Chapter 5: Kiss

1.2K 36 2
                                    

Tulad nga ng inaasahan maaga kaming gumising ni Masoe para mag-almusal at ng matapos yun ay agad kaming pumunta sa hospital. ewan ko kung bakit kinakabahan ako eh wala naman silang malalaman na kahit anong sakit mula saakin. kasi wala naman akong dinaramdam na kahit ano. but still, kinakabahan ako na ewan.



"We're here--- may problema ba? bakit namumutla ka?" Napatigil ako ng bigla niyang ilapit yung mukha niya saka kinapa yung noo ko.


"Ayos lang ako.." Ani ko saka hinawakan ang kamay niya at ngumiti. nagtaka naman ako ng magulat siya dahil sa ginawa ko. "May problema ba?" Yung tanong niya saakin bumalik sakanya. umiling siya saka binuksan ang pinto ng sasakyan sa tabi niya. ganoon din ang ginawa ko saka nag-angat ng tingin sa malaking building ng Santerro Hospital.


"Let's go" Nagpatangay ako kay Masoe sapaglalakad ng hawakan niya ang kamay ko.



"Yes sir? ano pong maipaglilingkod namin?" Biglang nagbago ang atmosphere pagkasalitang pagkasalita nung babae. I don't like her. hindi ko alam kung bakit pero iba kasi yung tingin niya kay Masoe eh.


"Gusto ko makausap ang pinakamagaling niyong doctor dito. right now." Matigas at walang emosiyong sagot naman niya. bigla ata natakot yung babae. haha, serves you right. naglakad palayo yung babae saka pumunta doon sa telepono at may tinawagan. after a couple of minutes nasa harap na ulit namin siya at sinabi kung saan kaming floor pupunta at room kung saan kami dapat na pumasok. At dahil nga nasabi na saamin iyon sinunod naman namin. pero ang ikinatataka ko lang ay kung bakit ayaw pa din bitawan ni Masoe ang kamay ko kahit nasa loob kami elevator. gusto ko iyong itanong sakanya but I prefer to keep silent. ok na din siguro ito. after all I feel comfortable in his touch. "Everything will be fine.." Napaangat ako ng tingin sakanya ng banggitin niya ang katagang iyon kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. napangiwi na lang ako ng makita ko ang mukha niya na medyo tagaktak na ng pawis. ako ba talaga ang kailangan niyang sabihin ng "Everything will fine?" oh ang sarili niya? parang siya ang titignan kung may sakit siya ah.. napanguso na lang ako atsaka kami lumakad paabante ng bumukas ang elevator. I am still wondering about this world. Kahit komportable ako sa tabi ni Masoe may mga bagay pa din akong hindi masabi sakanya dahil napangungunahan ako ng hiya. ewan ko din naman kung bakit ako nahihiya. minsan kahit ako nalilito na talaga sa sarili ko.



"Yes? how can I help you?" Bigla akong nagising sa realitad ng may magsalita. nakapasok na pala kami sa kwartong itinuro noong babae kanina. "Anyways, My name is Hanz Santerro the head of Santerro Hospital and most professional doctor in Santerro Hospital." Maganang sambit niya saka tumayo sapagkakaupo sa swivel chair niya at lumapit saamin. "It's nice to meet you beautiful lady.." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at halikan ang likod non. what the---




"Don't you fucking touch my girl!" Mabilis na napunta ako sa likod ni Masoe ng hampasin niya ang kamay nung lalaking head daw nitong hospital atsaka ako tinago sa likod niya. sumilip ako at napatitig ako sa mukha ng lalaki na may ngisi sa labi. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa ngiti niya. I have a bad feeling.




"Oh? akala ko ba kailangan mo ng pinakamagaling na doctor?" Mapang-asar na tanong niya.




"Eh hindi ba pinaka magaling na doctor ka lang ng santerro hospital? you're not even the one I am seeking. Ang hinahanap ko yung pinaka magaling sa buong mundo. you bastard.." Napahawak ako ng mahigpit sa damit ni Masoe.




"Hey.." Bulong ko sakanya pero hindi niya man lang ako binigyan ng pansin. "Masoe---"




"Kahit naman mahanap mo ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo hindi niya pa din magagamot ang babaeng nasa likod mo dahil wala naman siyang sakit.. right miss?" Nagulat ako sa sinabi niya. paano naman niya nalaman? "Someone like you... ahh, ikaw siguro yung usap usapan na babaeng may pulang anino." Napakunot noo ako. ano daw? pulang anino? That's not me! Tinignan ko ang anino ko and to my surprise. hindi siya pula kundi wala talaga akong anino. oh my gosh... what on earth is happening to me? Krodea didn't tell me about this! "I also wondering... why your blood smell so sweet?" Nanlaki ang mga mata ko sa takot at gulat ng mamula ang mga mata niya at maglabas ng mahahabang pangil ang bibig niya. Mabilis na naging alerto si Masoe ng maglaho yung lalaki sa harap namin. "You're special.." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. kasabay ng mahapding bumalatay sa buong sistema ko saka ko nakitang kinalmot niya ako sa braso.






NoblesseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon