Pagtagos ko sa lugar na pinasok ng lalaking estranghero. nagugulumihan akong tumingin sa buong paligid na puno ng usok... maraming tao... maingay... magulo... makalat... may nakakasulasok na amoy at may mga kakaibang sasakyang panlupa at mayroon ding panghimpapawid.
"Sabi na susundan mo ako eh.." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang lalaking nagligtas saakin.
"A--"
"Akala mo ba magiging maayos yung buhay mo dito? tsk." Aniya saka nagsimulang maglakad. mabilis naman akong sumunod hilahila ang gamit ko.
"A-anong pangalan mo ginoo?" Tanong ko sakanya ngunit hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa gawi ko o kaya'y sagutin ang katanungan ko. "Ginoo--- ahh!" Napaangat ako ng mukha at napa-upo sa sahig mula sapagkakadapa ng wala sa oras sabay hawak saaking pisngi upang tignan kung ano ang kakaibang dumikit doon at ng makita ko ang kamay at maamoy ito ay tila na blanko ang buong sistema ko. Tae... tae?... Ta-e?! TAE!!!
"Gross. Are you really came from a noble family? you look like a trash." Napakagat ako sa labi saka naluluhang napatingin sakanya. napaatras naman siya at kita ko ang gulat sakanyang mukha.
"Kasalanan mo naman kasi! tinatanong kita pero 'di ka manlang tumigil para sagutin ako! hindi ko mawari kung dapat ba talaga kitang tawagin na isang ginoo!"
"Tss. akala mo maaapektuhan ako ng paiyak iyak mo? psh.. who cares? saka sinabi ko bang tanungin mo ako? kasalanan mo yan kasi tanga ka." Inis na sabi niya na nakakunot noo pa. nagulat ako ng may isang sapatos na tumama sa ulo niya na ikinatanga niya ng pandalian. "What the---"
"Gago kang lalaki ka! nakita mo na ngang nadapa yung girlfriend mo pinagalitan mo pa! such an asshole!" Sandali... bakit tila naiintindihan ko yung mga sinasabi nila kahit ngayon ko lang nadinig? Muli akong napatingin sa babae na galit kay ginoo saka lumingin saakin at mabilis na lumapit. "Halika.. ako ang tutulong sayo kaysa tong walang kwenta mong boyfriend!" Boyfriend? what's that? yun ang salitang hindi ko alam.. akala ko pa naman lahat maiintindihan ko. kung sabagay.. yung salitang girlfriend ngang sinabi niya at patuloy pa din na umiikot sa utak ko at kinakapa kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
"The hell?! She's not my girl---"
"Shut up! you monkey face!" Napakurap kurap ako ng tila madama ko ang tensiyon sakanilang dalawa.
"Monkey face?! are you blind? o baka naman mahilig ka sa unggoy kaya yun ang nasabi mo. ms. rapper." Pinagsalitan ko ang tingin ko sakanilang dalawa at kita ko ang pamumula ng mga mukha nila na halatang nagkakapikunan na. what should I do?
"I a-ah---" Hindi ko pa natutuloy ang dapat kong sasabihin ng magsagutan ulit sila.
"Ako rapper?! kamo sabihin mo mukha ka lang unggoy!"
"Unggoy? tss.. look at your self miss... 'di ka naman kagandahan para sabihin yan saakin. you're not even my type."
"Hindi din kita type no! 'di ako pumapatol sa unggoy na pinapabayaan ang girlfriend niya!"
"She's not my---"
"Let's go miss.. ako ang tutulong sayo kaysa ang walang kwenta mong boyfriend!" Boyfriend?? ano ba kasi yun? Nakakain ba yun? Hinatak ako nung babae saka yung gamit ko at dinala ako kung saan. maya maya lang ay nasa harap kami ng isang tahanan na katamtaman lang ang laki ngunit maganda. simple lang din ang mga disenyo at mga dekurasyon nito sa labas. "Tara.. mag feel at home ka sa bahay ko. dadalhin kita sa c.r."
"C.R??" Takhang sambit ko.
"Oo sa c.r, para malinisan mo ang mukha mo." Aniya saka hinila akong muli at dinala ulit sa isa pang pinto at pagbukas noon ay nakita ko ang palikuran. akala ko ba sa c.r? ano ba kasi yung c.r? "Yan.. linisan mo yung sarili mo. kung gusto mong mag shower, go. hindi naman big deal saakin iyon. aantayin na lang kita sa labas." Sabi niya at akmang aalis ng pigilan ko siya kaya pumihit siya paharap saakin.
BINABASA MO ANG
Noblesse
VampireGigisingin ang nakaraan bubuhatayin ang patay. © 2018 All Rights Reserved by:fortune_Arterial16