BBTM 4

412 18 0
                                    


Ito na ang araw nang pag alis ko.

Yumakap ako kanila inay at sa mga kapatid ko sa huling pagkakataon.. sa dalawang pong taon ko.. ito ang araw na mapapalayo ako sa kanila..

"Anak .. naa na ang traysikel nga maghatod sa imu sa terminal.
(Anak..nandito na ang traysikel na maghahatid sayo sa terminal.)
Umiiyak na naman sila inay at ang kambal.. ayokong sumama sila sa paghatid sa akin.. at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hindi tumuloy at iwan sila..

"Anak mikmik.. ayaw pasagdia imng kaugalingon hah! Mo tawag ka sa akoa dria.. ayaw pagsugot nga apiapihun ka digtoa.. laban gyud anak..
(Anak mikmik.. wag mong pababayaan ang sarili mo.. tatawag ka sa akin.. wag kang papayag na apipihin ka dun..laban lng anak..)
Napangiti ako sa sinabi ni inay..

"Ayaw kabalaka nay.. dumdumon na naku na tanan.
(Wag kang mag alala nay.. hindi ko makakalimutan lahat ng yun.)

"Ok..nak.. naa koy salig nmu..
Lakaw na basin ma byaan ka sa byahe.
(Ok nak.. meron akong tiwala sayo.. lumakad kana at baka maiwan ka sa byahe)

Bago ako umalis ay hinarap ko muna ang mga kapatid ko na umiiyak na naman..

"Ate!.. sabi nina rica at rico.

"Ayaw namu ug hilak.. kadtong ingon naku.. dli ninyo pasagdan si nanay ug dli ninyo pasagdan ang usat usa..i promise na sa akua.
(Wag na kayong umiyak.. yung bilin ko.. hindi ninyo pababayaan si nanay at wag nyo din pababayaan ang isat isa.. i promise nyo yan sa akin)

Hindi ko na napigilan at umiyak na rin ako.. pero kailangan kung maging matatag para sa kanila.

"Opo ate.. promise na.

Ngumiti ako sa sinabi nila..at sumakay na ako ng traysikel kumakaway kami sa isat isa hanggang sa hindi ko na sila nakita pa.

NAKASAKAY na ako ng bus..inaalala ko ang sinabi ni aling linda sa akin.

Flashback

"Aling linda si mikmik ni.
(Aling linda si mikmik po to).

"Oh mik.. sulod ngari dri.
(Oh mik.. pasok ka dito.)
Tumuloy na ako sa bahay niya.. maganda ang bahay ni aling linda kahit maliit maaliwalas at malinis..

"Nag anhi ka dria para sa trabaho nga akong giingon nimu?
(Nagpunta ka ba dito para sa trabahong sinabi ko sayo.?
Diritsong tanong ni aling linda sa akin.

"Opo aling linda.. pero bag o naku na dawaton.. mangutana lang kl kung unsa na nga trabaho.
( opo aling linda.. pero bago ko po kunin.. gusto ko lang malaman kung anong klaseng trabaho yan.

Sinabi ni aling linda kung anong klaseng trabaho ang papasukin ko. Napabuntong na lamang ako.. wla akong dapat i reklamo dahil sa wla nman akong natapos sa pag aaral.

Kapag naaalala ko kung ano ang magiging trabaho ko parang gusto ko tuloy bumalik sa probinsya.. pero andito na to at hindi ko na ito aatrasan pa..

Ang trabaho ko ay maging utusan, katulong, muchacha, o sa madaling salita MAID.. tama! Magiging katulong ako.. at kailangan ko munang dumaan sa agency kung saan sila ang kumukuha ng mga aplikante.. pero dahil kay aling linda.. madali nalang at pupunta lang ako doon para malaman ko kung saan ako magtatrabaho..

Nakaidlip ako dahil sa mga pinag iisip ko kanina.. mahaba habang oras din ang naitulog ko at mukhang malapit na kami sa maynila..tumitingin din ako sa labas.. at nakikita ko na ang mga nagtataasang mga gusali, napakaraming sasakyan at mukhang na traffic pa kami dito..

" ano ba naman tong maynila.. sobrang traffic naman.. kung kailan magmamadali tayo.. kainis..

Narinig kung sabi ng babaeng nakaupo sa likod ko..
sobrang traffic nga.. pero wla rin naman syang magagawa.. kami.. kundi maghintay kung kailan uusad tong mga sasakyan..
Hayyyy... kaya nga ayoko dito sa maynila bukod sa traffic hindi pa malinis ang hangin dahil sa raming mga nagtatayuang mga building at mga factory.
Sa probinsya malalanghap mo talaga ang simoy ng hangin.. hindi kagaya dito na nakaka suffocate pag nilalanghap mo.. pati mga pasahero umusok na sa inis..

"Tumahimik ka nalang aya..wala ka rin namang magagawa.

Sabi ng babaeng katabi niya..AYA yata ang pangalan ng babaeng reklamo ng reklamo kanina pa.

"Tsk!.. wag mo nga akong pagsabihan kate parang hindi ka nagrereklamo kanina pa!.

"Atleast pabulong naman yun sa akin..hindi malakas..hindi gaya sayo!..nakakahiya sa ibang pasahero.

Sabi naman nung kate..
Mukhang nagtatalo na sila..
hayyy.. mas mabuti kung tumahimik nalng sila.. mas lalo lang silang nakakadisturbo sa iba. Hindi naman ako chismosa ang lakas lang talaga ng boses nila.

Mabuti naman at tumahimik na sila.. pinagsabihan kasi sila ng ibang pasahero.

Paglipas ng ilang oras

Salamat naman at nakarating na din sa wakas.. ang sakit mg pwet ko kakaupo.. ganun pala talaga yun pag ang tagal mong nakaupo mainit na mahapdi..😊
Kinakabahan ako sa totoo lang..ito kasi ang unang pagpunta ko sa maynila.. pero sabi nga ni inay.. hindi dapat ako magpapahalata na galing akong probinsya at first timer palang..dahil marami daw manloloko sa panahon ngayun at baka maloko ako ng mga manloloko.. nakapunta na kasi si inay dito sa maynila noong dalaga pa siya..
Ang daming tao dito sa terminal tumitingin tingin din ako sa mga tao.
hinahanap ko kasi ang magsusundo sa akin dito pamangkin siya ni aling linda..

Mukhang siya na iyun!!!

Mikaela San Diego


Beauty Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon