Rain POV
Bukas na yong monthsary namin and yet hindi ko pa din siya pinapansin..
I know mali ako.Maling mali ang ginagawa ko kay Kurt pero masisisi niyo ba ako?
Mahal na mahal ko si KURT pero mas mahal ko si Daddy.
Normal naman siguro yon diba? I mean after all siya pa din ang ama ko.
Gustong gusto kong magsabi kay Daddy,gustong gusto kong umayaw pero ayokong suwayin si Daddy.
Bago ako matulog I want to hear his voice para kahit papaano magkaroon ako ng kaunting saya sa puso ko..Kahit ngayon lang...Kahit ngayon na lang.
I tried to call him but he didn't answer. I didn't gave up,bot until he shut it.
Ouch...
Hmmmm... Sorry mahal...
Bago pa ako mabaliw sa ka-iisip ng kung ano ano..
Pinilit ko nalang ang sarili ko matulog which is ayon nga nangyari naman..
.......
Morning came.I can't tell kung good ba or ano ang morning ko. I mean come on. Today's the day that I am g-going to meet the PERSON I will soon to m-marry.. Ugh! Masakit mang sabihin pero wala eh.. Ito ang gusto ni Daddy so wala akong magagawa..
May mas mahalaga pang dapat akong isipin dahil ngayong araw na ito ang ikatatlong buwan namin ni Kurt bilang magkasintahan pero andito ako ngayon nagluluksa... Yeah nagluluksa na ako.
Mahal na mahal kita Kurt. Kahit saan ako dalhin ng kapalarang ito. Ikaw lang.. Ikaw lang kahit kanino pa ako madako..Ikaw lang.. Ikaw lang ang mamahalin ko Kurt.
Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa pala umaagos mula sa mga mata ko na hindi ko manlang namalayan na bumulwak ng luha mula sa kaibuturan ng aking wasak na pagkatao.
Hindi ko lubos maiisip na hahantong kami sa ganito.. I mean sobrang saya lang eh. Tapus biglang BOOM. Mawawala lang pala lahat. Akala ko okay na kase alam naman ng mga magulang namin..Well yong mga mommy namin pero ayon nga nakalimot kase ako na hindi ko pa pala nasabi kay daddy kaya heto ako ngayon nasa isang sitwasyon na mahirap takasan.
Mahal na mahal ko si Kurt pero ibang usapan kung magulang na kaya wala akong magagawa kundi ang sumunod at magpatianod sa kung saan ako dadalhin ng tadhana.
Nakarinig ako ng tatlong katok bago pumasok si Mommy.
I can see it from her eye na maging si mommy naguguluhan sa mga nangyayari.
"Anak.. Alam ko mahirap pero magtiwala ka lang.."
Bumuntong hininga lang ako kaya naman umupo si mommy sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko."mahal na mahal ko ang daddy mo kaya hindi ko siya kayang suwayin.. Oo... Mali ako. Maling mali na magpadala sa damdamin ko pero... Ewan ko anak parang ayokong idissapoint ang daddy mo." hindi pa din ako sumagot.Wala akong makitang sagot sa mga sinasabi ni mommy. I mean sino ba ang hindi matatameme sa mga nangyayari sakin diba!?
Pero tama si mommy ayokong biguin o suwayin si daddy kaya mahirap man...
" I understand mom.. "Simpleng sagot ko pero alam ko na alam ni mommy kung ano ang ibig sabihin non.
Tumayo siya at tinitigan ako ng tumingala ako ng may luha sa mata..
Kita kong mas lalo siyang lumungkot kaya ngumiti ako..
" Okay lang ako mommy... Don't worry. Gagawin ko ang gusto ni daddy." She smile sadly before helding me into her warm embrace.
Hinaplos niya ang ulo ko habang ako tahimik na umiiyak.
Hindi ko kayang isipin na sa isang iglap yong relasyong binuo ko mula sa pangarap mawawala lang din pala agad...
Mga ilang minuto din bago bumitaw si mommy.
"Rain... Anak be ready we will be leaving an hour from now." malumanay na sabi ni mommy sakin bago siya lumabas ng pinto.
"okay mommy." mahinang sagot ko ng sumara ang pinto.
Okay mommy.. Okay lang ako kahit hindi.
Umiyak lang ako ng umiyak.
3rd monthsary pa man din namin pero eto ako.. Makikipagkita kasama ang mga magulang ko sa ipapakasal sa akin...
Bumangon na ako mula sa kama ko at tyaka inayos ito habang hirap na hirap huminga dahil sa kakaiyak ko.
Mahal na mahal kita Kurt.
And
SORRY...
______________________________________
Short update pero pasabog naman diba?? Huhu.. Ano kayang mangyayari sa ating mga bida?
Si RAIN IKAKASAL NA?
OhemGie! Paano na si Kurt!???????Anyways!! Mas malinaw pa sa crystal clear!
johnTales is back! I'm back!Comment naman kayo oh. Kahit pangit na basta meron. Haha.
BINABASA MO ANG
PAREho Ang NADARAMA (BOYxBOY)
General FictionWhat if In time maramdaman mong mahal mo na siya?Pero takot ka dahil bukod sa kapwa lalake mo siya eh takot kang malaman na salungat ang nararamdaman niya para sayo? Ngunit paano kung PAREHO ANG NADARAMA niyo para sa isa't isa? HANDA KA BANG MAHALIN...