Masoe POV:
Panatag ang loob ko habang nagmamaneho dahil nakatulog si Elizabeth. kasi kung hindi, panigurado akong magdadaldal nanaman siya. na pinaka ayaw ko sa lahat. Napangisi na lamang ako ng pasukin ko ang villa. nakakatuwang isipin na habang tumatagal ay dumarami ang mga Vampire hunter dito upang tugisin kami ngunit ang hindi nila alam. halos karamihan ng mga kilalang tao na mga negosiyante tulad ko ay hindi man lang nila alam na kabilang sa mga pinaghahanap nila. poor mere human. Pagka-park ko ng sasakyan ko nilingon ko si Elizabeth at nakita ko siyang seryoso na nakalingon kung saan. ng tignan ko kung saan siya nakatingin wala namang kahit na ano doon.
"Hey, we're here." Ani ko. humarap siya saakin saka muling lumingon. "Ano bang tinitignan mo jan?" Kunot noong tanong ko.
"Yung bata.." Bata??
"Wala namang bata." Kunot noong sagot ko saka ko inikot ang paningin ko.
"Ito siya... katabi ko." Napataas ako ng kilay saka inis na tinignan siya.
"Wag mo nga akong pinaglololoko, walang bata dito sa loob ng sasakyan ko dahil tayong dalawa lang ang nandito." Inis na sabi ko na ikinalaki niya ng mata saka nahihintakutan na lumingon sa tabi niya. what's wrong with her? ganyan ba siya palagi kapag gigising siya mula sapagkakatulog?
"K-katabi ko siya... at nakangiti.." Hindi na talaga ako natutuwa sa sinasabi ng babaeng to. Inis na lumabas ako ng sasakyan saka lumanghap ng sariwang hangin at muling sinipat si Elizabeth upang palabasin ngunit nagulantang ako ng wala na siya doon. inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ngunit wala akong nakitang Elizabeth. hindi ko din naramdaman na lumabas siya sa sasakyan. what the hell?
Elizabeth POV:
Hawak ko ang dibdib ko at pinipigil ang sarili na huwag mahintakutan kahit na batid kong may hindi talaga magandang mangyayari saakin.
"Elizabeth..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad na napaatras ng makita kung sino ito. "Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nasa harap mo ako ngayon??" Nakangiti ng matamis na sabi niya.. napaatras ako ng umabante siya palapit saakin. "Nandito ako para tuparin ang kahilingan mo.." Napatitig ako sa ngisi niya na siyang ikinakabog ng aking dibdib ng lubos. ano ba itong kakaibang nararamdaman ko sakanya na hindi ko nadama ng sumama siya saamin ni Masoe noong papunta kami sa bahay ni Masoe. "Ano bang kahilingan mo... Princess Elizabeth Esel Midford. Daughter of Margarette Midford and Santi Illustre." Napailing ako sa sinabi niya.
"Hindi... ang ama ko ay si---"
"Si Santi ang tunay mong ama.. dahil ang kinikilala mong ama ay siyang kapatid ng iyong ina." Nakangising sabi niya. umiling ako at sunod sunod na pumatak ang luha ko. hindi... "Tell me Elizabeth... ano ang kahilingan mo?" Bulong niya sa tenga ko at dama ko ang akap niya sa likod ko. "Isipin mong mabuti ang kahilingan mo..." Aniya. Tila naging blanko saakin ang lahat at tumingin ng diretso sa harap ko.
"Hinihiling kong..."
Masoe POV:
Isang misteryo ang tila bumabagabag sakin habang nakatingin sa mukha ni Elizabeth na natutulog sa sofa sa loob ng bahay ko. Dito ko siya natagpuan matapos ng isang matinding paghahanap sa biglaang pagkawala niya. Akma akong lalapit sakanya ng makaramdam ako ng isang kakaibang presensiya na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nadama ang takot. hindi ko siya magawang lingunin dahil naninigas ang katawan ko sa takot.
BINABASA MO ANG
Noblesse
VampireGigisingin ang nakaraan bubuhatayin ang patay. © 2018 All Rights Reserved by:fortune_Arterial16