Mikaela's P.O.V:
Nandito ako ngayun sa isang silid dahil pinapunta ako ni madam Cons may sasabihin muna ito sa akin bago ako pumunta sa amo ko..
Tumayo ako at yumuko dahil nandito na si madam Cons.. hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pag-uusap namin ngayon.
"Magandang umaga po, madam constancia."
Sabi ko na may paggalang.Tumango ito sa akin at pinaupo na ako ulit.
"Pinatawag kita dahil may mahalaga akong sasabihin sayo."
Tumango lang ako at nakinig lang sa kanya.
"Sinabi na sa akin ni Lord Devon na magiging Personal Maid ka niya.. ang totoo nyan ay nagulat ako sa sinabi niya dahil sa tagal ko nang naninilbihan rito ngayon palang niya gustong magkaroon ng Personal Maid.. hindi naman big deal iyun! Dahil amo natin siya. PERO alam kung may nakita siya sayo..."
Tahimik lang akong nakinig kahit alam ko kung saan patutungo ang usapan na ito..
Pinagpatuloy ni madam Cons ang sinabi niya.
"Gusto kulang BALAAN ka Mikaela.
Kung may nararamdaman ka na sa amo natin!! Ngayun palang itigil muna.alam kung wala akong karapatan na sabihin ito sayo.. anak na ang turing ko kay Devon at ayoko na masaktan siya at ikaw rin sana naiintindihan mo ako Mikaela?"
Sabi ni madam Cons na may pagsusumamo sa akin.Kahit nakadama ako ng kirot ay iginalang ko ang gusto niya.
"Wag po kayong mag-alala madam Constancia.. ang ipinunta ko po dito ay trabaho para makatulong sa inay ko. Ang sinabi ninyo po ay hindi ko makakalimutan.. makakaasa po kayo sakin."
May sinsiredad na pagkakasabi ko kay madam Cons."Maraming salamat Mikaela.."
Ngumiti ito sa akin at sabay hawak sa aking kamay.Ngumiti nalang ako sa kanya..dahil hindi ko mahagilap ang aking sasabihin nito..
"Pumunta kana sa kanyang kwarto at linisin yun!.. wag kang mag-alala dahil wala siya duon.. maaga siyang umalis kanina pa."
" opo madam Constancia."
Umalis na ako sa silid na yun! At pumunta na sa kwarto ng aking amo.. iniwaksi ko sa isipan kung ano man ang pumapasok dito.. tama naman talaga si madam Constancia ako'y humahanga sa kanya kahit ito pa ay nakakatakot.. at walang karapatan ang isang tulad ko na isang hamak na katulong lamang sa kanyang amo.
Pagdating ko sa kanyang kwarto ay hindi ko maiwasang pagmasdan ito.. napakalaki at mas malaki pa ito sa aming bahay sa probinsya.. sa isang tingin mulang masasabi mong ang mamahal ng mga kagamitan at ang laki ng kama nito..may temang blue at white at nakakapagdala ng pagiging maaliwalas sa buong kwarto.
Sunod kung pinuntahan ay ang kanyang banyo.. hindi na ako magtataka kung pati ang banyo ay napakalaki..maaari kanang maglatag ng banig para matulog dito.
Matapos kung pagmasdan ang buong kwarto ay agad na akong naglinis..
hindi naman mahirap linisin ang kwarto dahil malinis na naman ito.Matapos kung maglinis sa kwarto at banyo ay paalis na sana ako ng makita ko ang amo namin na nasa may pinto na nakahilig.. ang gwapo- gwapo nitong tingnan..
Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya.. baka ngayun lang siya dumating.
"Magandang umaga po my lord.."
Kapag nakikita ko siya kinakabahan ako.."Are you done?"
Tumingin ito sa akin at agad akong yumuko."Opo..my lord. Ipaghahanda ko na po kayo ng makakain."
Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko.." ba-bakit po.. may kailangan pa po ba kayo?."
Pautal-utal kong tanong sa kanya."That's a dangerous question of yours."
Titig na titig ito sa kanya habang sinasabi ito."Huh!?"
Napa huh nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.
"Wala namang masama sa sinabi ko diba!?)
" nevermind.. gawan mo nalang ako ng breakfast at ihatid mo dito."
Binitiwan na niya ang braso ko at umalis na agad ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko..
MASAMA ITO.. yan lang ang nasa isip ko ng magkatitigan kami.
________
A/N:
#PLEASEVOTE
#COMMENT(POSITIVE OR NEGATIVE)no hard feelings😊😊
BINABASA MO ANG
Beauty Behind The Mask
RomanceEveryone has a different stories, different struggles in life, different opinions, and some of them are jugmental in just one look. But they don't know every face has a different BEAUTY BEHIND THE MASK. A/N: Ang kwento pong ito ay galing lang sa is...