CHAPTER 56: Sweet Kisses

931 29 6
                                    

Chapter 56

Alezia POV
Kanina pa ako pabaling-baling ng higa rito sa kama. Hindi talaga ako makatulog mula kanina pa. Pagkatapos kasi ng away namin ni Marck, gusto niyang matulog na.

Pero ako kanina pa nakapikit ang mga mata ko pero hindi talaga ako tulog, gising ang buong diwa ko.

Bumangon ako ng dahan-dahan para hindi magising si Marck. Magpapahangin na nga lang muna ako baka maantok ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa terrace at binuksan ang malaking glass door. Bumungad na kaagad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at magandang tanawin ng buong syudad.

Pinikit ko ang mga mata ko at tiningnan ang buong paligid, naka-sando pa naman ako kaya medyo nalalamigan ako.

Sino kaya ang nagsend ng picture namin ni Grey kay Marck?

Siguro gusto niyang sirain ang relasyon namin ni Marck, pero sorry siya hindi ako makakapayag na maghiwalay kami ni Marck. Mahal na mahal ko ang lalaking iyon.

"Still awake?" napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko, hindi ko na nagawang lumingon pa ng naramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa beywang ko.

"Hindi pa kasi ako inaantok." sabi ko . Inilagay naman niya ang baba nito sa balikat ko. Medyo nakiliti ako kaya natawa ako ng mahina.

Nilaro-laro nito ang mga daliri ko "Baka may iniisip ka kaya hindi ka makatulog" huminga ako ng malalim at pumikit nalang ako, bago isinandal ang likod ko sa dibdib nito.

Tinigil na niya ang paglalaro sa daliri ko at hinaplos ang buhok ko, naramdaman ko ang paghalik nito sa taas ng ulo ko. He was giving me small kisses at my head. Such a sweet boyfriend.

Masarap sa pakiramdam dahil hindi ko aakalain na magiging kami ni Marck. Naalala ko tuloy nung sobra-sobra ang pagaaway namin ng dumating ako sa bahay nila. Sobrang epic talaga nung pinalo niya yung pwet ko.

"Why are you smiling mahal ko? Share naman" kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko mapigilang mapangiti ng magreplay sa akin ang eksenang iyon.

Humarap ako rito at itinaas ang tingin ko sa kanya "May naalala lang talaga ako nung una nating pagkikita sa bahay nun. Nagalit kaagad ako sayo dahil pinalo mo yung pwet ko. Walang hiya ka talaga!"

Natawa na rin ito. He'a showing his bunny smile. Nagmukha tuloy itong bata. "I remember that too. Hindi ko talaga matawa sa reaksyon ng mukha mo..."

"Hindi ko rin aakalain na mamahalin kita higit pa sa buhay ko..."

Okay kokey! Kinilig ako dun! This man never fail me to make my cheeks turned into a red one.

"Basta hindi ko alam kung kailan, saan at paano kita minahal ng sobra sobra mahal ko, gusto ko nasa tabi kita palagi. I want to see your smiles and hear your laugh. Hindi yata mabubuo ang araw ko non kapag hindi kita naasar, nakyukyutan lang kasi ako lalo na kapag ngumunguso ka at binebelatan mo ako.."

That was my max... Natawa na talaga ako habang namumula ang buong mukha ko. Grabe naman kasi sobrang cheesy.

"You're blushing mahal ko, how cute!" pinisil nito ang pisngi ko. Nagtitigan lang kami pagkatapos pero napalo ko kaagad siya sa bras ng sinapo nito ang pang-upo ko at pinisil.

"Marck!"

Natawa lang ito at lumapit sa akin. Kaunting dangkal nalang ay maglalapat na ang labi namin, hindi nga ako nagkakamali dahil naglapat na ang mga ito.

"I love you, Alezia"

"I love you too Marck"

Doon na rin nagpatuloy ang pagbibigayan namin ng pagmamahal na halik. Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin na ganito ang ginagawa namin sa terrace.

Matthew POV
"Kuya, nagkaayos na kaya sila Marck at Alezia?" tanong sa akin ni Jaerred. Nagulat talaga kami kanina ng pagdating nila sa bahay, galit na galit ang mukha ni Marck habang hila-hila si Alezia sa likuran nito.

Nag-alala talaga ako kay Alezia dahil nasasaktan ito kanina base sa mukha niya. Ano ba naman kasi ang dahilan kung bakit galit si Marck sa kanya?

Well....That's relationship. Hindi maiiwasan sa isang relasyon ang pag-aaway. Diyan sinusukat kung gaano talaga kayo katatag magmahalan. Sana magkaayos na ang dalawang iyon.

"Hindi ko rin alam. Hindi naman sila mag-aaway ng matagal. Okay na yun. Tingnan nalang natin bukas. Alam kong hindi matitiis ni Marck si Alezia..." tumango ang mga ito.

"Sa ngayon umalis na kayo sa kwarto ko, distorbo kayo sa pagtulog ko. May pasok pa tayo bukas! Umalis na kayo! Shoo!"
pagtataboy ko sa kanila, napakamot nalang sila ng ulo at umalis na sa kwarto ko.

Pupunta kasi dito para lang mang gulo at magtanong kila Marck at Alezia. May mga pasok pa kami sa trabaho bukas kaya kailangan makatulog na rin ako ng maaga.

Papatayin ko na sana ang lamp ng biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko nalang ito at may message from unknown number.

Binuksan ko ang message at binasa ang nakasulat rito...

"Well...Well...Mukhang may naamoy akong siraan ng relasyon😉. I smell something bad for your family. 😕Goodluck in advance. 😇Nagsimula na akong paikutin ang 'stepsister' niyo. Sobrang tanga niya🙄Hahaha

Who the fuck is this?!

----
Hindi muna ako makakapag-update bukas, masakit talaga ang mga mata ko, kailangan ko munang ipahinga baka may mangyari kasi eh. 😭

May laban pa naman kami next week sa dance contest. 😍

Wish me luck.... 🤞🏻✨

I promise, sa tuesday or wednesday, 3-5 chapters ang ipupublish ko. Sana makayanan ko. Waaaa. Kbye. Annyeong!

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon