Chapter 92: Peace

291 10 0
                                    

Alezia POV

"Akala ko talaga iiwan mo ako, katulad ni Ate Nathalie!" ani Tiffany. Naglalakad palang ako sa quadrangle, sinalubong na kaagad ako nito ng yakap.

I tapped her back.

"Okay lang ako, Tiffany. Huwag ka ng umiyak..." sambit ko. Humiwalay siya sa yakap, kita ko ang mga luha sa mata niya. Tinulungan ko siyang pinusan 'yon.

Ilang saglit pa ay hinila niya ang buhok ko.

"Aray!" asik ko.

She rolled her eyes. "Sa susunod kasi kapag may mag-ayaya sa'yo ng ganoon, isama mo ako. Baka, gusto nilang makita ang karate moves ko." bigla niyang ipinakita kung paano ang karate moves.

Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante.

Tumigil ito. Bumalik ulit ang malungkot niyang mukha. Nagsimula na naman ang mga luha sa mga mata niya.

"Tinakot mo ako, Alezia! Grabe! Tingin ko mababaliw ako kapag nawala ka. Iiwan niyo ako ni Ate Nathalie." she sobbed.

Tinawanan ko siya. Kaya mas lalo siyang umiyak. Di-kalaunan ay niyakap ko na lang siya para tumigil sa pag-iyak.

Sinabi niya na hindi naman siya inimbitahan ni Sabrina na makipag-usap. It was all a lie. Pinagmumura pa nga niya sina Olivia at Sabrina ng malaman na patay na ang dalawa.

Isang linggo ako nagpahinga sa bahay. Gusto ko na din talagang pumasok dahil madami akong hahabulin na requirements. Ayoko naman na umulit ako ulit, ilang buwan na lang ay magtatapos na ako sa kolehiyo.

Marck helped me to the days I'm feeling so down. He helped me to cope my stress in Stanley's death. Hindi siya umalis sa tabi ko. Siya ang nag-alaga sa'kin sa panahon na mahina ako.

Natanggap ko na din ang pagkamatay ni Kuya Stanley. Mahirap pero kailangan. Sa buhay may umaalis pero mayroon naman darating, and I'm looking forward to it.

Nag-over time pa ako sa school dahil sa dami ng quizzes at special projects na hinabol ko. Mabuti na lang ay pinagbigyan ako ng mga teacher's, naiintindihan nila ang nangyari sa akin.

Pagkalabas ko ng Science Faculty. It was already dark outside. Nagmadali akong bumaba sa hall, naghihintay na si Marck sa labas. Nagpaalam pa ako sa Janitor at kay Manong Guard bago tumakbo patungong parking lot.

There he is!

Nakasandal ang likuran niya sa hood ng kotse. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya alam na nandito na ako. Tahimik akong naglakad. Balak ko sanang gulatin siya.

Pero ako 'ata ang nagulat.

He turn his head to my direction. Naibaba ko ang dalawang kamay ko at tiningnan ang hawak-hawak niya.

"Hi, mahal ko..." he kissed my forehead. Tinanggap ko ang palumpon na rosas nitong dala. That made me smile.

Tumingkayad ako at binigyan siya ng halik sa labi.

"I love you." I said.

Hindi nakatakas sa'kin ang pagkagat nito ng labi at tumalikod sa akin. Mabibigat na hininga ang narinig ko sa kanya.

"Fuck..." he cursed.

Tumawa ako. Kinalabit ko ang balikat nito.

"Kinilig ka na naman." I giggled. Nilingin niya ako, mas lalo akong natawa ng pulang-pula ang mukha nito at ang tainga niya.

Cutie.

"Pinakalma ko lang ang puso ko. Baka ma-heart attack ako, shit."

"Ewan ko sa'yo, tara na nga, uwi na tayo."

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon