Chapter 9: What are you?

982 34 2
                                    

Elizabeth POV:

Nagising ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko. pagdilat ko ng mga mata ko nasa loob ako ng isang kwarto. kwartong hindi pamilyar saakin. bumangon ako saka ko tinignan ang buong katawan ko. Salamat Miss Roe. Kung hindi dahil sakanya baka patay na ako. mabuti na lang at nagpakatatag din talaga ako.

"Mabuti naman gising ka na..." Napatingin ako sa nagsalita. malamig pa sa yelo ang tingin saakin ni Masoe ng magtama ang mga mata namin. kumirot ang dibdib ko pero hindi ko pinahalata ang sakit. mas tanggap ko pa na nag-aagaw buhay ako kaysa yung buhay nga ako pero ilang beses naman akong pinapatay sa loob ko. "Nagluto na ang kapatid mo, bumaba ka na." Hindi na lang ako umimik. ano bang sasabihin ko? kahit naman gusto kong magsalita... ang tanong, papakinggan niya ba ako? Umalis ako sa pagkakatakip sa katawan ko ng kumot saka pumunta sa gilid at tumayo ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo at muntik ng matumba mabuti na lang at nabalanse ko pa ang katawan ko. pag-angat ko ng tingin nagulat ako kasi nasa harap ko na si Masoe at may nakita akong dumaan na emosiyon sa mga mata at mukha niya pero agad ding nawala kaya hindi ko na nalaman pa. nagpatuloy na akong maglakad palabas ng kwartong yun saka bumaba at naabutan ko sina Cordelia at si Darost na nag-aasaran.

"Jan nagkatuluyan ang lolo't lola ko..." Natatawang biro ko sakanila na nagpatigil sa dalawa.

"Gising ka na pala... tara kain na tayo." Hinila ako ni Cordelia saka hinandaan ng pagkain. siya na din ang nagsandok kaya wala akong nagawa kundi ang ngumiwi saka mapailing. sandamakmak ba naman daw na pagkain ang ilagay sa pinggan ko. "Yan... kain na.." Hindi na ako pumalag at kumain na lang.

"Elizabeth..." Napalingon ako kay Darost na tumawag saakin. nakita ko naman si Masoe na malamig pa din ang aura sa likod ni Darost.

"Hmm?" Hindi ako makapagsalita ng maayos kasi may laman yung bibig ko.

"Magpapaalam lang ako na gusto kong pakasalan yung kapatid mo." Muntik na akong mabilaukan kaya agad akong napainom ng tubig sabay tawa ng malakas kasi nakita ko yung pag-asim ng mukha ni Cordelia. "Bakit natawa ka jan?"

"Alam mo Darost, kahit pumayag ako sa desisyon mo yung papakasalan mo pa din ang magde-decide kung papakasalan ka din ba niya.." Natatawang sabi ko saka tumingin kay Cordelia na ginawa din Darost. Tumayo naman si Darost saka lumapit kay Cordelia.

"Cordelia naman eh! sabi ko sayo diba... gusto kitang pakasalan!" Maktol ni Darost. ako naman pigil ang tawa sakanilang dalawa. ang cute kaya nilang tignan.

"Nako! tigilan mo nga akong alupong ka! kakakilala lang natin nitong taon na to tapos kasal agad? ano ka? sinuswerte? mukha mo! magpakasal ka mag-isa mo!" Natatawang napailing na lang ako saka nagsimula ulit kumain ng may kakaiba akong maramdaman. binaba ko ang kobyertos ko saka tumayo na ikinatingin nilang lahat saakin ngunit hindi ko na nagawang magsalita dahil sa nararamdaman ko. nagsimula akong maglakad at sinundan yung tila bagay na tumatawag saakin.

"Elizabeth?" Hindi ko pinansin ang pagtawag nila saakin. bagkus, nagpatuloy ako sapagbaba sa mahabang hagdan at naglakad sa malaking espasiyo na kung papansinin mo ay tila isang headquarters at humarap ako sa napakalaking picture frame na nakadikit sa pader. tatlo sila, halos magkakahawig pero mas napukaw noon ang pangatlong larawan na tila parang titig na titig saakin habang nakangiti.

"What are you? Elizabeth." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Cordelia na nag-aalala saakin katabi si Darost na nakaakbay sakanya at si Masoe na natila nahihiwagaan. nakita ko din ang iba pang mga tao--- kung tao nga ba sila.

NoblesseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon