging walo—este pito pala jowa ko na kasi yung isa.

Landi.

December na pala. Araw na ng Pasko. Ang bilis ng panahon. Maraming nangyari. Malapit na rin ang bagong taon. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari sa taong iyon ngunit hinihiling ko na puro kasiyahan lamang ang taon na iyon.

Apat na buwan na lang magtatapos na ako ng kolehiyo. Makakapagtrabaho na ako. Magiging isa na rin akong nurse. Bakit nga ba nurse? Actually wala akong ideya kung bakit ko ito nagustuhan, napag-interesahan ko lang. Siguro dahil magaling ako mag-alaga? Aba, hindi ko alam.

Gaga, baliw ka ba? Napailing na lang ako dahil para akong tanga na kinakausap ang sariling isip.

"Ang ganda dun sis!"napitlag ang pag-iisip ko ng bigla akong higitin ni Tiffany sa isang Dress Boutique. Girly talaga masyado. Nagpahigit na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa, nakahawak na siya eh.

"Good day Ladies." bati ng isang saleslady sa amin. ""Welcome to O's Victoria Dresses. We have a good quality dresses for you..." marami pang sinasabi ang babae ngunit ako ay manghang-mangha sa mga magaganda at kumikinang nam mga dress. Halos lahat maganda.

Naghiwalay muna kami ni Tiffany upang makapagtingin-tingin sa magugustuhan. And I expect this dresses are so expensive. So expensive.

Shit! Ang pinakamababa lang na presyo ay  376,249.00. Karamihan ay matataas na.

"Ang mahal naman, wala bang mas mura dito?" bulong ko habang tinitingnan ang dress na color nude peach. May mga crystal itong maliiit sa itaas ng neckline hanggang sa beywang, curvy rin masyado ang shape na talagang magiging sexy ang magsusuot nito at may slit pa sa kanang hita at may kaunting design pa sa likod nito.

Beautiful.

"Kung gusto mong makamura edi sa divisoria ka dapat pumunta. Tsk"

Hinarap ko ang nagsalita. Ganoon na lamang ang pagtaas ng kilay ko ng makita ko kung sino ito. "Bakit ka nangengealam? Ikaw ba ako?" inikutan ko siya ng mata.

Ngumisi pa ito na akala mo bagay sa kanya. Mukha kang asong natabingi yung mukha. Sarap ingungod sa lupa.

"May lakas ka ng lumaban sa akin? Baka nakakalimutan mo ang ginawa ko sa kaibigan mo.." pagtatakot niya. Kinuyom ko ang mga kamao at gusto ko talaga siyang sapakin. "Gusto mo rin atang isunod yung isa.." tumingin siya sa kanang bahagi na ikasunod ko ng tingin.

She giggles "Oh, It's Tiffany."

I will sue you Sabrina Gutierrez! Hinding-hindi ko hahayaan na may mawala pa sa kaibigan ko. Ayokong madamay ang buhay ni Tiffany. Nawala na sa akin si Nathalie, ayokong mawalan ulit.

"Subukan mo. Hinding-hindi kita aatrasan" lakas-loob kong sinabi sa kanya. Sa inaakala niya matatakot ako? Kailangan kong maging matapang. She will take an advantage to my weakness and that's bullshit.

"Are you challenging me?" tumawa pa ito ng mahina. Nagkunwari pa itong nagpaypay na para bang naiinitan "Grabe ang intense naman nun, nakakatakot." naging seryoso ulit ang mukha nito at tinaas ang kilay na halatang drawing lang. Maganda nga kaso kapit sa make-up.

"Ito Alezia sigurado akong bagay ito say—luh epal..." natigilan si Tiffany ng makita niya ang kausap ko. "At bakit ka nandito bruha! Hindi ka bagay dito ah! Naamoy ko basura rito. Ano ba yan ang baho! Hmp!" asar na saad ni Tiffany.

Gulat na napatingin sa kanya si Sabrina. "Excuse me! Anong sinabi mo?"!"

"Basura na nga, bingi pa. Saan ka pa?"

Maliit akong ngumiti dahil nakikita ko ang pamumula na mukha ni Sabrina habang si Tiffany ay nakangiti na senyales na nang-aasar. Lakas rin talaga ng trip nito eh.

"What the! Urgh!!" akmang susugurin niya si Tiffany pero naunahan siya nito. Hinagis nito ang dress na hawak-hawak niya sa mukha ni Sabrina. "AHHHHH!"

"Arte mo! Tara na nga sa iba na lang tayo maghanap ng walang naamoy na basura..." hinawakan ako sa pulsuhan ni Tiffany pero bago pa kami makaalis humarap muli siya sa galit na galit na mukha ni Sabrina. "Nasaan nga pala ang sundo mo? Yung truck ng basurahan? Traffic ba sa Payatas, nangangamoy kasi plastic na masarap sunugin. Ciao!" doon na ako hinigit ni Tiffany palabas ng boutique na iyon.

Narinig ko pa ang sigaw at pagpapadyak ni Sabrina sa loob. Pagkalabas namin doon namin nilabas ang naipong tawa na kanina ko pinipigilan.

"Kita mo mukha niya? Mukhang pinasabugan ng piccolo!" saad niya. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala kaming pakialam. Ilang minuto pa ang ginugol namin sa pagtawa bago magpatuloy sa shopping.

Sabrina POV

"Bitch!! Fuck!!" paulit-ulit na mura ko habang tinitingnan na naglalakad palayo sina Alezia at Tiffany. How dare them! That Tiffany is so fucking bitch! Wala siyang karapatan na insultuhin ako bilang basura.

"Argh!"

"Shut up Sabrina."

Nanlilisik na mga mata ang binigay ko sa nagsabi pero kaagad din iyong nawala ng makita ko si Ate Olivia. At last may pagsusumbungan na ako.

"What's happening? Para kang sasabog na kamatis."

"Alezia and that stupid bitch fault!"

"Oh." tumango-tango ito.

What the. "That's it? Is that only your reaction?" naiinis ako. Napailing na lang ng ulo si Ate habang nakataas ang kilay.

"Sabrina, act like a lady. You're so immatured. Mabilis kang mapikon at mainis. Can you please remove that? Huwag mong hahayaan na makita ka nilang ganiyan. Masyado kang isip bata. Wake up Sabrina! Dapat lamangan mo sila. Tsk."

Doon naman ako natigilan. She's right. I'm acting so childish and immatured.

"Samahan mo na lang ako. May ipapakita ako sayo and this is so exciting. Let's go?" naunang naglakad si Ate at sumunod naman ako sa kanya.

Exciting? Come on, this is such a good idea.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon