Chapter 3
Kababata
Hanggang ngayon ay nasa park pa rin ako, and si Ranz? ayun ang saya saya kay Angela.
Ngayon ko lang siya nakitang masaya na kasama ang isang babaeng buhay niya.
"Oh? Yanna mag isa ka ata? nasaan yung boyfriend mo?" may biglang nagsalita na lalaki na pamilyar, pag kita ko yung lalaking pogi pala na tumulong sakin sa tray kanina sa Mcdo.
tumawa ako "hindi ko yun boyfriend ha." paglilinaw ko sa kaniya.
"Pwede ba kong tumabi?" sabi nito at tumango naman ako.
"Ahmm.. sino pala yon?" pagtatanong niya saakin.
"Friend ko lang yun." nakangiti kong saad sa kaniya, gusto ko ngang maging boyfriend eh kaso taken na, charot.
"Ahh... ano nga palang name mo?" pagtatanong niya saakin.
"I'm Yanna and you?" nilahad ko yung kamay ko, omg ang pogi pogu niya talaga pero mas pogi si Ranz hehe
"I'm Kaizer, nice meeting you Yanna."hinakawakan niya naman yung kamay ko.
"Lika? bili tayo dun oh sa ihaw ihawan." nakangiting pagyayaya niya saakin, syempre go naman ako gutom pa ko eh, pagkain na eh tatanggihan pa ba?
"Oo naman! libre kita?" sabi ko kay Kaizer kasi buti na lang nandiyan siya for me not like Ranz, ay oo nga pala ang priority niya pala yung Angela niya hay naku magsama sila!
"No...no ako nagyaya so sagot ko." simpleng sabi niya.
"Eh... Kaizer nakakahiya naman? kasi baka lahat ng tinda nila makain at maubos ko hihi." napakamot ako ng ulo nung sinabi ko yun kasi nakakahiya baka wala na tong pera pag uwi.
"Okay lang, buy what you want"nakangiting sabi nito saakin. kaya tumango na lang ako kasi nandito na kami sa harapan at tinanong na kami nung tindera kung anong bibilhin namin.
"Ate sampu na isaw po, tatlong barbeque and dalawang hotdog po yung akin" sabi ko dun sa tindera pero tiningnan ko naman si Kaizer pero nakangiti lang siya.
"Ako naman po isang barbeque and tatlong isaw po." sabi naman ni Kaizer, luh? walang wala sa order ko yung order niya tsaka hanggang lalamunan ko lang yung inorder niya haha.
Umupo na kami ni Kaizer dun sa upuang may mesa...
"Ahmm.. Ka-kaizer can i a-ask some-something?" nauutal kong pagtanong sa kaniya kasi kinakabahan ako sa isasagot niya dito sa tanong ko.
"Sure, ano yun?" sabi niya.
"Ahmm... bakit ka ganyan sakin? eh kanina lang tayo nagkita? tsaka bakit parang close na close na tayo?" pagtatanong ko sa kaniya, kasi malay mo noon pala nagkita na kami.
Tumawa muna siya bago niya sagutin yung mga tanong ko "Kababata mo ko noon Yanna, hindi mo na matandaan no? kasi nung pumunta kami sa America nung 5 years old palang tayo wala na, no communications na and now bumalik ako, and nakita kita sa facebook and I'm so lucky that I met you kanina sa Mcdo kaso... lumungkot ako kasi kala ko may boyfriend ka na yun pala wala pa, alam mo ba noon nung paalis ako iyak ka ng iyak non."natatawa na pagkukuwento niya saakin.
Omg! kakabata ko siya? wala akong matandaan.
Flashback
When we're five years old...
My Mom's Pov (Bernadet)
"Oh kumare ito nga pala yung anak ko si Kaizer DelaCruz and sana maging close sila ni Yanna." sabi nu kumare Teresa saakin.
"Aba ang guwapo naman pala nitong anak mo na si Kaizer."sabi ko sabay pisil sa pisnge ni Kaizer.
Pero suplado ata ayaw mahahawakan yung mukha niya.
"Hi mom!" pagsalubong na bati saakin ng anak ko na si Yanna.
"Yanna sana maging ka close mo tong anak ko na si Kaizer." sabi ni Mars kay Yanna.
"Sige po, hi Kaizer!" pagbati ni Yanna kay Kaizer pero hindi ito pinansin ni Kaizer.
"Kaizer! bad yan say Hi to Yanna"
sabi ni Mars kay Kaizer."Sunget mo naman! hmp! di kita bate" magkasalubong na kilay na sabi ni Yanna.
Pumunta si Yanna sa swimming pool at inilublob yung paa niya.
"Baby Kaizer yung ginawa mo ay bad, say sorry to her" saad ni Mars sa kaniyang anak pero walang kibo pa rin ito.
Seryoso na parang naiinis na pumunta naman si Kaizer kung nasaan si Yanna.
Yanna's Pov.
"Yanna lika baba tayo may kalaro ka na baba." sabi ni yaya saakin.
"Oh! talaga po!?"tumayo naman ako sa kama at pumunta na kay yaya "lika na po yaya" hinawakan ko yung kamay ni yaya at tumungo na kami kung nasaan yung makakalaro ko.
Ay... kala ko babae, lalaki pala.
"Hi mom!" pagsalubong na bati kay mommy.
"Yanna sana maging ka close mo tong anak ko na si Kaizer." sabi ni Tita saakin.
"Sige po, hi Kaizer!" pagbati ko kay Kaizer pero sad to say hindi niya ko pinansin.
"Kaizer! bad yan say Hi to Yanna"
sabi ni Tita kay Kaizer."Sunget mo naman! hmp! di kita bate" magkasalubong na kilay na sabi ko sa kaniya, hmp! buti nga nakikipag kaibigan pa sa kaniya eh.
Pumunta na lang ako sa swimming pool namin at inulublob ko yung paa ko.
Maya maya ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko at si 'Kaizer the Masungit' pala yon kaya lumayo ako, pero lumalapit naman siya tapos lumayo ulit ako lumapit nanaman siya.
"Kaizer dun ka nga di kita bati!" sabi ko sa kaniya at tinataboy ko siya.
"Sorry na Yanna, hindi kasi ako.friendly eh." sad na sabi ni Kaizer, kawawa naman.
"Sige na nga papatwarin na kota sa isang kundisyon." nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Sige ano yun?" tanong niya naman saakin.
"Pwede ba tayong maging friends?" sabi ko sa kaniya.
"Oo naman!" nakasmile na sabi ni Kaizer na kinatuwa ko naman.
Halos araw araw na nandito si Kaizer saamin and naglalaro kami lagi sa playground namin dito and we're so happy.
Pero isang araw...
"Hi Kaizer lika laro tayo dun oh!"pagaaya ko sa kaniya.
"No hindi pwede Yanna."malungkot na sabi niya at inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko.
"I think this is the last time... huling araw na to ng pagkikita natin."malungkot at seryosong saad ni Kaizer saakin.
"Huh? what do you mean?"naiiyak kong sabi huhu.
"pupunta na kami ng America and dun na kami titira, babye Yanna." sabi nito at umalis na.
Tumakbo naman ako para yakapin siya "mami-mimiss kit-kita Kaizer"naiyak kong sabi.
Tumango naman at ngumiti si Kaizer at sumakay na sa sasakyan niya. madamag akong umiyak non.
End of Flashback
"Omg yes Kaizer naalala ko pero di na ko masyadong active sa facebook eh kaya hindi na ko updated sorry hehe." sabi ko kay Kaizer.
"Okay lang yun, I miss you!" sabi nito at niyakap ako.
"I miss you too." yayakapin ko na sana siya pero biglang may pumigil.