Chapter 71: Marck's Advice

904 31 6
                                    

Hi bby's, Miss na miss ko na kayo waaah! Sorry kung ngayon lang ako nag-update ng SP6SB, kasi naman sobrang dugo-utak ang schoolworks lalo na ang JOURNALISM. 😪😭

And just wanted to thanks sa mga suporta sa KPOP LAVERN DANCE CONTEST here in Q.C. Sobrang overwhelmed ang naramdaman ko ng manalo na naman ang Grupo namin.😭

Thanks to all of you! And to Lord! You're the best! 💕😇

Chapter 71

Taehyung POV
"Hindi pa rin niya binubuksan ang pintuan ng kwarto niya.." sambit ko, Makalipas ng ilang araw na pagkamatay ng kaibigan ni Alezia, hindi na niya kami pinapapasok sa kwarto niya. Minsan hindi rin ito kumakain at naririnig lang naminang kanyang pag-iyak tuwing gabi.

"She suffered too much." ika ni Kuya Daevid. Nagdadalamhati rin kami sa pagkamatay ni Nathalie at walang-puso ang gumawa sa kanya noon. Hintayin niyo lang na makarma kayo.

Alas-tres na ng hapon at hindi pa rin kumakain si Alezia maging agahan o tanghalian hindi siya kumain.

I feel bad for my sister...

Nakita naming pumuntang kusina si Marck at naglagay ng pagkain sa dalawang plato. "Ako ang pupunta sa kanya..." sambit nito bago pumunta sa kwarto ni Alezia.

Alezia deserves Marck so much. Dahil kung hindi kay Alezia, hindi magbabago ang Marck na nakikilala namin mula pagkabata ngunit ng makilala niya si Alezia. Everything change for him.

And thanks for that, Alezia...

Marck POV
"Baby..." kumatok na ako ng dalawang beses pero wala pa ring response. I'm worried for my baby, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya sa loob. Natatakot ako na bak--

Narinig ko ang pagclick ng doorknob hudyat na binuksan niya ito. Thank God!

"A-alezia..." sambit ko ng makita ko ang kanyang kabuuan. She looks so trash! Magulo ang buhok nito, Malaki ang eyebags at namamaga ang kanyang mga mata dahil na rin sa pag-iyak. Gusot-gusot ang kanyang damit. Nakatingin lang ito sa akin at dumausdos ang luha nito.

Tumalikod na ito sa akin, at naglakad patungo sa gilid ng kama at niyakap ang kanyang dalawang tuhod at narinig ko na naman ang kanyang paghikbi.

Huminga ako ng malalim at sinarado ang pintuan bago naglakad sa kanya. Nakatulala lang ito pero tuloy-tuloy ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Baby, please. Kumain ka na muna, Ilang araw ka ng hindi kumakain at nag-aalala na lahat kami sayo. Please..."

"N-no, I d-d-dont w-want" pautal-utal niyang sabi. I held her shaking hands tightly "Alam kong masakit ang pagkawala ng kaibigan mo Alezia. But imagine this, sa tingin mo ba magiging masaya siya kung nakikita niyang malungkot ka at hindi inaasikaso ang sarili mo?"

"Hindi naman siya mawawala sa tabi mo, palagi siyang naririyan para gabayan ka rin lagi ayun nga lang hindi mo siya nakikita. Ngayon, alam kong nakikita ka niya at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa kaibigan niya. Sige ka, baka multuhin ka ni Nathalie tuwing gabi..." pananakot ko sa kanya.

Ramdam kong humigpit ang hawak nito sa kamay ko at tumingin sa akin "Bwesit ka, huwag mo nga akong takutin! Sapakin kita diyan eh!"

Tumawa nalang ako at sinabing "Nawala man siya sa mundong ito at hindi mo na ulit siya nakikita at mayakap tulad ng dati, pero tandaan mo, nandiyan pa ang puso mo kung saan siya nanirahan at nagkulong sa ilang taon niyong pagsasama. Mapait o masakit man ang puso mo, hinding-hindi naman mawawala si Nathalie diyan dahil naging parte na siya ng buhay, The heart knows everything..."

"I know you are a strong woman, kaya makakaya mong bumangon ulit and look forward in the future, kung parati kang nandidito at magmumukmok, paniguradong hindi magiging masaya ang kaluluwa ni Nathalie. Kaya mag-ayos ka na ng sarili mo. Gusto kong makita ulit ang makulit at maingay kong baby.."

Nananatiling tahimik lang ito, ilang segundo pa ay bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"S-salamat Marck, Maraming Salamat. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, salamat at parati kang nandiyan. Thank you."

Hinagod ko ang likuran nito at susuklayin sana ang buhok nito kaso naistuck ang daliri ko sa buhok niya "But first baby, kumain ka muna at mag-ayos, mag-suklay ka naman. Mas lalo ka tuloy pumangit" tawang-tawa ako habang sinasabi iyon.

Humiwalay na nga ito sa pagkakayakap sa akin at piningot ang tainga ko "Tse! So ano, panget na talaga ako? Hihiwalayan mo na ako dahil pang---"

I kiss her lips to make her shut "Not in a million years baby, kahit marami kang pimples, wrinkles, eyebags at kung ano pa man. Hinding-hindi ko makakayanan ang hiwalayan ka. Remember this baby, you are my double A+ battery and I'm an Robot. I can't work and live without you."

"Ang korni mo! Kakain na nga lang ako. Bahala ka diyan!" kinuha nito ang plato na may lamang pagkain pero mas mabilis akong gumalaw rito "Nah-ah, Ako ang magpapakain sayo."

"Pero hindi na ako baby para subuan!"

"But you are my baby, kaya susubuan kita"

"Ayoko nga!"

"Yes."

"No, Ako na kasi eh!"

"Huwag ng makulit. Ako na ang magpapakain sayo."

"Kaya ko naman.."

"Isa pa Alezia, may ipapakain ako sayo na panibago siguradong mabubulunan ka dahil doon"

Tumigil naman ito pero ngumiti "Uy, anong klaseng pagkain!? Masarap ba yun?"

Napanganga nalang ako rito "Malalaman at matitikman mo rin yun, Someday..."

Sinimulan ko na rin siyang subuan ng pagkain at salamat naman na naubos niya ang dalawang plato na kahit papaano ay bumalik ang lakas nito.

"Take a bath, wear something nice."

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"It's a secret. Sige na, maligo ka na. Ang baho mo na kasi"

Kinha nito ang unan at hinampas sa akin bago pumunta ng banyo. "Bwisit ka! I hate you Marck"

"I love you too baby Alezia.." hindi mawala ang ngiti at bungisngis ko. Ang cute ng baby-girlfriend ko. Inayos ko na ang higaan nito at kinuha ang pinagkainan niya.

Nang bumababa na ako salas, lahat sila ay nakatingin sa akin "How's Alezia?"

Ngumiti nalang ako at pumuntang kusina at inilagay sa lababo ng plato "She's fine at makikita niyo na rin siya mamaya. I'm just enlighted her emotions and says the truth."

Nakahinga naman ng maluwang ang mga ito, lumapit sa akin si Mama at niyakap ako "Thank you Marck"

"It's my duty for being a handsome boyfriend for Alezia, Mama" biro ko na ikinatawa ni Mama habang ang mga kuya ko na nagsiikutan ang mga mata at ang iba ay lumabas ng bahay.

Walang hiya. Fuck, those bastards brothers.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon