CHAPTER 58: Obsessed

842 24 3
                                    

Chapter 58

Marck POV
"Direk, pwedeng break muna. Nagugutom na kasi ako." nag-paawa effect ako sa Direktor at tumango nalang siya! Yes! Wala talagang makakapigil sa charms ko.

Pumunta na ako sa dressing room at kinuha ang lunchbox ko. Habang kumakain ako ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Alezia.

I miss her so much!

Ring lang ito ng ring, nakailang beses na akong tumatawag pero walang sumasagot. Biglang may message na galing sa kanya..

"Sorry mahal ko, hindi ko muna masasagot calls mo. Ako na kasi ang susunod na reporter baka pagalitan pa ako ni Mrs. Villamor! Bye! Iloveyou"

Napangiti ako lalo ng mabasa ko ang huli nitong message. "Iloveyoutoo" sambit ko. I'm going crazy because of this girl.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko, pero hindi pa ako natatapos kumain ng tawagin ako ng manager ko. "Marck, labas ka na muna sandali. May bagong modelo ang natanggap ng kompanya natin"

Niligpit ko nalang ang lunchbox ko at mabilis na lumabas. Mabuti na lamang ay nakasalubong ko si Kuya Taehyung.

"New model huh?" sambit nito pero nagkibit-balikat nalang ako at sabay na kaming naglakad roon.

Kinakausap ito ni Direk at natatakpan ng ibang staffs. Mukhang nagustuhan na kaagad itong newbie huh.

Lumapit kami ni Kuya at nakita namin ang babae na sobrang ganda pero hindi ko siya type. Mas maganda pa rin ang mahal ko.

"Oh, Marck and Taehyung. Meet Sabrina Gutierrez, our new model. Kakailanganin natin siya sa next photoshoot niyo this next weekend."

Lumapit ang babae sa amin at inilahad ang kamay nito. "Hi, I'm Sabrina you can call me Sab for
short. Nice to meet you handsome boys"

Tinanggap ko nalang ang kamay nito maging si Kuya, pero bakit may pakiramdam ako na parang hindi ko na siya gusto. I don't like her.

Tumingin ako kay Kuya Tae, at magkasalubong ang kilay nito at ang sama ng tingin niya kay Sabrina. Siniko ko naman siya na ikinatingin siya sa akin, bumulong ako rito.

"Why are you glaring at her? Do you know her before?"

"Let's talk at private room Marck. You need to know something about this girl"

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Kuya. Siguro nga kilala niya si Sabrina kaya kailangan niya akong makausap ng pribado.

"Okay! Okay! Sabrina, your first photoshoot will be next weekend. Kasama mo si Marck at Taehyung.." tumango nalang kami pero ng tumingin ako kay Sabrina, iba ang tingin nito sa akin. Parang..

She's seducing me?...

But no, hindi ako naakit sa kanya kahit maganda siya. Hindi ko siya gusto buti nalang si Alezia kahit hindi na nagpapaakit, ako na talaga ang naakit sa kanya.

"Excuse us, Sabrina. May kailangan pa kasi kaming asikasuhin nitong kapatid ko." nag-bow nalang si Kuya at hinila ako. Nakita ko ang nakangising mukha ni Sabrina.

Wait, why she's smirking?

Nakapunta kami sa private room kung saan lang kami ang nakakaalam ng lugar na ito.

"Okay, first of all Marck. Huwag na huwag kang masyadong lalapit sa babaeng iyon---"

"But why? Sino ba siya?"

Huminga naman siya ng malalim at sinuklay ang buhok nito "She is the one and only Olivia's little sister!"

Ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko dahil sa narinig ko. Kaya pala ng marinig ko ang surname nito, parang pamilyar talaga sa akin.

Unang pagkakita ko palang sa kanya, may hawig na rin siya kay Olivia. Hinawakan ni Kuya Taehyung ang balikat ko

"If Olivia is evil, then her sister is more devil than her! Hindi mo na ba siya natatandaan Marck?"

Pilit kong tinandaan lahat-lahat pero nagsalita si Kuya Taehyung

"She's the girl who wants to marry you at the young age of 5! Hindi mo na kasi yata maalala dahil mga bata pa kayo nun, pero ako hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano ka niya kagusto nung mga bata pa lamang kayo..."

"Kung nasaan ka, nandoon rin siya! Palagi ka niyang sinusundan Marck, kapag tulog ka naman bigla bigla itong papasok sa kwarto mo at hinahalikan ang pisngi mo..."

That's creepy dude!

"Kaya nga nung nakita ni Mama na ganun kabaliw sayo si Sabrina, sinabi niya ito kay Mrs.Kelly Gutierrez ang nanay ng dalawang bruhang magkapatid. Pinadala sila ng nanay nila sa Los Angeles at doon na lumaki...."

"Hindi ko na alam kung patuloy pa rin ba ang pagka-obsessed sayo ni Sabrina pero sa nakikita ko kanina, meron pa Marck, kakasabi ko lang kanina na mas demonyo pa yan sa ate niya.. Mag-iingat ka"

"Dude, she's so creepy!"... tinapik lang nito ang balikat ko "I know, I know. Mag-iingat ka lalo na si Alezia. Kapag nalaman niya na may relasyon kayong dalawa, siguradong sisirain niya ang buhay ni Alezia..."

"I will protect her from that creepy girl! Geez! I can feel my goosebumps right now!" tumawa lang ito. Nakakatakot naman pala ang babaeng iyon.

Akalain mo yun, gusto niya kaming ikasal sa murang edad. Grabe na talaga ganon na talaga ako kagwapo? Just kidding.

Pero iingatan ko si Alezia at kung kailangang magkamatayan pa bago niya saktan ang mahal ko. Not my girl, never in my life!

"Basta bro, nandito lang kami ng mga kuya mo para tulungan ka para sa babaeng yan. Sa ngayon ako pa lang ang nakakakilala sa kanya, huwag mo munang sabihin kila Kuya at baka mag-aksyon na sila kaagad... You know them"

I nodded my head, tumingin ako sa orasan at alas-tres na pala ng hapon, baka dismissal time na ni Alezia. Kailangan ko siyang sunduin.

"Get now your girl!" usal ni Kuya Taehyung. Binuksan ko ang pintuan pero ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita ko si....

Sabrina.

"K-kanina ka pa diyan?" tanong ko pero umiling lang ito "Hindi ah, actually nagulat nga din ako ng biglang nagbukas ang pintuan. Iniikot ko lang ang buong building ng pagmomodelan ko"

Papaano niyang mapupuntahan ang private room eh kami lang ang nakakaalam kung paano pumunta rito. "Big liar" rinig kong bulong sa akin ni Kuya pero umalis na lang kami at hindi na kami nag-paalam sa babaeng iyon.

She's dangerous and kinda crazy!

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon