A/N: This is a work of fiction, Any names, characters, stories or event are fictitious.
<><><><><>
"Lady Elizabeth! kailangan na po natin bumalik sa palasyo.. malilintikan po tayo sa iyong amang hari!" Napanguso ako saka ko nilibot ang buong atensiyon ko sa paligid. mga nagkakasiyahang tao.. mga perya... iba't-ibang klaseng tindahan at tila parang buong pamilya ang lahat. ang saya dito.. "Lady Elizabeth!" Mapanloko akong napangiti ng masulyapan ko ang isang kulungan na may lamang mga pusa. mabilis akong tumakbo papunta doon "Lady Elizabeth!" Ngumiti ako ng matamis pagharap ko kay Sisa na siyang maid servant ko. pasimple kong binuksan yung kulungan na nasa likod ko at ng mabuksan ko iyon ay hinila ko si Sisa papunta doon kaya nagtititili siya hanggang sa mahimatay. well, ganoon siya katakot sa pusa. mabilis akong umalis doon dahil halos lahat ata ng atensiyom ng mga tao ay na kay Sisa.
"Wow" Kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko ng makita ko ang napakalaking elepante na sinasakyan ng isang bata na kabilang sa mga taga perya.
"Magandang binibini... tila ngayon ka lang ata nakakita ng ganitong kahanga hanga" Mabilis akong tumango dahil sa sinabi ng lalaking katabi ko habang naka-intertwine ang dalawang kamay ko. "Ngayon lang din kita nakita dito sa buong buhay kong paglilibot.. ikaw ba ay dayuhan?" Napatigil ako at napaiwas ng tingin sakanya. sasabihin ko ba? baka pag sinabi ko malaman niyang isa akong prinsesa! ayoko! hindi dapat mangyari yun! baka isumbong niya ako kay ama! "Ayos lang kung ikaw ay isang dayuhan binibini.. ikinalulugod kong makakilala ng isang katulad mo na madadala ko sa lugar kung saan may pinaka magandang paglilibangan" Napaharap ako sakanya ng dis oras at hinawakan ang kamay niya.
"Talaga?!"
"O-oo naman binibini" Masaya akong napangiti dahil sa sinabi niya. "Kung gusto mo ngayon na.."
"Sige sige!" Masaya at hindi ako mapakali sa sobrang pagkasabik. ngayon ko lang mararanasan ito..
"Nandito na tayo" Napatigil ako sapagda-daydream at nilibot ang tingin sa buong paligid ngunit wala namang maganda sa lugar na ito.. ang sinasabi niyang maganda ay kabaliktaran ng nakikita ko habang may mga lalaki sa harap namin at nakangiti ng kakaiba. napaatras ako at akmang tatakas ng may mga kalalakihan din na nasa likod ko at may hawak na mga patalim. "Mamahalin ang kasuotan mo binibini... at.. maganda ka... may gandang hubog ng katawan pa.." Lumayo ako sa lalaking nagdala sakin sa lugar na ito at napalunok ako. "Kung ako sayo hindi na ako papalag at ibibigay ko na lang lahat. lahat lahat.." Namuo ang luha ko sa mata at nanginginig ang mga kamay ko na nakahawak sa pader na sinasandalan ko habang unti unti nila akong pinapalibutan.. Sisa! help me...
"Anong laban ng isang babae sa doseng lalaki?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaki na nakamaskara at nasa bubong nakahiga na parang isa iyong malambot na kama.
"Hoy! sino ka?!"
"Huwag na huwag kang makikielam!" Umupo yung lalaki saka biglang tumalon kaya naalerto silang lahat.
"Paano kung gusto kong makielam? ano ang gagawin niyo?"
"Aba! matapang ka! anong gagawin namin sayo? papatayin ka namin!" Napahawak ako sa bibig sa gulat ng madinig ang balak nilang gawin sa estrangherong lalaki. Napapikit na lamang ako ng sinugod siya ng mga kalalakihang pumalibot saakin kanina. hindi ko kayang saksihan ang isang karumaldumal na pangyayari.
"Hoy!" Napadilat ako at napatitig sa mga walang malay na lalaki at nasa gitna noon ay ang estrangherong lalaki na nakamaskara. "Ang kagaya mong masyadong trusty woman ay isa lang ang patutunguhan.." Aniya saka tinanggal ang maskarang suot niya at bumalandra sa harap ko ang magandang lalaki niyang mukha. "..Kamatayan." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Umalis kana dito." Kung kanina ay para siyang masayahin at go with the flow kung magsalita.. ngayon ay hindi na.. Malamig at matigas siya kung magsalita. parang si ama.. ang mga mata niya din ay tila nagsasabing huwag akong lumapit sakanya.. na dapat layuan ko siya at katakutan ngunit bakit ganito? iba ang nararamdaman ko sa nakikita ko? "Bingi kaba?! ang sabi ko umalis kana dito!" Napaigtag ako sa gulat dahil sa sinigaw niya at dahil na din sa gulat na iyon ay nadala ako at napatakbo palayo sakanya. ngunit bago pa ako tuluyang makalayo nilingon ko siya. at nakita ko kung paano siya pumasok sa isang pasilyo ngunit bigla siyang naglaho. Aaminin kong nagulat ako at madaming bumagabag saakin matapos kong masaksihan iyon. na paano nangyari yun? sino ang lalaking iyon? Hindi ba siya taga dito kaya iba ang kasuotan niya? Ano ang pakay niya at naparito siya? Saan siya napadpad ng maglaho siya? at ang huli...
Maaari kayang nasa kinaroroon ng lalaking iyon ang kapatid ko?
"LADY Elizabeth, Ipinatatawag po kayo ng inyong ama." Napabuntong hininga ako atsaka pumunta kay ama. Iniisip ko palang siya ay nahihintakutan na ako..
"Elizabeth." Napaharap ako at hindi mapakaling nakatayo sa harap niya.
"B-bakit po ama?" Sa tingin niya palang ay naluluha na ako. nakakatakot.. sana isinama na lang ako ni Eles kung ganito din naman ang mangyayari saakin.
"Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa mo ngayong araw?!" Napayuko ako at napakagat sa labi habang mahigpit na nakakapit saaking kasuotan ng sumigaw si ama. "Huwag mong sabihin na hinahanap mo nanaman ang wala mong kwentang kapatid?!" Napaigtag ako ng hampasin niya ang kanyang mesa. "Sinasabi ko sayo Esel, kalimutan mo siya! makasarili ang kapatid mo! hindi kapa din ba gigising?! Iniwan ka niya! iniwan niya tayo!"
"Hindi ama!"
"At ano?! nagagawa mo na akong sagutin dahil sakanyan?!" Napalunok ako at muling napayuko. "Matulog kana at magpahinga. bukas na bukas din.. ipapakilala kita sa iyong mapapangasawa.. mabait na lalaki si Elias aalagaan ka niya. saka mas tataas ang posisyon natin kapag ikinasal kayo at makakabuo ng prinsesa o prinsepe." Napakuyom ako ng kamao at mabilis na umalis at tumakbo sa kwarto ko upang magmukmok.
"Lady Elizabeth?" Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto ng madinig ko ang boses ni Sisa. mabilis akong tumayo sa aking kama at pinagbuksan ko siya at mabilis na pinapasok. "Pasensiya na po sa abala." Umiling ako at hinawakan siya sa kamay.
"Ako dapat ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko kanina." Ngumiti siya saakin matapos kong sabihin iyon.
"Wala po saaking problema iyon. naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo. at naaawa po ako sa sitwasiyon niyo Lady Elizabeth. alam ko ang ganyang pakiramdam.." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Isa din akong prinsesa na may mataas na ranko ng pamilya. na mas kinikilalang Noblesse kaya tinawag na Noblesse ang lugar na ito ang mundo natin.. dahil nga sa maraming maharlikang pamilya. ngunit nalugi at bumagsak kami dahil sapagrerebelde ko.. at hindi ko iyon pinagsisisihan. kaya habang maaga pa Lady Elizabeth. hanggat may oras ka.. magisip ka ng lugar na alam mong ligtas ka. lalo na at ikakasal kana bukas." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. ang sabi ni ama ay ipapakilala lang ako ngunit hindi ko inaasahang ikakasal kami agad. "Hindi ko din pagsisihan ang maaaring mangyari saakin kapag natuklasan nilang tinulungan kita. sapat na ang mga panahon na nakakilala ako ng mabuting tao katulad mo... kahit na pasaway." Parehas kaming napatawa sa huli niyang sinabi. "Magligpit kana Lady Elizabeth. dahil ngayon na kita itatakas.." Nakangiting sabi niya. niyakap ko siya ng mahigpit na Ikinagulat niya.
"Malaki ang utang na loob ko saiyo Sisa. hinding hindi ko makakalimutan ang kabaitan mo." Sabi ko saka ko inihanda ang mga gamit ko nakakailanganin ko kahit hindi ko batid kung ano ang nag-aantay saakin sa oras na pasukin ka ang lugar na iyon. Alam kong ang selfish ko dahil dinamay ko pa si Sisa sa problema ko kahit na nagprisinta siya. sobra sobra na ang pasakit na naidulot ko sakanya ngunit ito.. tinulungan niya pa ako.
sa huling pagkakataon. sinilip ko ang palasiyong labing walo kong tinirahan kasama ang pamilya kong may masayang ngiti ngunit mabilis na tumabingi. mapait akong ngumiti saka nag-umpisa akong pumasok sa pasilyong tinahak ng lalaking estranghero. muli kong nilingon ang palasiyo at bumulong.
"Patawad ama.."
BINABASA MO ANG
Noblesse
VampireGigisingin ang nakaraan bubuhatayin ang patay. © 2018 All Rights Reserved by:fortune_Arterial16