CHAPTER ONE

96 3 1
                                    

Chapter 1

Ako lang.

First Day of School namin ngayon at... hindi pa rin maalis sa isip ko kung what if pagpasok ko sa school ang dami kong haters agad? paano pag bawal na ko sa school na yon dahil sa ginawa ko kay Ranz? huhu.

Nagpahatid na ko dun sa driver namin papunta sa school...

Nakita ko na agad sila Meecy at yung tropa niya na mga GGSS.

Pagkababa ko ay mabilis na kong pumunta sa room ko na naka assign saakin at buti na lang at nakita ko agad yun para makatakas ako sa mga monster na yon.

Buti na lang at nakapasok ako agad.

Umupo na ko dun sa bakanteng upuan.

"Ano ba yan Miss hindi ka kasya, kailangan mo ata ng dalawang upuan para magkasya ka!"irita at inis na sabi nung babaeng katabi ko.

Inirapan ko na lang yon kasi first day na first day sinisira ang araw ko.

Narinig ko sa labas na may pinagkakaguluhan kaya nagearphones na lang ako.

Nung makalipas ang ilang sandali ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko, i mean nakipag palitan ata siya don sa babae na maarte kanina.

Hindi ko tiningnan yung nakatabi ko, bahala siya!

Naramdaman kong may nangangalabit saakin kanina pa pero hindi ko pinapansin.

Pero nung isa niya pang kalabit ay nainis na ko kaya hinarap ko na siya.

"Ano bang proble-"sabi ko pero hindi ko na napagpatuloy kasi... si Ranz pala yun, napatungo na lang ako bigla dahil sa kahihiyan.

"Hoy Taba!" pagtawag niya saakin.

Aba bahala siya may pangalab ako na chat niya nga ko eh tapos 'taba' ang tawag sakin eh hindi naman yun yung name ko sa facebook duhhh!

"May atraso ka pa sakin ha alam mo bang nasira ako dahil sayo."mayabang na sabi ni Ranz.

Hay naku para matapos na nga yung problema na to.

"Sige na sorry na..."naiinis at pilit kong sabi sa kaniya.

"Wow ha? sorry is not enough, kailangan mong sundin yung sasabihin ko."sabi niya habang nilalapit yung mukha niya saakin.

"kapal naman nito." bulong kong sabi and i rolled my eyes.

"Anong sabi mo!?" saad nito at nilapit pa konti yung mukha niya saakin.

"Ay hindi wa-wala, sige na ano ba yon!?" naiirita kong sabi at parang naiinis na nagkamot ng ulo.

"Be my slave for 3 months."

dafaq?! "Ayoko nga!" galit kong sabi.

"Eh di okay... basta walang magtatanggol sayo kapag nandiyan na sila Meecy ha? narinig ko pa naman na may plano sila sayo, bahala ka."sabi nito sabay talikod saakin.

"Ahh..eh... anong plano nila?" nauutal kong sabi, kasi baka pumayat ako sa gagawin nila Meecy jusko sayang yung pinakamamahal kong fats.

"Secret, say yes muna...be my slave" nilapit niya nanaman yung mukha niya mukha ko jusko

"Oo na, pe-pero bakit mo ba kailangan ng slave?" pagtatanong ko sa kaniya kasi ang daming nagkakagusto sa kaniya eh bakit ako pa!? yung mataba pa.

"Wala lang yun lang naisip ko para mabayaran mo yung kasalanan mo saakin." saad nito sabay kindat.

"Eh hindi ko naman kasi po kasalanan na sagutin ka po dun po sa mall kasi po ang laki laki ng daanan dun eh tapos po sa dadaanan ko pa po kayo dumaan" saad ko at paglilinaw ko sa kaniya, like duh hindi ko kailangang pagbayaran ang hindi ko naman kasalanan.

"Eh sino ba nababash ngayon?"
sabi nito saakin.

Hindi ako sumagot and i rolled my eyes...."Start na ngayon ha" sabi nito.

"What!? ngayon na agad ang bil-"naputol na yung sasabihin ko nung nilagay niya sa labi ko yung index finger niya. "No explanation..."saad nito at nilagay ang earphones sa tenga at nagbasa, oh? mahilig din pala siyang magbasa.

Maya maya ay nagsimula na yung klase namin blahh...blahh...blahh

_________________

Tapos na yung klase namin and nakita kong wala na si Ranz, naku bakit ko ba yun iniintindi bahala siya basta ako kakain na lang sa vendors sa labas omg I'm so excited.

"Bessy halika na, nagugutom an ko eh bilis!" pagmamadali ko na saad kay Mershy kasi ubod ng bagal kumilos eh.

Nung tapos na siyang mag ayos ng gamit ay lalabas na sana kami ng biglang humarang si Ranz sa pintuan.

"Oy tabi." simpleng sabi ko, pupunta na ko sa kanan para makalabas na pero pumunta rin siya sa kanan, pumunta ako sa kaliwa tapos kumaliwa din siya hutek "Oy! ano bang problema mo!?" sabi ko na naiinis kasi ganon ako pag gutom na.

"Oh? kanina lang natin napagusapan diba? bilis mo namang makalimot Ms.AngryPiggy" nangiinis niyang sabi. Grrr... ginigigil ako nito ha!

"Mamaya na! kakain muna ako nagugutom na ko eh!"irita kong sabi kasi ahhh!! nakakainis.

"Tapos? halika na kakain tayo!" sabi niya sabay hawak ng kamay ko at tumakbo, shite alam namang mataba ako tapos pinapatakbo pa ko.

"Oy saa-saan ba tayo pu-pupunta?!" hinihingal kong sabi.

"Diba nagugutom ka? eh di dun tayo sa Mcdo kakain." nakangising sabi niya saakin, nawala naman yung pagod ko nung narinig ko yung Mcdo! Whaaa favorite ko don, hindi na ko nagreklamo kasi anuba! pagkain na eh tatanggihan pa ba!?

Maya maya ay nakarating na kami sa Mcdo and umupo muna kami bago umorder.

"Oh? Umorder ka na Ms.AngryPiggy tsaka i-order mo na din ako ng Chicken fillet wity fries." saas nito sabay kindat saakin, aba! ang kapal talaga ng mukha nit-, ay slave nga pala ako hutek naman oh!

"Sige po Mr.Yabang." sabu ko sa kaniya at pumunta na ko sa counter.

"Ate dalawa pong Chicken fillet with fries tapos yung isa pong Chicken fillet with fries ay gagawin pong meduim, tapos Mc Flurry po isa and spaghetti po" sabi ko dun sa crue and binayaran ko na din.

Sinubukan kong tawagin si Ranz para tulungan ako sa pagbibitbit pero busy sa phone niya hay naku.

"Ay miss tulungan na kita saan ba yung table mo?" sabi nung lalaki, omg ang pogi niya, maputi, at mukhang gentleman not like Ranz.

"Ay hindi na kaya ko na-" nahihiya kong sabi kasi jaya ko naman basta babalik pa ko para sa pangalawang tray.

"ay hindi okay lang" kinuha niya yung isang tray ay sinundan niya ko.

Nakita na ko ni Ranz at yung mukha niyang seryoso ay naging magsalubong yung mga kilay niya, binaba na niya yung tray "Thank you" nakangiti kong saad dun sa lalaking pogi.

"Bakit hindi mo ko tinawag?" saad ni Ranz at magkasalubong pa rin yung mga kilay niya.

"Ay Sir tinatawag po kita sadyang busyng busy ka lang po diyan sa cellphone mo." sabi ko.

"May isang rule ako, bawal kang lumapit o makipag usap sa mga lalaki kapag hindi mo pa kilala, or dapat ako lang!" sabi nito saakin.

So It's You (On-Going)Where stories live. Discover now