Chapter 86: Wait

247 10 1
                                    

Chapter 86

Stanley POV

"Nawawala ba ang kapatid ko?" tanong ko. Bigla kasing nag-panic itong si Marck, kaya nakaramdam ako ng kaba.

Hindi nila sinagot. Mabilis ang pagpapatakbo ni Marck na halos yakapin na ako nitong Taehyung sa braso. Nakapikit pa nga 'to.

Ilang sandali ay tumigil na kami sa tapat ng cafe, maging sina Matthew ay tumigil din sa likuran namin. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob.

"Alezia!" lahat kami ay hinalughog ang lugar na 'yon pero wala kaming nakitang Alezia. Ang mga tao ay nagsilabasan dahil sa eskandalo na ginawa namin.

"S-Sir, nakakaabala po kayo sa mga customers..." saad nung babae na sa tingin ko ay ang may-ari ng cafe na ito. Na-kidnap ba ang kapatid ko? Sino ang gumawa? Shit, hindi ko man lang siya na-protektahan.

Damn.

Galit na lumapit si Marck sa babae. "May nakita ba kayo kahinala-hinalang dalawang babae na may kasama isang babae..." inilarawan niya pa si Alezia. Umiling ang babae. Mabilis ang paghinga ni Marck kaya tinapik ko 'to sa balikat.

"Tangina! Anong klaseng negosyo ang meron kayo?! Ni hindi man lang kayo mag-obserba sa mga customers ninyo? Fuck, your service!" singhal ni Marck.

"Huminahon ka, Marck." saad ko.

"Papaano ako hihinahon kung alam ko na nasa panganib ang buhay ni Alezia."

P-Panganib?!

Doon ako hindi nakapagsalita. So, my sister is missing? At nasa panganib pa ang buhay niya?

"Walang magagawa ang galit mo, Marck. Tingnan mo..." itinuro ni Andrei ang CCTV. Naghanap pa ako ng iba. Mayroon silang apat na CCTV.

Malaking tulong 'yon!

"Gumagana ba 'yan, Miss?" tanong ni Matthew.

Tumango ang babae. Sinundan namin siya sa isang kwarto na may mga computer at isang lalaki na nagbabantay doon. Kitang-kita sa screen ang tamang view ng mga customers sa labas.

Ako ang nag-prisinta na hanapin ang CCTV footage at ang oras kung saan bumisita si Alezia. Ilang minuto pa akong naghintay ng mahanap ang oras.

4:26pm

"Sina Olivia at Sabrina!" turo ni Marck sa dalawang babae na nakaupo na mukhang may hinihintay. Nag-uusap ang dalawa. Mas lalo akong tumutok sa panonood ng makita si Alezia na pumasok sa cafe at dumiretso sa upuan ng dalawang babae.

"Kilala niyo sila?" tanong ko.

"Oo. Hayop ang ugali ng dalawang 'yan." saad ni Jaerred. Lahat kami ay nakatutok sa panonood sa video. Hanggang sa makita ko na may inilapag ang waiter na juice sa mesa nila.

Nag-fast forward ako. 4:38pm. Uminom si Alezia ng orange juice at may sinabi pa. Humawak si Alezia sa ulo niya.

"Fuck, may hinala ako na pinainom siya ng gamot sa orange juice!" singhal ni Marck.

Natumba ng tuluyan si Alezia. Damn, yung kapatid ko! Tangina! Dumaan ulit ang waiter, may ibinigay na pera ang isa sa kanila. Tinulungan pa nung waiter na buhatin patayo si Alezia.

"Hindi niyo man lang nakita 'yan, huh?!" galit na sambit ni Marck.

"S-Sir, yung waiter po ay hindi na po namin mahanap."

"Fuck!"

"Tangina!"

We both cursed. How can we know where is Alezia, now?! Itong tanging footage lang ang nakita namin pero wala kaming alam kung saan na nila dinala ang kapatid ko. Hindi nahagip sa CCTV ang plate number ng kotse na mabilis na umalis.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon