Chapter 8
Inlove.
Nung natapos ang klase ay saka ako nag thank you at nagsorry kay Ranz...
"Ahmm Ranz Sorry at Thank you ha?" nahihiya kong sabi sa kaniya at bigla niya naman akong tiningnan.
"For what?" simpleng tanong niya, luh? ulyanin na agad? eh may bakas pa nga sa mukha mo eh.
"Yung kaninang nangyari..."sabi ko sa kaniya.
"Ahh... wala yon lika na" pag aaya niya saakin at nagtaka naman ako kung saan kami pupunta.
"Sa-saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Sa bahay..."simpleng sagot niya sa tanong ko.
"Ha!? anong gagawin natin dun ha!?" wait... sa boses ko parang ang defensive ko ata.
"Naku Yanna... nandon si Halley diba sabi mo babalik ka? wh pinapabalik ka na nun ang kulit kulit nga eh" inis na sabi saakin ni Ranz at hinila ako bigla.
Hindi na tuloy ako nakapag paalam kay Kaizer kasi bigla bigla na lang tong nanghihila...
Shite nakatingin sila Meecy saamin.
"Ooppss... what the heck!" biglang sabi ni Meecy nung nasanggi ko siya, ang OA naman nito.
Kaya napatigil naman si Kaizer at ako.
"Omg! napakataba kasi eh...ahh!! ang mahal mahal pa naman nitong damit kong to!" maarteng sbai ni Meecy sabay sabunot saakin.
At nakita ko anmang pinipigilan ito ni Ranz.
"Hoy Meecy tumigil ka nga! ako ang may kasalanan! ako ang ganyanin mo, tsaka don't you dare to touch my Girlfriend!" galit na galit na sabi ni Ranz at sabay hinila na ko papunta sa sasakyan niya.
Wala akong kibo sa sasakyan...
Nasira lang yung katahimikan nung nagsalita Ako.
"Bakit si-sinabi mong gir-girlfriend mo ko?" naiyak kong sabi.
"Wala, para matigil na yung babaeng yon." simpleng sabi niya saakin.
"Sana nga maging totoo yon eh."bulong kong sabi.
"Anong sabi mo?" biglang parang naging curious ung mukha ni Ranz, shite sana hindi niya narinig.
"Ah...ehh wala sabi ko gusto konng makita si Halley" nakangiti kong sabi at pinunasan na yung mga luha ko.
Maya maya ay nandito na kami sa bahay nila Ranz at pumasok na kami.
_____________________
Ranz Pov.
Hindi ko napansin sa sobrang laki ni Yanna ay may nabangga na siya, at yung lokang lokang babae saakin pa yon.
"Ooppss... what the heck!" biglang sabi ni Meecy nung nasanggi siya ni Yanna, ang OA talaga kahit kailan eh. tsk!
Kaya napatigil naman ako.
"Omg! napakataba kasi eh...ahh!! ang mahal mahal pa naman nitong damit kong to!" maarteng sabi ni Meecy sabay sabunot shite sinasabunutan niya na si Yanna, kaya pinigilan ko agad ito kasi ayokong may nananakit kay Yanna.
"Hoy Meecy tumigil ka nga! ako ang may kasalanan! ako ang ganyanin mo, tsaka don't you dare to touch my Girlfriend!" galit na galit na sabi ko at sabay hinila ko na si Yanna papunta sa sasakyan ko.
Wala akong kibo sa sasakyan...
Nasira lang yung katahimikan nung nagsalita siya...
"Bakit si-sinabi mong gir-girlfriend mo ko?" naiyak niyang sabi, shet ayokong nakikita siyang naiyak.
"Wala, para matigil na yung babaeng yon." simpleng sabi ko but deep inside I'm so concern gusto ko punasan yung nga luha niya.
"Sana nga maging totoo yon eh."bulong niyang sabi, actually hindi yun bulong kasi narinig ko pa by the way... sana nga
"Anong sabi mo?" pagmamaang maangan kong tanong na kunyari ay hindi ko narinig.
"Ah...ehh wala sabi ko gusto konng makita si Halley" nakangiti niyang sabi sabay pinunasan yung luha niya, yan lalo kang gumanda Yanna.
Nandito na kami tapos pumasok na kami sa bahay ko.
Sumalubong saamin si Halley na tuwang tuwa.
"Hello baby Halley!!" nakangiting salubong ni Yanna.
"Hi Ateeee! namiss kita" masayang salubong naman ni Halley kay Yanna.
"Ate dun tayo sa kuwarto ko! lets play!" maligalig na pagyayaya ni Halley kay Yanna.
"Sure!" sabi naman ni Yanna at sabay silang pumunta sa kuwarto ni Halley.
Pinabayaan ko na muna silang mag laro dun at nanood muna ako ng t.v.
_________________
Yanna's Pov.
Nandito na kami ni Halley ngayon sa kuwarto niya.
"Ate alam mo ba ikaw yung pangalawang dinala ni Kuya dito pero yung una hindi ko ka close eh kasi monster siya, pero malay ko ba inlove na inlove pa din si kuya don!" pagkukuwento naman saakin ni Halley.
Ha? may naging GF na siya... akala ko pa naman ako yung una niyang dinala dito.
"Baby sino naman yun?" nakangiti kong pagtatanong.
"si Ate... ahmm?? si Ni..Nica! opo yun Nica nga!" sabi niya naman saakin.
"Ahh sigeee pano mo naman nasabi na inlove na inlove yung kuya mo sa kaniya?" pagtatanong ko kay Halley, wala lang curious lang ako.
"Hindi ko nga din po alam eh kuya is blind hahaha"tawang tawang sabi ni Halley.
Tumango na lang ako at naglaro na kami.
*tok tok tok* "Yanna and Halley baba na kayo nagluto ako ng miryenda" nakangiting pagyaya ni Ranz saamin.
"Wow kuya is it Carbonara?" excited na tanong ni Halley sa kaniya.
"Oo baby..."nakangiting sabi nito at lumabas na kami.
Kumain na kami and wow ang sarap pala magluto ni Ranz.
"Wow sarap mo palang magluto"nakangiti kong sabi habang kumakain ako.
"Oo naman Ate ito specialty ni Kuya eh tsaka ngayon na lang ulit siya nagluto, I think it's because of you, ayieeee" natatawang panunukso saamin ni Ranz.
Kaya nagkatinginan na lang kami habang natatawa.
Natapos yung araw na yon ng masaya kami at nung nagpaalam na ay hinatid na ko ni Ranz...
Naisip ko tuloy about dun sa Nica... haysss nainlove na pala si Ranz noon.