Chapter 85: Tricked

241 7 0
                                    

Chapter 85

Alezia POV

Kinabukasan, nakinig lang ako sa mga discussion ni Ms. Olivia. Minsan pa nga ay tinatawag ako nito, mabuti't nasasagot ko ang mga tinatanong niya.

Nang mag-breaktime na ay kaagad akong inakbayan ni Tiffany.

"May lasagna daw na nadagdag sa menu ng canteen, tara?"

"Sige. Ligpitin ko lang mga gamit ko." saad ko. Mabilis ko na lang inayos ang mga gamit ko at lumabas na kami. Habang naglalakad kami patungo sa canteen, nakasalubong namin si Sabrina.

Agad kami natigilan maging siya.

"Oh, what a freaking day, nasalubong ko pa ang dalawang hikpokrita." she raised her eyebrows. Kaagad kong nilingon si Tiffany ng mawala ang pag-akbay nito. Naglakad siya palapit kay Sabrina.

Sabrina moved backwards.

"Paano naman kami? May naamoy kaming basura, gusto mo ng eskandalo dito, babae?"

I walked closer to Tiffany and held her arms, making her to stop. May mga nakatingin na din kasi sa amin, eh nasa gitna pa talaga kami.

Sabrina rolled her eyes, and flip her hair. "Hindi na lang ako papatol sa mga low class na katulad niyo. Hmp!" doon niya kami nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin, pakembot-kembot pa ang lakad nito. Wala naman siyang balakang.

Paano ba naging model 'yon?

"Nakakainis talaga ang babaeng 'yan. Sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko ang ginawa niya sa Ate ko. Urgh, kung pwede lang talaga, pumatay ngayon"

"Tiffany..." sita ko sa kanya. "Kumain na lang tayo, gutom lang 'yan." ako na ang naghila sa braso niya papuntang canteen.

Sa gitna ng pagkain ko ng lasagna ay nakita ko ang paglakad ni Olivia palapit sa akin. Wala siyang hawak na kung ano, tanging siya lang.

"Alezia, may I talk to you?"

Binaba ko ang lasagna at tumingin kay Tiffany. Patuloy siya sa pagsubo pero masama ang tingin niya kay Olivia. Nagkatinginan pa kami bago ako bumaling kay Olivia.

"Sige po..."

"Sa likod ng school, sana."

Tiffany raised her eyebrows and shook her head. Pero baligtad naman ang nasambit ko, imbes na tumanggi ay tumango pa ako.

"Sige po. Ngayon na po ba?" I asked.

She nods her head. "Yes." she showed her smile, and I'm not comfortable with that smile. Tumayo na ako at nagpaalam kay Tiffany, binigyan niya pa ako ng taray bago pinalayas. Hihintayin niya lang raw ako rito para sabay na kaming umakyat sa room.

Pagkadating namin doon, biglang umamo ang mukha ni Olivia.

"I heard about Sabrina, I'm sorry for that. Ganoon talaga ang kapatid ko, Alezia. Masyado kasing na-spoiled nina Mom at Dad kaya lumaking ganoon ang ugali."

Tinitigan ko pa siya. Wala akong makita sa mukha niya na sincerity sa mga salita na sinasabi niya. Para bang pilit lang, pero ayoko naman ng gulo kaya ngumiti na lang ako.

"Ah, it's okay, Ate Olivia." 'yon lang ang nasambit ko. I glanced at her, she smiled and felt relieved. "Yon lang ba ang pag-uusapan natin?" I asked.

"No..." she took her cellphone in her pocket, inilahad niya 'toh sa akin. "Can I get your number?"

Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan pa ang cellphone bago bumaling ulit sa kanya. "Bakit?" tanong ko.

She chuckled. "Gusto ko sana imbitahan ka mamaya, sa hapon. Kasama si Sabrina. Mag-uusap lang tayo at doon na rin manghihingi ng tawad sayo si Sabrina ng personal. Okay lang naman di'ba?"

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon