BBTM 8

402 13 0
                                    

Mikaela's P.O.V:


Pagkatapos namin mag-usap nila madam ay hinatid na niya kami sa magiging kwarto namin ni Mae.

Pagpasok namin ay napanganga kami ni Mae. magkasama kasi kami sa isang kwarto at hindi namin inaasahan sobrang laki pala nito  parang hindi kwarto ng katulong ang ganda nito at ang tema ay white and black... maganda sa mata at nakakarelax..

Agad.!. lumundag si Mae sa kama at sa hindi inaasahan.. (slow motion)

napatalbog siya patungo sa sahig

HAHAHAHA grabe! Ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Hahhaha

Ops!! Ang sama ng tingin niya sa akin. Hehe

" pwede bang tulungan mo muna ako bago ka tumawa jan!"
Nakasimangot niyang sabi.

"Ahehehe sorry Mae.. pfff."

"Hay naku... ! Wag munang pigilan.. at baka tumae ka dito.. sayang naman!! Ang bango-bango pa naman dito"
Asar niyang sabi..

"Hahahhaa sorry ulit.. hahaha ahemmm.. ikaw naman kasi mag-ingat ka nga..!"

Concern kung sabi...syempre bestfriend ko na siya at dapat concern ako sa kanya..

" pero..!!WAHHHHH ang sakit nun! Hah!!buti hindi ang diyosa kung mukha ang nauna.. my gosh!!"

HAHAHA oo nga naman.. pwede na kasing tanggalin ang maskara sa mukha namin pag nasa kwarto na kami.. alangan naman naka maskara pa kami pag natutulog o naliligo.. hay.. baliw na siguro na kami nun!

"Tama na yan Mae.. lesson mo nalang yung nangyari. Hehe.Magpahinga na muna tayo at baka tawagin na tayo ni madampara ilibot sa mansyon".

Sabay na kaming nagpahinga Mae..

Pagkalipas ng dalawang oras

Naalimpungatan ako ng may kumakatok sa pinto.. baka.. si madam na yun.. nakakahiya.. kaya dali-dali kong binuksan ang pinto..

Si madam Cons nga ang nasa pinto at nakatitig lang ito sa akin..

Bigla syang luminga-linga at pinasok ako sa loob.. bigla akong kinabahan sa naging kilos niya.

"Ano ka ba namang bata ka!!"

Gigil na sabi niya.. hindi naman siya mukhang galit pero kaunting inis meron.

Pati si Mae.. nagising dahil kay madam.

"Ba-bakit po madam?"
Kinakaban kung sabi.

"Wag na wag kang lalabas sa pintong yan.. kung hindi mo suot ang yung maskara.. at ikaw rin.." turo niya kay Mae..

"Naiintindihan ko po madam.. pasensya na po ulit.. at hindi na po mauulit"
Sabay yuko ko sa kanya..

Nakatingin lang ito sa akin at hinawakan niya ang aking mukha..

" anong pangalan niyo..? Nakalimutan ko kasing tanungin yan sa inyo kanina dahil sa may haliparot na dumating at Yun lang ang gusto kung malaman sa inyo"
sabi nito sa amin na may pag-alala. Lalo na sa akin habang tinitingnan nya ako.

At alam namin kung sinong haliparot ang tinutukoy niya..

Lumapit na rin si Mae sa amin.

"Ang pangalan ko po ay MIKAELA SAN DIEGO"
Sabi ko kay madam at sunod namang nagsalita si Mae.

"At ako naman po si MAELYN SANTOS."

Tumango siya at bahagyang Lumayo sa amin. Pinagmasdan niya kami at dahan-dahan niyang tinanggal ang maskara sa kanyang mukha.. pero pinigilan ko siya kaya naman nagulat siya sa ginawa ko.

"Wag niyo na pong ipakita ang mukha niyo sa amin.. mas mabuting wala po kaming nakita" kagaya ng sinabi nyo BULAG AT PIPI po kami dito.
Mahinahong sabi ko kay madam Cons.

" cge.. ! At hindi ko ipipilit at baka mapahamap lamng kayo"
Sabi niya sa amin.

" gusto ko pong magtanong pero alam kung hindi pwede.. pero magbabakasakali lamang ako madam Constancia.. bakit? Bakit kailangan namin takpan ang mga mukha namin?"
Tanong ni mae

" dahil sa delikado iha.. hindi niyo alam kung anong pinasok ninyo.. at wala na akong dapat sabihin pa. Mag-iingat kayo rito lalong lalo kana Mikaela"

" Sa akin! Pero bakit?"

Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayun dahil sa sinabi ni madam Cons.

" ito! Suotin ninyo ito.. at ililibot ko kayo sa mansyon at sa mga gawaing iaatang sa inyo."

Binigyan nya kami ng uniporme at dali-dali naming sinuot ito..

Tunay ngang napakalaki ng mansyon na ito kulang ang isang araw para malibot ito.. binigyan na din kami ng gawain namin.. si mae ay nakatuka sa loob ng mansyon.. at ako naman ay sa labas.. napakarami rin ng mga katulong dito hindi ata nalalayo sa dalampu.. at marami rin ang nakapalibot na mga gwardya at may hawak-hawak din sila na mga mahahabang mgs baril..

Nawala ang mga iniisip ko ng may lumapit sa akin na isang katulong rin..

"Hi!! Ako nga pala si Shen.. napansin ko kasing bago ka dito"
May ngiting sabi nito sa akin.

Sasabihin ko na sana ang pangalan ko ng maalala ko ang sinabi ni madam.

Wag na wag kayong basta-basta magtitiwala sa mga taong nandito.. mas mabuti kung huwag ninyong sasabihin ang tunay nyong pangalan.

"Hi din sayo.. ako naman si Ela"
sabay ngiti ko rin dito.

"Paano mo pala nalaman na bago palang ako dito..? Halos kasi lahat pare pareha ng postura"

Mahinhin siyang babae.. dahil na din sa kilos niya at sa paraan na din ng pagtawa at pagsalita.

" ah yun ba.. halata ka kasi.. na palinga linga ka sa paligid ganyan din ako noon ng bago palang ako dito."
Wika nito at sabay kaming naglakad patungo sa may mga halamanan.

Nandito kami ngayun sa malawak na bakuran at nagwawalis habang nagkakatalikuran para hindi naman halata na nag-uusap kami.

"Ah ganun ba! Hehe pasensya na.. napansin mo rin pala yun. Amff pwde bang magtanong?"

"Go on!! Nagtatanong kana eh!.hehe"

" ay!! Oo nga naman! Hehe. Ampp matagal ka na ba dito?"

Walis pa rin kami ng walis.. at hindi naman malayo ang agwat namin sa isat isa.

" amff oo.. medyo matagal tagal na rin..mag iisang taon na rin ako dito."

"Kahit minsan ba? Nakalabas kana dito..?"
Tanong ko pa rin sa kanya.

"Pagpumasok ka.. hindi kana makakalabas ng basta-basta dito."

So, tama pala talaga ang sinabi ni madam sa amin.

" may itatanong lang sana ulit ako sa-- .."
Naputol ang sasabihin ko dahil sa sunod niyang sinabi.

" mas mabuti nang wala kang alam... pero kung gusto mo ikaw nalang ang umalam kung ano ang trabahong pinasukan mo"

Pagkasabi niya nun!! Ay umalis na agad siya.. napabuntong hininga nalang ako.

Bat pa kasi ako nagtanong.!!



_______

A/N:

#PLEASEVOTE
#COMMENT(POSITIVE OR NEGATIVE)no hard feelings😊😊


Beauty Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon