Chapter 87: Revenge

284 8 0
                                    

Chapter 87

Sabrina POV

I raised my eyebrows to her. She's looking at me with her narrowed eyes, and full of madness. At wala akong pakialam, hindi din naman siya makakalabas dito ng buhay.

I will kill her. Titiyakin ko na hinding-hindi siya matunton ng mga kapatid niya lalo na si Marck. Sa akin si Marck, at kapag namatay ang babaeng 'to, ako na ang mamahalin ni Marck.

"Tumahimik ka nga! Isusulsol ko 'tong baril sa lalamunan mo!" singhal ko. Kanina pa kasi siya ng hikbi ng hikbi. Nakakarindi.

"Puta ka, Sabrina. Pagbabayaran m—Aray!!!" sinenyasan ko ang tauhan na paluin ang hita nito gamit ang isang tubo.

Humalakhak ako.

Kita ko ang sakit sa mukha niya. Magulo ang buhok, puno ng pawis, may dugo ang ibabang labi niya. Nakagapos sa isang upuan.

"Ano? Satsat pa, para mabaldado ka na ng tuluyan!" pinaikot-ikot ko ang baril sa kamay ko. "Alam mo bang konti lang ang pasensiya ko, Alezia? Kapag hindi pa dumating ang mga Kuya mo hanggang sa sumikat ang araw, papatayin kita ng isang kalabit lang dito, nakikita mo?!" itinututok ko ang baril sa noo niya.

She's looking at me, full of anger and hatred.

"Baliw ka na, Sabrina. Baliw ka na!" singhal niya.

I can't stop giggling while looking at her miserably. Hindi ko alam na ganito kasaya makitang nahihirapan si Alezia, ang hina niya pala. Kaya madali lang sa akin na patayin ang isang 'toh.

Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Akin na 'yang bag ko! Bilis!" utos ko sa isang tauhan. Mabilis naman niyang inabot sa akin ang bag ko. Kita ko ang pangalan ni Kuya Jackson kaya sinagot ko kaagad.

"Hello, my one and only, Kuya."

"Nasaan ka?" he asked.

Tiningnan ko si Alezia na nakayuko, alam kong nanghihina na siya. Kanina pa siya diyan, nakatali. Ilang beses ko din siyang pinagsa-sampal at hinampas ng tubo sa mga hita niya, isusunod ko ang likod nito.

"Hmm...Ako? Nasa magandang lugar ako Ku—"

He cut my words. "Huwag mo 'kong pinagloloko, Sabrina. Nasaan kayo ni Ate Olivia mo?"

I raised my eyebrows. Nilagay ko ang baril sa taas ng ulo ni Alezia at nilaro-laro doon. Pilit niyang inaalis ang ulo niya pero sinusundan ko lang 'toh kaya napangiti ako.

"Bakit ba?!"

"Kanina pa kayo wala sa bahay, ah! Palagi nalang kayo walang dalawa. Ako na lang ang iniiwan niyo dito! Sabihin niyo na at para hindi ako mag-alala."

Pinaikot ko ang mga mata ko.

"We're here in our vacation house. May kinuha lang kami ni Ate dito." pagsisinungaling ko. I was about to speak but the call ended. Ganoon naman palagi si Kuya Jackson, magtatanong kung saan kami tapos kapag alam na niya, wala na siyang pakealam.

Binalik ko ang tingin ko kay Alezia. She was glaring at me, I giggled.

"Oh, lumalaban ka? Go on, darling..." I moved forward to her face and smirked. "Kung kaya mong makatakas sa mga kamay ko, pero sinasabi ko sayo kahit dumating pa ang mga Kuya mo, hinding-hindi kayo makakalabas ng buhay dito!" humalakhak ako.

"Sama-sama tayong pumunta sa impyerno!" I added.

"Ikaw lang, huwag mo kaming idamay." she mumbled. Narinig ko naman, dahil sa inis ko ay sinenyasan ko ulit ang tauhan na paluin siya.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon