CHAPTER 64: Bitchy Nathalia

711 19 0
                                    

Chapter 64

Alezia POV
"Susunduin kita mamaya ha, tawagan mo kaagad ako kapag dismissal time niyo na. Okay?"

"Opo, paulit-ulit ka na lang mahal ko. Kanina mo pa sinasabi iyan magmula ng nakapasok na tayo rito sa kotse mo hanggang dito sa labas ng school." tawa kong sabi pero hinalikan lang ako nito sa noo at tinitigan.

"Hinding-hindi ako magsasawa na ulit-ulitin ang mga sinasabi ko dahil gusto ko lang naman ang kaligtasan ng mahal ko" Kabwiset! nag-init na kaagad ang mukha ko! Lalagyan ko na talaga ito ng packing tape para hindi na makapagsalita ng cheesy!

"Oh sige na, papasok na ako sa loob. Tatawag naman talaga ako sayo kapag umuuwi na ako..." tumango ito at hinalikan ako sa noo bago pumunta sa kotse niya.

Bigla itong tumigil at tumakbo ng mabilis sa akin!

"Baki----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng siniil na ako nito ng halik. Napangiti nalang tuloy ako. Aish this man!

"I love you" he kissed the tip of my nose and lastly my lips again. "I love you too. Sige na, baka malate ka pa sa photoshoot niyo" kinurot ko ang pisngi nito na ikinangiti showing his cute bunny smile.

"Bye, remember mahal ko. Mahal
na mahal kita. You are mine. You're fucking mine!" sigaw nito. Nahiya tuloy ako ng napatingin sa direksyon namin ang mga estudyante. Tumalikod nalang ako at naglakad habang may ngiti sa mukha.

Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang madaming tao na nagkukumpulan sa labas ng canteen. Dakila yata akong tsismosa kaya lumapit ako roon.

"Excuse me...Padaan..." sumisiksik na ako at salamat nalang na maliit ako kaya sumiksik nalang ako sa ibaba ng mga paa nila.

"Ay ano ba yan!"

"Ate! Nue ginagawa mue?"

"Uy! Manyak ka ba ate?"

Tumaas ang kilay ko sa mga sinasabi nila. "Fyi, hindi ako manyak! Ayaw niyo kasi akong padaanin!" inirapan ko na lang sila at lumingon sa harapan na ikinanga ng bibig ko.

"NATHALIE!" tumakbo ako kila Nathalie, Tiffany at Choi na ngayon ay tinitingnan si Sabrina na nakahandusay sa sahig na binuhusan ng orange juice.

"Anong nangyari?!" tumingin sa akin si Tiffany at inilagay ang braso nito sa balikat ko. "Nararapat lang yan sa kanya, kulang pa nga yan sa ginawa niya sayo eh"

Lumaki ang mga mata ko at tiningnan sila "A-alam niyo?"

"Oo namang, may karapatan kaming malaman ang nangyari sayo Alezia. Buti nalang at nasabi sa akin ni Kuya Marck ang nangyari sayo at kung sino ang gumawa sayo" sambit ni Choi at bumaling ang tingin namin kay Sabrina na ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig na basang-basa ng orange juice.

"Alam mo Sabrina, alam ko na talaga na sa unang kita ko palang sayo. Masama ang ugali mo. Nagbabait-baitan ka lang sa harapan namin pero may tinatago kang baho sa singit mo!..." nagulat ako sa pananalita ni Nathalie.

Nakataas ang kilay nito at nakapameywang habang tinitingnan ng masama si Sabrina. Nakita ko naman si Sabrina na tumayo at pinagpag ang uniform nito.

"Kaya mo pa palang tumayo eh, gusto mo lang yatang kawaan ng ibang tao at tulungan ang isang bruhang katulad mo? Bakit, karapat-dapat ka bang tulungan, Sabrina?"

Narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante at yung iba naman ay tumatawa. "Nathalie, t-tama n--"

"No, Alezia! Hinding-hindi mo ako mapipigilan. Gusto kong malaman ng maraming estudyante rito ang ginawa niya sayo!...." nalunok ko ang laway ko dahil nakikita ko na namang magalit ang isang Nathalie

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon