BBTM 7

400 17 0
                                    


Mikaela's P.O.V:




" teka.! Mik.. ano yan?
Tanong ni Mae at kinuha niya sa akin ang maskara .

Kapareha lang naman ang laki niya sa mga ordinaryong maskara..pero itim ang kulay nito at may mga desenyong dragon hindi naman sakop ang buong mukha pag isuot ito.. makikita pa din naman ang kalahating mukha.

"Wow!! Mik! ang ganda nito hah!.. sosyal!!."
Tinitingnan niya to at sinukat.

Bagay naman yun sa kanya dalawa ang nandito at isa-isa kami. May napansin akong sulat.. pinalapit ko si Mae at sabay naming binasa.

"Ladies.. bago kayo pumunta sa bahay na pagtatrabahuan niyo kailangan nyo munang suotin ang maskarang iyan.. para na rin sa proteksyon ninyo.. may makikita kayong red envelope kunin ninyo yun at ibigay sa nagbabantay..at maaari na kayong makapasok sa loob."

PS: mag-iingat kayo at wag ninyong kakalimutan lahat ng bilin ko.

Mrs. Helen Yap.

Matapos naming basahin ang sulat ni Mrs. Helen.. nagkatingin lang kami ni mae..at para
kaming nawalan ng lakas..PROTEKSYON!!
para saan..? Mukhang mapanganib ang trabahong papasukin namin.. gustuhin man naming umatras ay hindi pwede.. mas lalong mapapahamak kami..

"Kakayanin natin to diba Mik?'
may halong takot na sabi ni Mae.

Nawala ang positibong pag-iisip ni Mae dahil sa takot na nararamdaman niya hindi ko dapat ipakita sa kanya ang kahinaan ko mas dapat maging matatag kami sa isa't isa.

"Kakayanin natin to Mae."
At niyakap ko siya..

Para sa inay at sa mga kapatid ko kakayanin ko ito..

Maaga palang ay umalis na kami..tumingin tingin ako sa labas at mga kahoy lang ang aming nakikita nagtataka nga itong si manong kung bakit nakasuot kami ng maskara.. sinabihan lang siya ni Mae na may party kaming pupuntahan.

" andito na tayo mga ining"
sabi ni manong taxi driver.

Huminto kami sa may gate.. ito na ata ang gate na nakita kung sobrang laki.. nagkatingin kami ni Mae.. wala nang atrasan na ito.

Nagpasalamat kami kay manong.. kahit nagtataka ay hindi na lamang siya nagtanong.

Paglapit namin sa may gate ay agad kaming hinarang ng dalawang gwardya na may naglalakihang katawan at may mga baril pa silang hawak..kagaya namin nakasuot rin sila ng maskara.

Humawak si Mae sa akin dahil sa takot.. agad kung binigay ang
red envelope na iyun! Gaya ng sabi sa amin ni Mrs.Helen.

Pagkatanggap nila ay agad nila kaming pinapasok at may nag- aabang na sa amin na sasakyan papunta sa loob.. sobrang ganda at laki ng lugar.. sobrang yaman siguro ng nakatira sa lugar na ito.

Pagkalipas ng 30 minuto ay nakita na namin ang napakalaking bahay.. hindi! Mansyon na ata tawag dito.. kahit first time pa namin ito ay hindi namin pinahalata sa driver ng kotse namamangha kami sa mga nakikita namin.. nakakahiya naman at baka masabihan kami na ignorante kahit totoo naman.

Pagdating namin ay may sumundo samin na matandang babae mukha siyang masungit..

"Follow me!!.. wag ka yung babagal bagal sa pagsunod sa akin..!"
Medyo pasigaw pa niyang sabi sa amin.. kaya sa taranta namin ay halos patakbo na kaming sumunod sa kanya.

Pumasok siya sa isang kwarto kaya sumunod ulit kami sa kanya nakakatakot pa naman tong si manang..

" siya ata yung mayordoma dito Mik..?"
Sabi ni mae sa akin na may pabulong..

Beauty Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon