1st chapter

38 3 0
                                    

"Ma, bakit ba kailangan pa nating lumipat ng bahay tsaka ng school? Okay naman na yung bahay natin dati ah" nililibot ng mata ko ang bawat sulok ng bagong bahay namin ngayon ng tinanong ko si mama. Kakaiba ang lugar kung saan kami nakatira ngayon. Creepy ang mga taong nakatira dito. At nagtataka ako dahil kilala nila si mama pati nadin ako.

"Malalaman mo din ang dahilan anak mamaya" agad naman akong napatingin kay mama ng sinagot niya ang tanong ko.

Mamaya?.. I feel excitement

"Ma, saan ang kwarto ko?" Tanong ko ulit ng paakyat na ako sa hagdanan

"Second room pero wag mo munang aayusin yung gamit mo dyan okay?" Tumango lang ako tsaka pumasok sa pangalawang kwarto. Medyo malaki naman ito kumpara sa kwarto ko sa dati naming bahay. Pumunta din ako sa balcony ng kwarto. Lahat ng hangin na tumatama sa akin ay sariwang hangin.

"Amber" napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ang isang babae sa baba. Kumunot ang noo ko.

"Who are you and... why did you know my name?" Tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako. "What?" Inis na tanong ko.

"Englishera ka na pala" at siya pa mismo ang natawa sa sinabi niya.

"Crazy" tumalikod na ako at naglakad papunta ng kama.

"AMBER! BUMABA KANA DITO KAKAIN NA" napasimangot agad ako.

"Pwede naman akong tawagin ng hindi sumisigaw mama talaga nasa tahimik na kaming lugar ang ingay ingay paden" bulong ko sa sarili ko tapos lumabas na ng kwarto.

"Hindi mo naman sinabi tita na englishera na pala si amber" isang pamilyar na boses ang narinig ko

"Sam alam mo naman yung bestfriend mo" tapos parehas silang natawa.

Sino namang kausap ni mama?!

"Mama sinong kausa---ikaw?"

"Amber, si sam bestfriend mo"

"Bestfriend? Sam? Wala akong maalalang sam na bestfriend ko" nagkamot ako ng ulo ko tapos umupo sa dining

"Duh girl pumunta ka lang ng maynila nagka amnesia kana. Well let me introduce my self again. I'm Samantha Lazaro"

Samantha Lazaro? Parang narinig ko na nga yon. Wait let me think.. Samantha.. Samantha.. Samantha.. Wtf

"SAMMY?" gulat kong tanong tapos narinig kong humalakhak si mama sa gilid ko.

"The one and only girl" waaaah!

"Oh my god i miss youuuu sammy!" Sabi ko tapos tayo at lapit sakaniya para yumakap

"I miss you too"

I can't imagine na magkikita ulit kami.

"So dito kana mag aaral?"

"Ah yeah maybe?"

"Shet galing mo nang mag english"

"Nasanay lang"

"Kumain muna kayong dalawa" napatalon ako sa gulat ng makita si mama sa tabi ko. "Mamaya ay ihahatid na namin kayo sa school niyo."

"Wait ma ihahatid? May dorm ba don?" Napahalakhak nanaman si mama

"Oo, kung hindi lang talaga tayo lumipat nako ang ganda ng paaralan na yon anak." Kung ano ano nanamang emahinasyon ang pumasok sa utak ko ng banggitin iyon ni mama. Paniguradong malaki ang paaralan na yon dahil kita ko ang ningning sa mata ni mama.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga ako saglit. Maya maya ay umalis na kami kasama ang mama ni sam. Buong byahe ay nagkukwentuhan sila habang kami ni sam ay kapwang nakatingin lang sa cellphone namin. Bigla ko nanaman naisip. Bagong mukha, bagong lugar, bagong pakikitungo, bagong guro. Do i need to introduce my self again in front of them? Naiisip ko palang tinatamad na ako.

The Other WorldWhere stories live. Discover now