BBTM 9

372 15 0
                                    


Third Person P.O.V:



Sa isang malawak na silid ay may mga taong nagpupulong... sila ay binubuo ng labing isa, ngunit lahat ay tahimik.

takot silang basagin ang katahimikan kung ano man ang nasa loob ng silid na iyon.

Dahil may isang taong mas nangingibabaw sa kanilang lahat..pinaka maimpluwensyang tao, pinaka kinatatakutan, pinaka delikado, pinaka masama sa mga masasama, lahat ng makikita mo ay nasa iisang tao lamang.. hindi mo nanaisin ang makaharap o makasama sa isang lugar o di kaya ay langhapin ang hangin na nilalanghap rin niya.

" Speak!!"
Mahinahon at punong-puno ng puot, at lamig
sa isang taong nakaupo at nakapikit..

Isang salita pero ang salitang iyon ay nagdulot ng matinding takot sa mga taong nakarinig.

Lumapit ang taong takot na takot at nanginginig..

"M-my- lo-.."

hindi na natapos ng lalaki ang kanyang sinabi ng umalingawngaw ang isang putok ng baril at diretso itong tumama sa noo ng lalaki.

Agad itong nawalan ng buhay. Walang sino man ang nagtangkang umapila sa nangyari lahat takot at nanginginig sa loob ng silid na iyon..

" I don't want to repeat of what I said...!!"

Sabi nito sa sobrang lamig sa mga taong kasama niya sa silid na iyun!. Tumayo na ito sa kanyang kinatatayuan.

Isa lang ang ibig sabihin na yun!!

Ang pagpupulong ay tapos na!!..

Lahat ng taong nasa loob ng silid ay parang nabunotan ng tinik sa kanilang mga lalamunan..

" Hes very scary.. so, DAMN SCARY."

sabi ng kasama nila sa loob ng silid na yun.. lahat ay sumang ayon.. pagka't iyon ang nakikita nila hanggang ngayun nanunuot parin sa kanilang katawan kung gaano ito kinatatakutan.

Lahat ay abala sa kani kanilang gawain. Lahat ng kilos ay kalkyulado ng bawat isa.. mabilis ngunit malinis.

" Mik anong nangyayari..? Bakit lahat natataranta?"
Tanong ni Mae sakin kahit ako ay natataranta na rin...

" ano ka ba! Wag mo akong tatawagin ng ganyan pag nasa labas na tayo ng ating kwarto.. wag mong kalimutan ELA! Ela ang itawag mo sakin LYN.."

Lyn naman ang tawag ko sa kanya...

"Oo na ELA!! To naman.. masyadong seryoso pero, balik tayo sa tanong ko.. bakit sila nagmamadali?

" ANO BA KAYO!! BILIS-BILISAN NIYO ANG KILOS NIYO WAG KAYONG BABAGAL BAGAL.. !!
Rinig naming sigaw ni madam Cons... pati siya ay aligagang aligaga..

"Tara na lyn.. bago pa tayo mapagalitan..! sa tanong mo naman.. hindi ko rin alam.. kaya Tara na!!.."

Matapos namin malinis ang bawat sulok ng loob at labasnay pinapila kami ni madam Cons dahil may sasabihin ito sa amin.

"MAKINIG ANG LAHAT... ! NGAYONG ARAW NA ITO AY PUPUNTA ANG AMO NATIN..
GUSTO KONG I WELCOME NATIN SIYA.. LALONG LALO NA SA MGA BAGONG NANINILBIHAN DITO.
"WELCOME HOME MY LORD"
ANG SABIHIN NINYO.!!
ALAM NIYO NAMAN KUNG PAANO SIYA MAGALIT..!! KAYA NAMAN MAG-INGAT KAYO SA BAWAT KILOS NIYO!.. NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO!?"

"OPO!!MADAM CONSTANCIA"
Sabay-sabay naming sagot kay madam Cons.

Sa mga sinabi ni madam Cons.. mukhang nakakatakot nga ang amo namin.. bukod sa sinabi ni madam.. makikita mo rin ang takot at kaba sa mga taong nandito.. at napansin ko rin na mas lalong dumami ang mga gwardya sa paligid..

" hindi basta-basta ang amo natin Ela..! Pansin mo rin ba?"
Sabi ni Mae sakin.. pero pabulong lang.. baka marinig kami at mapagalitan pa.

"MAGSIBALIK NA KAYO..!! MAYA-MAYA AY DARATING NA ANG AMO NATIN.. PAGNARINIG NIYO ANG SIPOL.. ! PUMUNTA AGAD KAYO SA HARAPAN. MALIWANAG!?"

"OPO.. MADAM CONSTANCIA!!

Nagsibalik agad kami sa mga gawaing nakatuka samin..
Lumapit si Mae sa akin habang nagpupunas ako sa mga salamin.

" Mik,ano sa tingin mo ang itsura ng amo natin? Tanong nito sakin.

Ayos lang naman tawagin niya ako sa Mikmik pag kami lang dalawa.

Napahinto ako at napaisip kung ano ang itsura ng amo namin.
🤔🤔

"Base! Sa mga nakikita ko na mga reaksyon nila.. na parang takot na takot.. siguro.! Matandang masungit yun!, malaki ang tiyan, maraming tattoo at may peklat sa mukha.. at dahil sa mayaman siya marami siyang alahas..leeg hanggang paa"

Napahagikgik na lamang kami ni mae sa mga iniisip ko.

"AT KAYONG DALAWA! ANONG TINATAWA TAWA NIYO JAN!"
Patay nahuli kami!.

".ahehehe wala po madam! Iniisip lang po namin kung ano ang itsura ng amo namin"

Ay naku!! Mas lalong patay kami nito!! Mae.. naman bat kapa sumagot!!

" at ano naman ang iniisip niyo!?"
Tanong ni madam Cons samin.

" oh!! Mik.. sagutin muna!?

"Hah! Bat ako..!? Eh! Ikaw ang tinatanong jan eh!.

" ikaw na! Ikaw naman ang nakaisip eh..!

" eh! Ano naman! Ikaw ang nagtanong sakin eh!..

" syempre.. sumagot ka eh!

"Alangan naman! Tinanong mulang nama--

"TUMIGIL KAYO!!
Galit na sigaw samin ni madam.

Lagot!! Nagalit na samin. Yumuko nalang kami simbolo nag paghingi ng pasensya..

" ayan! Kasi..!! oras ng trabaho!! Nagchichismisan!! Buti nga sa inyo!"

Sabi ng bruhang si Camel... unang una palang ayoko na sa presensya niya.. kahit gaano pa kalaking maskara ang nakatakip sa kanya lumalabas parin ang masamang ugali niya. Tsk!

"Tumahimik ka jan! Camel.. hindi ka kinakausap.. sabat ka ng sabat..!"
Sabi ni madam Cons.

Nagkatinginan lang kami ni mae at napangiti... hahaha buti rin sa kanya..

"At kayo!? Hindi niyo ba ako sasagutin ng maayos?"
Baling nito sa amin..

Hay.. naku naman!! Pahamak talaga itong si Mae..

" ah ka-kasi madam... naisipan lang po namin kung ano ang itsura ng amo naman..
Naisip ko po na may malaki siyang tiy-..

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko dahil narinig namin ang sipol..

Hay... salamat SAVE BY THE SIPOL.... kinabahan ako dun.! Pagkarinig ni madam sa sipol ay pinapunta na kamin sa harapan..

ibig lang sabihin nun ay..

Nandito na ang amo namin.

_______

A/N:

#PLEASEVOTE
#COMMENT(POSITIVE OR NEGATIVE)no hard feelings😊😊



Beauty Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon