Mikaela San Diego
Nakasulat ang pangalan ko sa isang foster..at hawak- hawak yun ng isang babaeng hindi nalalayo ang edad sa akin.
Lumapit ako sa kanya at nagpakikilala..nabigla pa sya ng lumapit ako.. baka akala niya holdaper ako.. nakatabon kasi ang
Kalahati ng mukha ko.. parang kagaya sa mga muslim.. hindi ko kasi alam kung anong tawag dun.Pagkatapos kung magpakilala sa kanya.. umalis na kami at pumunta sa tinutuluyan niyang apartment..
"Pasensya ka na sa bahay ko mik..maliit lang at medyo magulo..
Sabay ngiti niya sa akin."Ano..! ka ba.. ayos lang mae.ganitong ganito nga din ang bahay namin. Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito.
Nginitian ko rin sya..hindi namn ako maarte pareha lang kasi ang estado namin sa buhay..
ang pangalan niya ay
Maelyn Santos.. isa sya sa mga pamangkin ni aling linda.. at nasabi na din sa akin ni aling linda na mag-aapply din si mae bilang katulong..kagaya ko.. highschool lang ang natapos ni mae." tanggalin muna yang takip mo sa mukha mik..alam mo bang natuwa ako ng sinabi ni nanay linda na may kasama ako..
Tinanggal ko na ang tela na tumatakip sa mukha ko.
Gaya nga ng sinabi niya.. napasinghap pa siya ng makita ang mukha ko. Napatawa pa ako sa expression ng kanyang mukha..nakanga-nga at nanlalaki ang maliit niyang mata..
hahaha😂😂
Ang cute niya tuloy pagmasdan.."Bakit ganyan ang mukha mo.. para kang nakakita ng multo..sabi ko habang tumatawa
"Eh!! Papasa kang artista mik..!! Ang ganda mo..
Patiling sabi niya..Napangiti na lmang ako sa sinabi niya.. marami naman kasi sa amin ang nagsasabing maganda ako..hindi ko na lamang iyon pinapansin..
"Salamat sa papuri mo mae.. alam mo naman kung ano ako.. at isa pa..mas gustuhin ko na lamng maglinis at magtago sa sulok kaysa makita ako ng buong mundo.
"Sayang ka talaga mik.. kung magiging katulong kalang..pwede ka naman maghanap ng maging boyfriend na mayaman..
Hagikgik na turan niya.Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Trabaho ang hinahanap ko at hindi kasintahan.. wla pa sa isip ko yan nuh!.."Hahaha tama ka jan... kahit gaano pa tayo ka diyosa.. hindi dapat tayo ang naghahanap.!!. sila ang dapat maghanap sa atin.!!.. sabay tawa niya..
May sira din pala tong isang to!.. 😊😊
" o sya!! Magpahinga kana muna.. at bukas na bukas pupunta na tayo sa agency.
"Maraming salamat mae.. ikaw din..magpahinga ka na rin.
Pumunta na ako sa isang kwarto na tinuro niya sa akin.. naglinis at nakabihis na din ako..
Nakahiga na ako at hinahawakan ang kwentas na ibinigay pa ng aking itay noong bata pa lamang ako.. namimiss ko na tuloy sila inay at ang kambal..
Napahinga na lamang ako sa aking mga naiisip.. kailangan kong pagbutihan ang aking pag tatrabaho para sa kanila..
Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan.
A/N:
#PLEASEVOTE
#COMMENT(POSITIVE OR NEGATIVE)no hard feelings😊😊
BINABASA MO ANG
Beauty Behind The Mask
RomanceEveryone has a different stories, different struggles in life, different opinions, and some of them are jugmental in just one look. But they don't know every face has a different BEAUTY BEHIND THE MASK. A/N: Ang kwento pong ito ay galing lang sa is...