Masoe POV:
"Kuya, hinahanap ni Cordelia si Elizabeth." Napatigil ako sapaglalakad ng magsalita si Darost na nakayuko sa isang tabi.
"Nasa kwarto ko, papuntahin mo na lang siya doon." Walang buhay na sabi ko.
"Kuya naman! Alam mo namang magwawala yun kapag nalaman niya ang totoo!" Napatigil ako sapaglalakad at saka kinwelyuhan si Darost na nagulat sa ginawa ko.
"Ano sa palagay mo ang nararamdaman ko ngayon? Huh?! Akala mo ba nagsasaya ako na hanggang ngayon ayaw niyang gumising at sa mata ng lahat patay na siya?! Darost maswerte ka kasi yung sayo nasa tabi mo at dilat na dilat! Eh yung saakin? Hindi ko alam kung gigising pa siya!"
"Sinong hindi na gigising?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Cordelia na nakakunot noo at nasa likod niya sina ate Rose at Fritzy. Umiwas ng tingin si Darost at kumalas sapagkakahawak ko. "Sinong hindi na gigising? Huh? Masoe? Darost?"
"Elizabeth." Bulong ko. Napatigil siya sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at akmang aalis ng tumawa siya ng malakas. Ang masaklap, nakitawa din sina ate Rose. Kumunot ang noo namin ni Darost sa reaksiyon nila.
"Darn! Paanong hindi gigising yun eh kaka chat nga lang saakin na pumunta daw kami sa kwarto mo kasi wala daw siyang makausap!" Napaatras ako at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko at mabilis na binuksan yun.
"Ang tagal niyo naman.. kanina pa ako naghihintay eh.." nasa veranda siya at nakatalikod saakin. "Huy! Bakit ayaw niyo magsalita---" Nagulat siya ng makita ako. Damn. Gising na siya...
"Elizabeth---" Nagulat ako ng talikuran niya ako. Anong problema niya? Lumapit ako at akmang yayakapin siya ng umiwas siya bigla kaya nagulat ako lalo na ng tumama ang mukha ko sa pader. What the! "Elizabeth!"
"Ano?! Magsama kayo ng Queen Noble na yun!" Inis na sabi ko saka tumakbo palabas ng kwarto niya.
"Oh! Elizabeth! Sabi nila Masoe hindi ka na daw gigising---" Hindi ko pinansin si Cordelia at tumakbo lang ng tumakbo hanggang sa makapag tago ako sa likod ng mansiyon nila na may bench at napapalibutan ng mga bulalak.
"Tss. Magsama sila. Akala niya siguro hindi na ako gigising. Hah! Nagpanggap lang ako para sorpresahin siya pero mukhang ako pa ang nasorpresa! Aba makita ko ba naman na kayakapan yung queen noble na yun? Hindi lang ako nagising ng isang araw pero naririnig ko siya! May lambing lambing pang nalalaman tapos may kayapan naman pala paggising ko!"
"Who the fuck are you talking to miss?" Mabilis na napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang napaka gwapong lalaki at tila parang greek god sa malaki nitong katawan at perpektong mukha. Saglit akong napakurap saka umiwas ng tingin.
"Wala... sarili ko lang." Nahihiyang bulong ko pero hindi ko talaga pinahalatang nahihiya ako. Hihi. Bwisit na Masoe yun! Lung tutuusin hindi ko pa siya nasasakal! Wala ba naman daw siyang pakielam sa nakaraan ni mama pero saakin lang? Gago ba siya! Kung may pakielam siya saakin dapat sa ina ko din! Nakaraan man o hindi! What a jerk! Napalingon ako ng may tumabi saakin. Si pogi. Nakayuko lang siya kaya medyo nawirduhan ako. "Ahh... ako nga pala si Elizabeth."
BINABASA MO ANG
Noblesse
VampireGigisingin ang nakaraan bubuhatayin ang patay. © 2018 All Rights Reserved by:fortune_Arterial16