CHAPTER 63: Brave Choi

704 23 5
                                    

Chapter 63

Sabrina POV
"Yaya! Pakiaabot nga yung remote! Bilisan mo!" sigaw ko sa katulong dahil sobrang bagal ng galaw nito. Binigay naman niya sa akin ang remote at yumuko bago umalis.

"Slow like a shit turtle" bulong ko ng umalis ito. Nilipat ko naman ang channel pero bwiset walang magandang palabas! Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ng sofa at tinawagan ang pinakamamahal kong Ate in the universe.

"Hello Ate?"

"Oh, bakit ka napatawag Sab?" rinig ko ang bagong gising nitong boses. Madaling-araw na pala sa Los-Angeles. "I'm sorry Ate, nadistorbo ko ba ang beauty sleep mo?"

"No, perfect timing ka nga eh. Buti nagising ako sa bad dream ko"

Medyo kinabahan ako pero hindi ko nalang iyon pinansin "Anong bad dreams naman iyon Ate?"

Rinig kong huminga ito ng malalim "You." doon ko nalunok ang laway ko dahil sa kaba. "A-anong ako? Paanong ako ang napaginipan mo?"

"Basta ikaw ang nakita ko sa panaginip ko, hindi klarado kung ano ang ginagawa mo pero parang may hawak kang matulis na bagay. Hindi ko lang sure ha...Baka kasi namalik-mata lang ako"

Fuck! No! "E-ehe! Ate naman! Baka nanaginip ka ng ganiyan dahil mahilig kang manood ng horror movies!"

Narinig ko ang mahina nitong tawa "Tama ka, nanood kasi ako ng The Wrong Turn bago ako natulog." nakahinga ako ng maluwang dahil sa sinabi niya.

"Ano ba kasing dahilan kung bakit ka napatawag?"

"Uhm, kasi ate. M-may nasabi ba sayo na kung ano si Choi?"

Nag-isip pa ito at sinabing "Wala naman, hindi pa kami nagkakausap ni Choi. Last na conversation namin ay 5 weeks ago tungkol sa studies niya. Nagpatulonng lang siya sakin. Bakit?"

"W-wala naman ate..."

"Sabrina" paktay! Mapapasabak ako kay Ate pero hindi niya kailangang malaman. Never!

"Wala nga ate. Kasi si Choi, inaway na naman ako"

"Para kayong mga bata ano? Hayaan mo na lang siya, huwag mong patulan ang nerd na yan--"

"Take note Ate. No more nerd na si Choi. Gumanda na ito at hindi na mahiyain. Mahilig pang makipaglaban" tiningnan ko ang itaas kung nasaan ang kwarto ni Choi. "Really? I don't care, naging nerd pa rin siya. Mas maganda ka sa kanya no!"

Napangisi ako ng makita kong lumabas si Choi sa kwarto niya. Mabilis naman akong lumingon paharap "Sige na ate, inaantok na ako tsaka may pasok pa ako bukas. Goodmorning na sayo diyan"

"Hahahaha. Okay sis. Goodnight na sayo diyan" doon na naputol ang tawag namin. Tumayo na ako at nagkunwaring nagulat ako dahil kay Choi.

"Oh my gosh! You scared me Choi!"

Tumingin ito sa akin ng walang gana at tumaas ang kilay "Pa-omygosh omygosh ka pa diyan, nakita mo naman na ako kanina pa!"

Tumungo ito sa kusina na sinundan ko siya "Bakit gising ka pa, padilim na ang gabi ha" sambit ko pero hindi ito sumagot at kumuha ng maiinom niya.

Naiinis na talaga ko sa babaeng ito. Kinuha ko ang braso nito at hinarap sakin "Kapag tinatanong kita, sagutin mo kaagad huh!"

"At bakit nanay ba kita para sundan ko ang utos mo? Tsaka bakit ako makikipag-usap sa mamamatay tao?"

Lumaki nalang ang mga mata ko "Shut up Choi! Baka may makarinig sa atin!"

"Ano namang pake ko kung narinig ni Kuya Jackson at ng mga katulong rito na mamamatay tao ang pinsan ko...." Tinaasan ako nito ng kilay at uminom ng tubig bago nagsalita ulit...

"na pinatay lang naman ang nakakabunso nitong kapatid dahil sa selos"

Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. "Oh, galit ka na kaagad. Tsk! Tsk! Poor Sabrina. Kapag kinalaban mo ako? Magkakaalam na ang sekreto ng bawat-isa at mauuna ang sayo. Ang saya diba?"

Humarap ito sa akin at nameywang "Kaya ngayon kung ako sayo, kung may binabalak ka kay Alezia na masama, sinasabi ko sayo Sabrina. Once na malaman ko kung ano ang ginawa mo sa kanya. Mag-paalam ka na rito sa bahay at sa Ate mo..." hinawakan nito ang pisngi ko "Goodluck couz" tinapik niya ito at iniwan na ako sa kusina.

Hindi ko alam kung bakit may lakas siyang kalabanin ako! She know me a lot huh and she already knew what i did to my sister.

Ayokong malaman nila Ate at Kuya Jackson ang ginawa ko kay Verona, siguradong wala na akong kakampi pa at kamumuhian nila ako.

Pagtitiisan ko nalang si Choi, pero kapag may nalaman ako sa kanya na pwede kong ipanglaban sa sikreto ko. Sigurado akong mas mauuna siyang mabulgaran ni Kuya Jackson.

Choi POV
Habang paakyat ako ng hagdanan hindi ko mapigilang mapangiti sa nagawa ko sa napakasama kong pinsan.

Anong akala niya? Matatakot ako sa isang katulad niya? Ngayon na may alam akong sikreto tungkol sa nakaraan nito. Not meh!

Pumasok na ako sa kwarto ko at sinarado ang pintuan. Tumungo ako sa drawer na malapit sa gilid ng kama at may kinuha roon.

Picture Frame...

Ang larawan na kung saan wala pa kaming problema sa isa't-isa. Masaya at puno ng tawanan.

Kuya Jackson, Ate Olivia, Ako, Sabrina and Verona.

Magkakayakap kaming lima rito habang nagtatawanan. 4 years old lamang kami rito ng makuha ang magandang litrato na ito.

Bawat isa sa amin ay mayroong ganitong larawan. Lalo na ng mawala si Verona. Hinawakan ko ang larawan sa banda ni Verona at tinitigan ito, siya ang pinakabata rito. Sa tingin ko ay 2 taon lang.

"Maliit ka pa lamang pero nawala ka na kaagad sa mundong ito, at dahil yan sa kagagawan ng ate Sabrina mo..." tumulo ang luha ko na kaagad kong pinunasan. "Hayaan mo Verona, makukuha natin ang hustisya sa pagkamatay ng walang-kamuwang-muwang na katulad mo...."

"Hayaan mong si Ate Choi ang maglalaban sa pagkamatay mo. Gagawin ko ang lahat para mahingi ang karapat-dapat sa pagkamatay mo...." hinalikan ko ang mukha nito at tinago ulit sa drawer.

Kahit magpipinsan kami, tinuturing ko si Verona na kapatid ko dahil sa sobrang kulit at bait nito. Hindi siya nagmana ng kademonyohan sa dalawang ate niya, pero ang sobrang ikinakalungkot ko...

Bakit nagawa ni Sabrina na patayin ang kapatid niya dahil sa selos? Mali ang pumatay lalo na kapag wala naman ginawang masama sayo.

For heaven's sake! Dalawang taon pa lamang si Verona pero ang malditang bruha na si Sabrina, pinagseselosan niya ang kapatid niya dahil ang atensiyon ng magulang nila ay nasa kay Verona lang.

Kaya hinding-hindi ko mapapatawad si Sabrina sa ginawa niya kay Verona. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinatay na ang lampshade para makatulog na rin at may pasok pa ako bukas.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon