Chapter 12: Dealing with the Demon

964 31 5
                                    

"Darost." Lumingon siya saakin saka lumapit.

"Anong balita?" Napabuntong hininga ako at sumandal sa pader na malapit saakin.

"Si Elizabeth... ngayon na yung ritwal niya... nasa impyerno siya ngayon." Pagak ang tawang sabi ko.

"Nagbibiro ka ba?" Nilingon ko siya at malamig na tinignan.

"Sana nga biro na lang ang lahat." Ani ko saka naglakad paalis. "Oo nga pala, ang pinaka-huling ritwal ay tayong dalawa. buhay nating dalawa." Walang nagbago sa emosiyon niya ng sabihin ko yun. "Not scared?"

"I'm not. ngayon na ang oras para tayo naman ang magsakripisyo." Seryosong sabi niya.

"You think mom will let us?" Nakangising sabi ko. "You know her lil' brother. tuso siya sa lahat ng tuso. siya yung tipo na ilalagay sa panganib ang mga mahal niya sa buhay pero hindi niya hahayaang mamatay." Napatawa si Darost sa sinabi ko saka namulsa.

"I know. pero hindi ko kayang panuorin na makitang nadadamay yung kambal dahil satin. Nakakabakla man pero na love at first sight talaga ako kay Cordelia." Ako naman ang napatawa saka umiling iling.

"Sa lahat ng kasama sa ritwal si Elizabeth lang ata ang may alam ng lahat. nahawaan na siya ni mom. Elizabeth is an honest woman. inosente at di masekreto. hindi ko din naman siya masisisi kasi napag-utusan lang siya. pero kapag natapos na tong lahat itatali ko siya sa tabi ko at ide-death threat kapag naglihim pa siya saakin. I know her. She's easy to read."

"Gigilitan ka sa leeg ni Cordelia kapag narinig niyang sinabi mo yan." Natawa ako saka nailing na tumingala sa langit.


"Sana magawa niya ng maayos yung ritwal o ano mang kaekekan yun..."

"Kiddos.." Napalingon kami ni Darost sa nagsalita at nakita namin sina Uncle Clim and Andy. "May ideya ba kayo kung nasaan ang asawa namin?" Kumunot ang noo ko saka napatingin kay Darost.

"Wala." Sagot ko.

"Bakit?" Tanong naman ni Darost.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko.. naglaho na lang bigla si Fritzy habang sinasabing ngayon na daw niya gagawin ang ritwal. pero hindi ko alam kung saan!" Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ganun din kay Rose. naglaho na lang siya bigla habang sinasabi na ngayon na ang ritwal niya."


"You must be kidding me.... sabi ni Krodea--- holy shit!" Napalingon silang lahat saakin ng tumayo ako ng diretso saka nagpalakad lakad habang kagat kagat ang sariling kuko. "Bakit ba ako naniwala sa batang yun? darn! alam ko kung nasaan sila! nasa impyerno sila!"


Elizabeth POV:

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng matinding init. init na tila sumusunog sa balat hanggang sa laman ko. pakiramdam ko ano mang oras ay babagsak ang katawan ko.



"Ahhh!!" Napalingon ako sa likod ko ng makadinig ako ng sigaw. ng makita ko ang likod ng isang babae ay kumunot ang noo ko. ngunit ng tumagilid ito saka nanlaki ang aking mga mata sa gulat.


"Miss Fritzy..." Gulat na gulat na sambit ko na tila nadinig niya naman kaya lumingon siya sa kinaroroonan ko. nanlaki ang mga mata nito ng makita ako.



"Anong--- shit! argh!" Natigagal ako ng makitang may mga pulang nilalang ang humahatak sakanya at nagbibigay dahilan kaya nasusunog ang kanyang balat.


NoblesseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon