Chapter 100: Altar

325 13 0
                                    

Chapter 100

Alezia POV

Busangot kong tiningnan si Tiffany sa harap ng salamin.

"Ginulo mo lang lalo, Tiff..." saad ko.

Wala pa kasi ang hair stylist. Biglang pumunta sina Choi at Tiffany sa kwarto ko para lang mang-gulo. Make up at hair na lang ang kulang, eh, etong si Tiffany pinag-tripan ang buhok ko.

Hindi siya nagsalita.

Nanliit ang mata ko ng sobrang tahimik nito.

Inilihis ko ang ulo ko, nagmukha tuloy akong manananggal. Sinuklayan ko muli 'to bago bumaling kay Tiffany sa likod na nakatulala.

Nilingon ko siya sa likuran.

"Anyare sayo?" I asked.

Nanginig ang pang-ibabang labi nito hanggang sa umiyak na siya. I stood up and went to her, Choi also did it, too.

I hugged her. "B-Bakit? May ginawa ba sa'yo si Niño, huh?" alala kong tanong. Mahigpit ako nitong niyakap.

"M-Masaya lang ako para sayo, Alezia. Ikakasal na ang bestfriend ko..." she sniffed, humiwalay ito sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko. "If nandito din si Ate Nathalie, paniguradong parehas lang kami iiyak sa tuwa." she said.

Ramdam ko din ang pamumuo ng luha ko.

I sighed. Pinalipas muna namin ni Marck ang limang buwan bago namin magpasyahan na sa September ang buwan ng kasal.

Mayroon na din akong trabaho. Tatlong buwan ako nag-training sa airlines na 'yon bago ako maging F.A, for real.

Si Marck naman ay patuloy pa din sa pagmo-modelling sa company nila.

I tapped Tiffany's back, giving her a comfort and I smiled at her. "Iyakin ka talaga kahit kailan..." tiningnan ko si Choi, pabalik ulit kay Tiffany. "Masaya ako na naging kaibigan ko kayo, na nakilala ko kayo, nagpapasalamat din ako sa inyo. Pangako, kahit na may asawa't-anak ako, hinding-hindi mawawala ang bonding time natin. Tsaka susunod din kayo sa'kin magkaroon ng married life."

Choi scoffed "Maaga pa, uy." she said.

Tinawanan ko 'yon. "Hindi naman problema 'yon, kung talagang mahal na mahal niyo ang isa't-isa...na nakikita niyo ang future na kasama ninyo ang dalawa, then go, wala naman pumipigil. Desisyon 'yan hindi lang opinyon." I said.

Tumahan na si Tiffany, ilang minuto pa ay dumating na ang mga make-up artist at hair stylist kaya umupo sila sa kama sa likuran ko.

I smiled at them, a happy smile. They also smiled and give me a thumbs up.

Di umabot ng isang oras ang final retouch ko. Nang nilagay na ang veil sa ulo ko, tiningnan ko muli ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nakisama na din sina Tiffany at Choi.

We smiled.

"This is it. This is your most awaiting day in your life, Alezia." Choi said.

Pagbaba ko pa lang sa white limousine, sigawan ang narinig ko. Kumaway ako sa mga fans ni Marck or should I say fans ko. Charr. Nag-post kasi kami sa social media na lahat ay imbitado sa gaganpin na kasal, hindi ko lang aakalain na ganito kadami ang mga humahanga sa aming dalawa ni Marck.

Kawawa naman sila, mainit ang panahon ngayon. May mga barrier din na nakalagay kasi yung iba halos magwala na. Isang ngiti pa ang binigay ko sa kanila bago naglakad papunta sa pintuan ng simbahan.

Nginitian ko si Dad na naghihintay sa pagdating ko.

"You're so beautiful, anak." he said. Pinalibot ko ang kamay ko sa braso nito. "Enjoy this day with my son, hija. Take care of him."

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon