CHAPTER 70: Olivia is Back

753 23 1
                                    

No update till next week. Focus na muna ako sa pasukan, kapag may free time naman ako susubukan kong mag-update. Thank you.

I will miss you bby's 😭😘

Chapter 70

Olivia POV

"Ladies and gentleman, we are now arrived to our destination, Ninoy Aquino International Airport, Manila" the head stewardees spoke "For those of you visiting, Mabuhay! We hope you enjoy your stay. And for those returning to the Philippines, Welcome Home"

Finally, nakauwi na rin sa bansang sinilangan ko. Ngumiti ako sa stewardees at lumabas na ng eroplano.

Langhap ko pa rin ang amoy ng traffic sa Piñas. Wala pa ring pagbabago, ganoon pa rin.

It's time to payback...

Palihim akong umuwi rito at hindi alam ni Sabrina at Kuya Jackson na umuwi ako rito. Nakakabored sa Los Angeles, mas gusto ko pa rin rito sa Pilipinas, may paglalaruan kasi ako eh.

May isa rin akong rason kung bakit ako umuwi rito dahil sa nabalitaan ko na ginawa ng bunsong kapatid sa isa sa kaibigan ni Alezia.

I have to talk to her, masyadong napapaaga ang plano.

Nakita ko naman si ang Driver sa bahay at mabilis na sumakay roon "Welcome Back Ms. Olivia, siguradong magugulat ang kapatid niyo"

Pinaikot ko ang mata ko "Yeah, yeah whatever. Bilisan mo na ang pagmamaneho, gusto ko ng magpahinga"

"Yes, maam" hindi na ako kumibo at ipinikit ang mga mata ko. Kailangan kong maghiganti kay Alezia dahil siya lang naman ang dahilan kung bakit ako hindi kayang mahalin ulit ni Matthew.

Malandi kasi ang babaeng iyon, nakakagigil sarap ilibing ng buhay.

Ngayong bumalik na ako, gusto ko munang dahan-dahanin ang pagpapahirap ko sa kanya, step by step, it's freaking awesome right?

Ako at ako lang ang pwedeng mahalin ni Matthew at wala ng iba, ako ang nauna at nauna kami naging masaya kung hindi dahil sa Alezia na iyon, masaya na kami ngayon!

Kung hindi lang kasi siya nakilala ni Matthew, akin siya ngayon. Panira talaga sa buhay ko si Alezia, kaya dapat lang siya mawala.

Hindi naman kaagad-agad, step by step nga diba, ibig sabihin papahirapan ko muna siya at ang pamilya niya except sa Matthew ko.

Ayokong masaktan ang lalaking mahal ko, kailangan safe at ligtas siya at sasama siya sa akin sa ayaw at sa gusto niya o papatayin ko na ng tuluyan si Alezia.

Habang nag-iisip ako ng kung anu-ano ay nakatulog ako.

....
Wala pa rin naman bago sa bahay ni Kuya Jackson, still not my type. Eww. "Padala nalang yung gamit ko sa kwarto, ingatan mo yan kundi malalagot ka sa akin"

Tumango ang katulong na sumalubong sa akin sa labas, nagsimula naman akong naglakad sa pintuan at rinig na rinig ko pa rin ang malakas na boses ng kapatid ko.

"ANG SABI KO PINEAPPLE JUICE HINDI ORANGE JUICE! TANGA-TANGA KA TALAGA KAHIT KAILAN! BOBO!" tumaas ang kilay ko at binuksan ang pintuan, pinapagalitan na naman niya ang katulong. Mabilis namang umalis itong umalis...

"Ito na ba kaagad ang bungad sa pagdating ko mahal kong kapatid?"

Lumingon ito at mabilis na tumakbo sa akin "Ate!" niyakap ko rin siya pabalik at hinaplos ang buhok nito, bago humiwalay sa pagkakayakap

"B-bakit ka umuwi rito? Hindi ka man lang tumawag sa akin para masundo kita sa airport..."

