Mikaela's P.O.V:
Nandito na kami ngayon sa kwarto namin ni Mae dahil sa gabi na ay nakahiga na kami sa bawat kama namin.
Naalala ko pa ang dati kapag nandito na kami sa kwarto namin ay hindi pa kami matutulog kahit na marami pa kaming gagawin pagkabukas.
Nagkukwentuhan pa kami ng kung ano-ano, magkukulitan, magtatawanan pero ngayon para kaming hindi magkakilala.
Ang daming nagbago ng unang dumating kami rito ay may maririnig ka pang nagbabangayan sa pasilyo, nagtatawanan kahit palihim lang, nagkakapikunan kahit na maliit na bagay lang.
kagaya nila Camel At Mae noon.
At mas lalong naging mahigpit si Madam Cons sa amin lalong lalo na kapag may kinilaman sa labas kaya minsanan na lamang kung makakatawag ako sa pamilya ko.
Ako lang ba ang walang alam sa mga nangyayari
Tumingin ako sa kay Mae dahil may gusto akong itanong sa kanya hindi ko alam kung gising pa siya o tulog na dahil nakatalikod siya sa'kin.
At hindi ako sanay na tahimik siya.
"Mae gising ka pa ba?"
Tawag ko sa kay Mae at baka sakaling gising pa siya.
Ng dumaan ang ilang minutong hindi siya sumagot ay hinayaan ko lamang at baka tulog na nga siya.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata pero mag iisang oras na ay hindi pa rin ako makatulog.
Ididilat ko na sana ang mga mata ko ng may maramdaman akong papalapit sa pwesto ko dahil na rin sa yabag ng bawat hakbang niya.
Umupo ito sa tabi ng kama ko at kikilos na sana ako ng marinig ko ang boses ni Mae.
Kaya nagtulog-tulogan ako at pinakiramdaman ang bawat kilos niya.
"BFF Gu-gusto ko mang sabihin sa iyo ang mga nalalaman ko sa impyernong bahay na to pero natatakot ako... natatakot akong may malaman ka mas mabuting wala kang alam para maging ligtas ka para na kitang kapatid at ayaw kung mapahamak ka.."
Nagulat ako sa mga sinabi ni Mae sa'kin.
at dahil sa hindi naman niya ako makita dahil sa nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya napansing gising ako at narinig ko lahat ng sinabi niya.
Umalis na ito sa pagkakaupo sa kama at Inayos niya ang pag kakakumot sa akin kayabhindi ko mapigilang tumulo ang luha ko para na ring kapatid ang turing ko sa kanya at ayokong mapahamak rin siya.
Naalala ko ang lahat ng sinabi ni Madam Constancia sa amin ng bago palang kami rito na maging pipi at bingi kami kung ano man ang nasa bahay na ito.
Ito na ba.... ito na ba ang sinasabi ni Madam sa amin at ni Ma'am Helen na binawalan nila kami.
At ito rin ang naging dahilan kung bakit maraming nagbago.
Hindi na dapat ako magtaka kung bakit ang iba masyadong tahimik dahil sa matagal na silang naninilbihan rito.
Pero si Mae... may alam na siya.. Kaya alam kung dilikado ngayon ang buhay niya.
Bumangon ako sa pagkakahiga at lumapit sa kanya.At sinigurado kung tulog na siya... dahil sa malalalim na ang paghinga nito.
"Ayoko ring mapahamak ka Mae"
Bulong ko rito at agad akong lumabas ng pinto.
dahil sa nauuhaw ako kaya ako lalabas para kukuha ng tubig.
Nang makarating ako sa kusina ay agad akong kumuha ng tubig dahil sa kanina pa talaga ako nauuhaw.
Wala na talagang gising dahil sa malalim na ang gabi.
at madilim pa ang buong paligid.
Nang Palabas na ako ng kusina dahil nga sobrang laki nito ay hindi pa ako nakakarating sa may pintuan ng may mga naririnig akong mga yapak ng paa.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman sobrang kinakabahan ako ngayon at pinagpapawisan ng marinig kung papalapit ang mga yabag dito sa kusina ay agad akong nagtago sa ilalim ng mesa bukod sa malaki ang mesa ay may tela naman ito at madilim rin naman kaya kompyansa akong hindi ako makikita.
Diyos ko tulungan niyo po akong hindi makita ng kung sino mang mga taong naririto.
Nang bumukas na ang pintuan ng kusina ay tuluyan nang pumasok ang mga taong may ari ng mga yabag ng paa.
Dahil sa may Kunting pagsisilipan naman ay dahan-dahan akong sumilip kung nasaan sila...
Nalaman kung lima silang lahat pero ang nagpagulat sa akin ay may tao silang bitbit at duguan hawak ito ng dalawang lalaki at sa likod naman ay ang dalawa pa..
Nakakatakot silang lahat... lahat sila ay may awrang hindi ko maintindihan ang bigat sa pakiramdam.
Mabuti na lang at Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil sa nakatalikod sila sa'kin at may kadiliman rin dito sa kusina.
Binitiwan ng dalawang lalaki ang lalaking duguan at mukhang may hinahanap sila sa likod ng napakalaking Painting dito sa kusina.
Mas lalo pa akong nagulat ng nahati sa dalawa ang Painting at may pintuan ito sa loob.
Binuksan ito ng isang lalaki at tumambad sa'kin ang hagdan na pababa... at agad na pumasok ang dalawang lalaki at binitbit ang dugaan pang lalaki na alam kung buhay pa ito dahil sa umungol ito sa sakit.
At sumunod na rin ang pangatlong lalaki bago pa pumasok ang pang apat na lalaki
ay tumingin ito sa may gawi ko.
At tuluyan na itong pumasok sa loob at sumunod sa tatlo pa nitong kasama
Na-nakita niya ba ako...
Nanghihinang turan ko.
♡♡♡♡♡
Sana nagustuhan niyo????
BINABASA MO ANG
Beauty Behind The Mask
RomantikEveryone has a different stories, different struggles in life, different opinions, and some of them are jugmental in just one look. But they don't know every face has a different BEAUTY BEHIND THE MASK. A/N: Ang kwento pong ito ay galing lang sa is...