Chapter 23
Tahimik kaming kumain at nasira lang yung katahimikan nung nagsalita si Randall.
"Yanna, Klein tapos niyo na ba yung i-rereport niyo?"
"Yeah, pero baka may baguhin pa kami don.." si Klein.
"Kami kasi hindi namin mahanap kung saan yung irereport namin eh hehe"si Randall.
Ramdam kong biglang tumahimik si Anika?
"Nasa libro lahat." Ako.
"Wala nga dun eh.." Si Randall.
'Tss. di ka lang talaga marunong magbasa!'
"Imposible." Ako.
"Diba Anika? wala tayong mahanap?"
"A-Ahh Oo wala nga eh.."
RANDALL'S POV.
Nung matapos kaming kumain ay dumaretso na kami sa room..
"Yanna.."
"Oh?"
"Pwede ka bang pumunta sa bahay mamaya? turuan mo ko sa report, please.."
"Eh!?"
"H-Hindi ka pa naman nakakapunta sa bahay namin eh kaya please"pagmamakaawa ko.
"Sino bang partner mo? si Anika diba!? eh di siya ang isama mo!"
'Wala namang ginawa yun kundi titigan lang si Klein eh!'
"Eh wala namang alam yun eh!"
"Wala din naman akong alam eh, basta naghanap lang kami sa libro.."
"Eh di tulungan mo kong maghanap sa libro"
"Eh!?"
"Please.."
"Ayoko."
"Please.."
"Bahala na."
"Please.."
"Hay naku Randall! ang kulet mo!!"
"Please.."
Hindi niya ko sinagot..
Yanna's Pov.
'Bahala ka sa buhay mo! ano yon kapag may kailangan ka lang.. dun mo lang ako kilala, eh di si Anika ang isama niya! bwiset!'
Dumating na rin yung lecturer namin kaya tumahimik na kami..
DISCUSS.
DISCUSS.
DISMISS
d-.-b
Wala pa rin kaming pansinan ni Randall hanggang ngayon!
'hmp! bahala ka nga!'
"Klein lika na?"
"Sige hatid ulit kita ha?"
"Oo nama-"
"Bawal."si Randall
d-.-b
'Ano nanaman bang problema nito!?'
"Ano bang pakie-"Ako.
"Basta bawal, pupunta si Yanna sa bahay ko kaya ako ang maghahatid sa kaniya."