Pinaupo ako nito sa mahabang sofa "Hindi na kailangan Sab, kaya ko ang sarili ko tsaka mas maganda ng surpresa diba?" tumawa kaming parehas pero naging seryoso ang mukha ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"B-bakit Ate? May problema ba?"

Sinampal ko ito na ikinagulat niya "Ate! Bakit mo ako sinampal?!" singhal niya. Tumawa naman ako at hinaplos ang buhok niya "Bakit pinapangunahan mo ako Sabrina?"

"A-an---"

"Bakit pinatay mo kaagad si Nathalie? Dapat hinintay mo muna ako dahil gusto ko papatayin ko ang kaibigan ni Alezia na mismo sa harapan niya..."

"Sorry Ate, kasi hindi ko na kaya, sobrang panira sa plano natin ang isang iyon! Tingnan mo ito..." tinuro niya ang kalmot sa kaliwang pisngi niya "Ginawa niya sa akin yan tapos pinahiya niya pa ako sa harap ng maraming tao."

I rolled my eyes and glare at her "Sa susunod na papangunahan mo ako Sab, hindi ako magtataka na sa isang araw ay hindi kita kakausapin, gusto mo ba yon?" Umiling naman ito na ikinangisi ko "Good then.."

Bumaling ang tingin ko sa babaeng pababa ng hagdanan "Who is she Sabrina?"

"Wow, ganyan na ba talaga kaganda si Choi, na hindi mo na mamukhaan, duh." lumaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Choi. Maganda nga ito at malaki na ang pinagbago niya.

"O-olivia? B-b-bakit nandidito ka?" nagulat ang mukha nito at pabaling-baling ang tingin sa amin ni Sabrina "Bakit hindi na ba ako welcome rito?  Sa pagkakaalam ko magpipinsan tayo rito Choi" ngumisi ako pero nagulat ako ng tumawa ito.

"Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko. "Wala naman, hindi ko lang kasi lubos na maisip na pinsan ko ang dalawang diyablo na nakatira sa bahay ng isang anghel na katulad ko"

Napaubo ako at hindi mapigilang matawa habang tinitingnan siya "Anghel? Ikaw? bakit may pakpak ka ba? May kapangyarihan ka ba? Duh, you're just a normal person Choi"

"Kaya nga, masyadong feelingera." rinig kong sambit ni Sabrina, pero tumawa rin si Choi "Ang ibig ko kasing sabihin, bakit naging pinsan ko ang dalawang anak ni Satanas habang ako ay naiiba sa inyo, tingnan niyong mabuti sino sa ating apat ang may magandang ugali? Walang iba kundi ako lang, buti nga hindi ako nagmana sa kademonyohan ninyo"

Napasinghap ako dahil sa pananalita ni Choi. Hindi siya ganito dati makapagsalita, ngayon akala mo parang magulang namin siya. Huh, she already change her look and her attitude.

"Blah, blah, blah. Ganiyan na ba ang pagwewelcome sa mahal mong pinsan Choi? Ang bad mo naman pala" pagdradrama ko pero tumaas ang kilay niya "Bakit kita iwewelcome? hindi ka naman dapat pinagsasayangan ng oras na iwelcome."

"What the---"

"Stop it Ate, pabayaan mo na ang babaeng iyan. Magsisisi rin yan na kinalaban tayo" tumingin ako kay Sabrina na nakangisi pero umikot lang ang mata ko.

"Bahala na kayo diyan dalawang diyablo na magkapatid. Psh" lumabas ito ng pintuan at malakas na isinarado ang pintuan "What the hell!" sigaw ko.

"At saan naman iyon pupunta?!" tanong ko kay Sabrina pero ngumiti lang ito "Malamang pupuntahan niya ang bangkay ng bwisit na kaibigan niya"

Tumaas ang gilid ng labi ko at bumaling sa kanya "The next plan is on the way..."

------
OHMAHGAHD! NAGBABALIK NA ANG ATE NI SABRINA! ANG DALAWANG DEMONYONG KAPATID AY NGAYON AY MAGKASAMA NA. 😱😦

Mag-ingat ka na Alezia. 😭😭

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon