CHAPTER TEN

39 2 1
                                    

Chapter 10

Nagkabalikan? at Comparing-_-

Ranz Pov.

Natapos yung araw na yon ng iniisip ko pa din si Nica...

________________

The next Day

Pumasok ako ng malungkot sa klase namin at napansin ata ni Yanna ito.

"Hi Mr.Sungit!" pagbati niya saakin.

Pero hindi ko siya pinansin...

"Ay sungit nga!" kunyaring nagtatampo saakin.

Kaya nakita kong natuon ang pansin niya kay... haysss Kaizer nanaman.

Yanna's Pov.

Nakita kong malungkot si Ranz, luh? bakit kaya...

Mainis nga!!!

"Hi Mr.Sungit!" pagbati ko sa kaniya.

Pero hindi niya ko pinansin..

"Ay sungit nga!" nagtatampo na sabi ko sa kaniya pero wala pa rin siyang pakialam.

Kaya si Kaizer nalang ang kinulit ko.

"Hi Kaizer!" pagbati ko dito kahit na kanina pa kami magkatabi haha.

"Hello"simpleng sabi niya.

"Gusto mo kain tayong tatlo ni Mershy mamaya sa park? please... namiss ko na kasi yung mga street foods eh" sabi ko kay Kaizer at tumango naman siya na nangangahulugang 'Oo'... luh? bakit ang cocold nila saakin...

"Tayong tatlo lang ha? wala ng asungot." seryosong sabi ni Kaizer pero kilala ko naman yung sinasabi niyang asungot si Ranz yon.

Hindi kami nagpansinan ni Ranz hanggang sa mag uwian hindi ko nag alam kung bakit siya nagkakaganito eh.

Nagyaya na ko kena Mershy at Kaizer na pumunta na kami sa park kasi gutom na gutom na ko eh...

____________________

And we're here at the park...

"libre na kita Yanna."nakangiting sabi ni Kaizer.

"Sige sinama niyo pa ko eh..."kunyaring nagtatampo si Mershy.

"Eh di...treat ko na kayong dalawa."natatawang sabi ni Kaizer.

At naging masaya naman si Mershy bigla...

Nandito kami sa tusok tusok My favorite hehehe.

Nung nakabili na kami ay umupo kami dun sa parang bench.

Maya maya ay nakita ko si...Ranz

Shet sino yung babaeng kasama niya?

Parang ang sweet sweet nila.

Shite bigla na lang ako umalis at umuwi na ko...

Hindi nila ako nakita at nahabol kasi nabili sila dun sa may malayo.

___________________

Ranz Pov.

Nung makalabas na ko ng school ay nakita ko si Nica...

"Ra-ranz... please bumalik ka na sakin nagmamakaawa ako."naiyak na sabi ni Nica.

Oo Nica mahal pa kita pero... hays

"Anong magbalikan? nasaan na tropa ko ha?" mayabang kong pagtatanong sa kaniya kung nasaan na si Kevin.

"Wala na...iniwan na niya ko Ranz, hindi ako mabubuhay ng wala ka Ranz please gagawin ko lahat para balikan mo ko." nagmamakaawang sabi naman ni Nica saakin.

"I'll give you a second chance pero sana naman Nica wag mo na ulit sisirain yung tiwala ko sayo!" seryosong sabi ko sa kaniya, mahal ko pa siya eh... si Yanna? shw's my friend only and parang si Nica din siya eh... hindi ko minsan maiwasang ipag compare siya. but still...i love Nica.

Pumunta kami ni Nica sa park para kumain muna...

"Alam mo Ranz namiss ko tong mga ganito..." masaya at nakangiting sabi ni Nica...

"Oo nga eh" nakangisi kong sabi.

Bumili naman kami ng tusok tusok

"Yuck... that's so dirty ewww"nadidiring sabi nito sabay turo sa mga strertfoods.

Hayss buti pa si Yanna hindi ganito hindi mapili sa pagkain, walang kaarte arte sa pagkain yun eh basta libre go lang.

Kaya lumipat na lang kami ng lugar kung saan kakain.

Hays kung payat lang si Yanna eh.

Sana maging kaugali ni Nica si Yanna.

So It's You (On-Going)Where stories live. Discover now