Special Chapter 2: Baby

528 18 12
                                    

Special Chapter 2

Alezia POV

Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang bumaligtad ang sikmura ko. Tinakbo ko ang distansya ng banyo, doon nagsuka.

Parang hinihila ang lakas ko, nakaka-panghina.

I felt a hand tapped my back. He handed me a glass of water, kaagad ko itong ininom.

I'm 4 months pregnant but still I have a morning sickness.

Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Marck dahil sa panghihina at nahihilo din. Binuhat ako nito sa kanyang mga bisig at inihiga ulit sa kama.

He kissed my forehead.

"Tulog ka na ulit." malambing nitong saad. Ipinikit ko ulit ang mata ko, naramdaman ko ang paglagay niya ng makapal na kumot sa katawan ko.

I drift off to sleep, again.

Ilang linggo pa ay nawala na ang morning sickness pero dumating na naman na masyado akong nagcra-crave sa mga foods.

I pouted my lips while looking at him.

"I want ice cream, watermelon...yung walang seeds, tsaka saging and mustard. Please, I want it!"

Uminit kaagad ang ulo ko ng ngumingiti lang siya at tinitingnan lang ako na magmakaawa. Nasa sala kami at naglalaro siya ng video games habang ako ay kanina pa siya kinukulit.

My lower lips started to tremble, I'm gonna cry.

And, that's it.

Kita ko ang pag-panic ni Marck ng makita na umiyak na ako.

"Shit, baby... I was just looking at you, ang cute mo kasi. Eto na, bibili na ako." matunog niyang hinalikan ang labi ko. "Wait me here, okay?"

I nodded. Pinunasan nito ang luha ko, nagbago bigla ang mood ko. I kissed him right away, and giggled.

Hindi sensitibo ang pagbubuntis ko, masyado lang talaga mabilis ang mood swings ko na maski siya ay tinataboy at pinapagalitan ko.

"Huwag kang tatabi sa'kin! Shoo!" I throw a pillow to his direction, he's standing beside on our bed. Tumayo ito at ginagawang panangga ang braso.

"B-Baby..."

"Ang baho mo, baho mo! Umalis ka! Huwag kang tatabi sa'kin, doon ka na lang sa sofa matulog." ani ko.

Nang gabing 'yon, pinagsisihan ko ang hindi niya pagtabi sa'kin sa pagtulog. Papalit-palit ako ng pwesto kaya umupo ako sa kama at tinawag siya.

"Marck..."

No response.

"Marck!"

Still, no response.

"Mahal ko..." pumiyok ang boses ko.

Mabilis siyang lumingon at naglakad pero kaagad din siyang tumigil. Baka iniisip niya na ayaw ko siyang makatabi but I missed his scent.

"Tabi ka sa'kin, hindi ako makatulog." I pouted my lips, playing my fingers while looking at him, pleasing.

He smiled.

"My, my baby is so cute. Let me kiss you." he kissed my forehead. "Here." and to the tip of my nose. "Also, here." to my cheek. "And, here." to my lips.

I giggled. Before we sleep, he cuddled me and he sang a song for me, and I think it makes myself and to my baby feel so good, hearing our daddy's sweet voice.

Sa ika-siyam na buwan ko na, malapit na ang paglabas ni baby. Pumunta na kaagad kami ng hospital, 'yon kasi ang gusto ko. Mas mabuting sa hospital na talaga kaysa mag-panic si Marck at kailangan pang bumyahe. Naghintay lang kami sa saktong oras.

"A-aray..." napaigik ako sa sakit, hinawakan ko ang kamay ni Marck. "I think, lalabas na... Aaaah!!!" my water broke.

"Doc! Doc!"

Kaagad na inalalayan ako ng mga nurse papasok sa isang kwarto.

"Push, misis! Umire ka pa!"

Sinunod ko 'yon.

Mariin kong hinawakan ang kamay ni Marck na hawak-hawak ko.

"AAAHH!!!" I screamed, giving all my strength I could have.

"Last one push!"

"AAAHH!!!"

Ang sakit, sobra. Akala ko mamamatay na ako dahil sa sakit at sa pagod pero lahat ng 'yon napawi ng marinig ko ang iyak ng isang sanggol.

My angel...

"Here's your baby girl." nilagay ng Doctor ang maliit na katawan ng anak ko sa dibdib ko. Kahit na nanghihina na ang paningin, tiningnan ko ang anak ko—anak namin.

Patuloy ito sa pag-iyak. I touch her small back, it's so soft. Doon siya tumigil na umiyak.

I glanced at Marck, he's looking at our baby. Ang mukha ng bata ay nasa gawi niya kaya kitang-kita niya ang mukha ng anak namin.

A tear escaped from my eyes, looking at my husband staring to our first born child.

"H-Hi, my princess. Hi..." mahinang sambit ni Marck. Kinuha niya ang maliit nitong kamay at hinalikan. Umiiyak na din siya.

Ilang minuto niya pa 'yon tinitigan bago siya bumaling sa'kin.

"I love you, Alezia. I love you so much. You did a great job, baby." aniya. Hinalikan nito ang pawisan kong noo at ang labi ko.

Ngumiti na lang ako at ipinikit ang mata.

Alecia Maxinne V. Kim

Sa pangalawang pagbubuntis ko, nag-iba na naman ang timpla ng mood ko. Kung sa una ay tinataboy ko si Marck, palagi, ngayon naman ay ayoko siyang mawala sa tabi ko.

I'm clingy asf.

"Huwag mo akong iwan." ani ko. Niyakap ko ang mga binti ko sa beywang niya at isiniksik sa leeg nito. May balak kasi siyang tumayo, kaagad ko siyang pinigilan.

"Pupunta lang ako kusina, kailangan na natin kumain." he said.

"Sasama ako pero buhat mo ako." sambit ko.

Kapag bagong paligo siya, sinisinghot ko pa ang panlalaki nitong amoy at kinukuha ko ang t-shirt niya para lang malanghap ang pabango niya.

Masyado kong tinuon ang ikalawang pagbubuntis ko sa kanya.

Ang dahilan ay lalaki ang dinadala ko, kaya naman pala, pinaglilihian ko si Marck.

"Ano pong ipapangalan sa bata, Mam?" the nurse asked.

Tiningnan ko si Marck, siya ang magbibigay ng pangalan kapag lalaki ang anak namin, ako naman kapag babae.

"Alexander Russel V. Kim" he said, then he kissed the little fingers of baby Alexander.

Wala na akong mahihiling pa. May asawa akong sobrang maaruga, at may dalawa kaming anak na bunga ng matinding pagmamahalan namin.

This is my family.

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon