Chapter 12
Okay na kami.
Ilang weeks na rin ang makalipas nung lumipat ng school si Nica at hindi pa rin ako pinapansin ni Ranz until now...
One month na lang naman tapos na yung kontrata ko sa kaniya... matatapos na rin pagiging alipin ko sa kaniya, pero parang wala din naman yun eh... kasi busy naman siya kay Nica kaya wala ng pansinan parang wala na eing slave slave na yan.
Nandito ako ngayon sa room nagiisa kasi nagpabili na lang ako ng pagkain kena Kaizer at Mershy.
Nasaan sila? nandun sa likod nagsweesweet-sweetan...
Ranz Pov.
Hanggang ngayon wala kaming pansinan ni Yanna.
Natuon na kasi yung oras ko kay Nica.
Hindi na siya nakain ng recess? kasi nandito pa siya sa room eh...
"Babe naging kayo ba niyang matabang yan!?" biglang tanong saakin ni Nica na kinagulat ko naman, I think kailangan ko ng burahin yung feelings niya saakin.
"Ha!? si Yanna ba!? Yuckkk hindi naging kami babe! tsaka wala akong balak na magustuhan yan! alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba!?" malakas kong sabi... pero bakit parang nakonsensya ako bigla sa sinabi ko.
Nakita ko namang napatingin bigla si Yanna nung binanggit ko yung pangalan niya pero bigla din naman siyang umiwas.
Ayoko na kasi siyang masaktan pa lalo sa tuwing magkasama kami ni Nica...
"Babe grabe ka naman baka masaktan mo yung matabang yon" natatawang sabi ni Nica.
Lumabas muna ako ng room at naglakad lakad.
"Wait Ranz can we talk?" nung nakasalubong ko si Mershy ay seryosong sinabi niya saakin.
"About what?" simpleng tanong ko naman, pero alam ko naman na about kay Yanna yon eh.
Umupo muna kami sa upuan malapit sa canteen...
Kasama niya pala si Kaizer non "Kaizer pakibigay na lang to kay Yanna ha? sabihin mo susunod na lang ako, pero please don't tell na kinausap ko tong lalaking to ha?" pagbubulong niya kay Kaizer but actually hindi bulong kasi rinig ko naman.
"Okay...a-about kay Ya-yanna..." malungkot niyang sabi.
"Anong meron don?" seryosong tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim skaa nagsalita "She likes you, she wants you, She lo-loves y-you" kinakabahang saad niya saakin.
"i know." simpleng sabi ko at tumingin naman ako sa malayo.
"Alam mo bang lagi siyang naiyak because of you? sana naman kung maglalandian kayo ng Ni-nica na yan wag sa harapan niya." galit at seryosong sabi niya saakin.
Yes, she's right kasi parang nananadya si Nica eh... sa tuwing dadaan sa harapan namin si Yanna kunyari lalambingin ako ni Nica...
"Sorry..." malungkot kong sabi.
"Is your sorry is enough Ranz? nasaktan mo yung bestfriend ko at alam kong wala siyang karapatang magselos kasi walang kayo pero sana naman nung una pa lang hindi ka na kunyaring nadulas na mahal mo siya at higit saa lahat sana hindi ka nagpakita ng motibo!" galit na galit na sabi saakin ni Mershy.
Pagkasabi niya non ay wala akong masabi kaya umalis na siya.
Siguro nga masyado kong nasaktan si Yanna...
I think I need to say sorry for everything...
Pumunta na ko sa room at nakita ko namang nakain si Yanna at katabi niya si Kaizer, tapos si Mershy naman masama ang tingin saakin...
"Ahmm...Kaizer pwede palit muna tayo ng upuan? kahit ilang minu-" hindi ko na napagpatuloy yung sasabihin ko kasi nagsalita na agad si Yanna.
"No dito ka lang Kaizer."pagpipigil nito kay Kaizer.
"Hindi Yanna... sorry pero siguro kailangan niyo ng mag usap."seryosong sabi ni Kaizer sabay punta sa upuan ko.
Umupo naman na ko sa tabi ni Yanna...
Huminga ako ng malalim bago nagsalita "Yanna... sorry for everything, Oo aaminin ko nafall na ko sayo noon pero... nung binalikan ako ni Nica lahat ng feelings ko sayo biglang nawala at napunta kay Nica eh, sorry Yanna."malungkot na sabi ko, dinaretsa ko na siya pero... habang sinasabi ko yun ay bigla na lang tumulo yung mga luha niya.
"Sorri din Ranz ha? siguro yung tingin mo saakin na kaibigan lamang ay masyado kong sineryoso, tsaka... alam ko namang si Nica pa rin ang laman niyan eh" sabay turo niya sa puso ko tapos natatawa soya pero alam kong peke lang ito "Sorry naging tanga ako tsaka... syempre ang layo layo ng itsura ko kay Nica eh haha ang taba taba ko kaya" natatawang sabi nito.
"No, hindi naman lahat ng lalaki sa panlabas natingin eh..."nahihiyang sabi ko.
"Ahh yung iba lang pala."napakamot ng ulo na sabi ni Yanna.
"Oh? Sigeee na hinihintay ka na ng jowa mo." biglang sabi niya kaya napatingin naman ako kay Nica na inis na inis na...