CHAPTER 66: Pervert

806 22 1
                                    

Listen to Someday by IU (Dream High OST) while reading this chapter. Kikiligin talaga kayo.

Sinulat ko rin ang chapter na ito habang nakikinig sa kanta na iyon, nakakakilig lang kasi kaya nailabas ko lahat ang kasweetan sa chapter na ito.

💚MarLezia 💚

Chapter 66

Alezia POV
"Tama na kasi...Hahahaha! Marck! Tama na!...H-hindi...---"

Pinagsisipa ko na si Marck dahil kanina pa talaga niya ako kinikiliti, pagkauwi namin ay bigla niya akong binuhat paakyat at doon sinimulang kilitiin ako.

"T-tama na....Hahaha! Marck! Tigil n-na...Ahhhhhh!!!" hindi na ako makahinga dahil sa tawa ko. Wala talaga itong tigil kung makakiliti sa akin.

Nahuli ko ang isang kamay nito kaya naman kinagat ko "Ahh!! Alezia!"

Doon na rin tumigil ang pagkakiliti niya sa akin pero nakadagan pa rin siya sa akin kaya hindi ako makahinga at makatayo.

"Bakit mo ako kinagat?"

"Eh k-kasi, kinikiliti mo ako! Tigilan mo na kasi ang pagkiliti sa akin, baka magtaka si Mama kung ano ang ginagawa natin dito!"

Tumingin naman ito sa akin ng nakakaloko, lumapit ang mukha nito at tinitigan ako "Ginagawa natin? Anong ibig mong sabihin mahal ko?" tumaas-baba ang kilay nito.

OMG! Bakit ko nasabi ang ganoong salita?! Kilalang-kilala ko na ang takbo ng isip nitong si Marck.

"A-ahh...Uhmm, Ano...K-kasi-" pautal-utal na ako magsalita kaya natakpan ko ang namumula kong mukha. Nakakahiya Alezia!

"Awww, my baby is blushing...Let me look at your cute squishy cheeks." pilit nitong tinatanggal ang pagkakatakip ng palad ko sa mukha ko. Ayoko nga! Nakakahiya kaya!

"Ihhhh! Ayoko! Bahala ka diyan!" narinig ko ang tawa nito pero maya-maya pa ay katahimikan ang narinig ko kaya dahan-dahan kong inalis ang palad ko.

"Got yah!"

"Ahhhh!!" nahuli nito ang kamay ko at ipinunta sa itaas ng ulo ko. "Bitawan mo nga ako." umiling lang ito at pinagtagpo ang noo namin "Youre such a cute baby Alezia , I cannot resist your cuteness, God knows how i want to squish you like a soft teddy bear"

He kissed the top of my nose, i can't help it but to smile and kiss his nose.

Ilang minuto pa ako nito tinitigan at umalis na sa itaas ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag 'mabigat ang isang ito!'

"Mahal ko?"

Tiningnan ko ito, para tuloy siyang nagmomodel sa pose niya. Nakalagay kasi ang isang palad nito sa kanyang ulo, ang siko niya ang nagsisilbing standby, habang nakakatitig sa akin.

"Hmmm?" tumagilid naman ako ng higa at tinitigan ko rin siya. Hindi ko mapigilang mapangiti ng maisip ko na sobrang swerte ko kay Marck, all in one package na ang boyfriend ko.

"Don't stare me like that... It makes me heart go crazy. Damn"

"Masama na ba ang tumitig?" takang tanong ko pero kinurot lang nito ang pisngi ko "No, pero kasi iba ang impact mo ng tingin mo sa akin mahal ko. Just looking at your eyes, i don't know what to do and my heart thumps over and over again"

"Aysus, tama na nga yan cheesy lines mo!" tatakpan ko na sana ng unan ang mukha ko pero naunahan na ako nito "Don't cover you face love! I want to see your two cheeks turned into a pinkish one"

Still Perverted 6 StepBrothers and 1 Boyfriend (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon