16th chapter

14 1 0
                                    

Nang nagising ako ay nasa opisina na kami ni Headmaster. Si Sam ay nakatayo sa harap ng bintana na tila alalang pinagmamasdan ang labas.

"Sam" tawag ko sa kaniya na agad naman niyang nilingon.

"Omygosh thank god" sabi niya at lumapit sa akin

"What happened? Nasaan sila" tanong ko sa kaniya

"Nasa labas sila at nakikipag laban. Nagpaiwan ako rito para bantayan ka. Kaya mo na bang bumangon? Magpahinga ka muna ulet?" sabi niya sa akin na nag aalala

"I'm okay we need to help them" sabi ko at marahas na tumayo.

"Pero nanghihina ka pa" sabi niya.

"I am really fine, Samantha."

"Don't worry, Amber, matatapos na naman e. Some of Hallows got here because of.."

"Because of??"

"You! They wanted to take you away from here pero ng malaman nilang wala ka dito ay onti onti silang bumalik sa pinang galingan nila"

"Bakit nila ako hinahanap?" naguguluhang tanong ko sa kaniya

"I dont know" naguguluhan din siya ng sinabi niya iyon. Napalingon kami sa pintuan ng bumukas ito at iniluha niyon si mama at papa

"Ma, Pa" dumeretso sila sa akin at nagpa alam naman si Sam na lalabas muna.

"Hija, are you alright?" lumapit sa akin si mama at hinaplos ang buhok

"I'm okay ma"

"Anak" lumapit din si papa sa akin at hinalikan ang buhok ko. Bumagsak ang nagbabadyang luha ko.

"Bakit b-bakit ngayon ka lang nagpakita?" umiiyak na tanong ko sa kaniya

"I'm sorry, anak. I'm so sorry"

"B-bata pa lang ako nang si m-mama lang ang nasa tabi ko. I-iniisip ko na baka a-ayaw mo sa akin kaya w-wala ka" humihikbi na ako habang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.

"Amber, shh" inaalo ako ni mama habang panay pa din sa paghaplos ng buhok ko.

"N-naiintindihan k-ko nung una dahil ang akala ko nag t-tatrabaho ka lang" ramdam ko ang titig nilang dalawa sa akin.

"P-pero ngayon hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. M-madaming tanong na gumugulo sa utak ko na alam kong kayong dalawa lang ang makakasagot"  naramdaman ko ang pagkabigla.

"Ano ba talaga tayo? bakit may kapangyarihan tayo? sino nga ba kayo talaga? ilan lang yan sa gusto kong itanong"

Tumingin ako kay mama na umiiyak na rin ngayon.

"I-ikaw ba si Princess Alice na itinalagang reyna na? Ikaw ba yung batang nakakuha ng lahat at pinakamalakas na kapangyarihan? ikaw ba yung hinahabol ng hallows noon? at ako ba yung batang tinutukoy ni Ms Lyra na nakamana ng kapangyarihan na iyon?" tinititigan lang niya ako.

"Answer me, ma! i deserve to know" lalong lumandas ang luha ko.

"Alice, baka ito na ang panahon para sabihin sa kaniya ang lahat" sabi ni papa na umupo na sa gilid ko at pinapakalma ako.

"Anak.." panimula ni mama "Ako si Queen Alice Dela Fuente-Grayson ng Ultimate Kingdom at nagmamayari ng ultimate power. Asawa ni Prince Miler Grayson ng Dark Wizzards" nagulat ako sa sinabi ni mama.

"Dark wizzards?" tanong ko.

"Oo, anak siya ng pinuno o hari ng dark wizzards na kalaban din ni head master. Sobrang againts sa amin ng magulang namin both sides. Pero dahil mahal namin ang isa't isa ay hindi nila kami napigil. Bata pa lang ako pinaaalalahan na ako ng mga magulang ko na mag iingat sa labas ng palasyo dahil nga nasa akin ang lahat ng kapangyarihan o kung tawagin Ultimate power. Hindi ko naiintindihan noon kung bakit nila ako sinasabihan hanggang sa pumasok na ako dito sa underground academy. Paminsan minsan ay may nararamdaman akong sumusunod sa akin hanggang sa naabutan ko ang isang hallow na palaging nakasunod sa akin"

Nakikinig lang ako kay mama habang nagkukwento siya sa akin.

"Bigla niya akong sunod sunod inatake ng kanyang kapangyarihan para lamang makuha ako. Hindi ko pwedeng gamitin lahat ng kapangyarihan ko dahil manghihina ako at dahil rin hindi ko pa sila control. Hanggang sa may dumating na lalaki na tumulong sa akin yun ang papa mo. Malaki ang pinsalang tinamo niya kaya wala akong choice kundi ang dalhin siya sa dorm ng GAW. Dahil ako lang naman mag isa sa room number ko ay doon ko siya ginamot, araw araw siyang nandon at nagpapahinga hanggang sa gumaling siya.. Umalis siya sa dorm at palagi niya akong dinadalaw kaya hindi ko na maiwasan mahulog ang loob sa kaniya"

May part sa akin na gustong kiligin sa storya ng maga magulang ko pero kailangan kong makinig dahil ito na ang chance na maintindihan ko ang lahat.

"Pero dahil againts nga sa amin ang dalawang panig napag desisyonan namin na umalis at magpakalayo layo. Luckily wala akong naramdaman na nakasunod sa aking hallows habang kasama ko ang papa niyo. Madaming nangyari sa pagsasama namin hanggang sa dumating kayo"

"Sa maynila sa mortal world kami nanirahan ng ipinanganak ko ang kuya mo.. Sobrang naging maayos ang buhay namin at walang hallows na nanggugulo hanggang sa dumating na kayong dalawa ng ate mo sa mundo. Pero isang araw may hallows na dumating sa bahay natin at buti na lang naagapan ito ni headmaster. Sobrang gulat ko ng nagpakita siya ulit sa akin. Kinumbinsi niya akong bumalik dito sa paaralan kasama kayong tatlo at iwan ang inyong ama para sa kaligtasan natin pero hindi ako pumayag hanggat hindi kasana ang papa niyo.."

huminto si mama at kita ko ang dahan dahang pagtulo ng luha sa pisngi niya at inaalo naman siya ni papa. Habang nagkukwento siya hindi ko maitago ang pagkamangha dahil sa pagmamahalan na ipinamalas nilang dalawa ni papa.

"Pumayag si headmaster na isama ang papa niyo kaya napapayag na din kaming tumira dito. Hanggang sa dito na din kayo nag aral at naging ligtas. Pero dumating na sa punto na napalabas niyo na ang mga kapangyarihan ninyo lalong lalo na saiyo natakot ako.. Natakot ako dahil nakita ko ang kaparehong taglay at kapangyarihan na meron ako sa kapangyarihang mayroon ka."

natigilan ako sa sinabi niya.

"I-ibig mong sabihin k-kaya lumabas ang mga hallows na iyon ay dahil magkaparehas tayo ng kapanhyarihan? Ibig sabihin gusto nila akong makuha dahil hindin ka nila nakuha noon?!"

"Oo, dumating sila dito noon para kuhain ka pero dahil nandoon ang dalawa mong kapatid na kaya nang kontrolin ang kapangyarihan nila napaigilan sila. Hindi mo pa kontrol ang kapangyarihan na mayroon ka pero kaya mo na itong gamitin. Ang papa mo ay nagpunta sa mortal world dahil hinahanap siya ng dark wizards kasama na din ang hallows. Nagpaalam din ako kay headmaster na pumunta sa mortal world pero para sa kaligtasan mo pinasama ka niya at naiwan dito ang dalawa mong kapatid. At ngayon namang malaki kana ibinalik kita para makontrol mo ang kapangyarihan mo para madepensahan mo ang sarili mo sa kanila"

panay ang tulo ng luha ko habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi niya. Naguguluhan ako oo dahil buong pagkatao ko ay hindi ko pa pala talagang kilala. Kaya pala parang laging may kulang dahil hindi ko matandaan ang lahat ng sinasabi ni mama sa akin. Lahat ng ito ay parang nabura sa isipan ko na pilit kong inaalala.

Mayamaya ay parang may mga memoryang pilit naghuhumatok na pumasok sa utak ko. Nahihilo ako at sumasakit ang ulo ko dahil dito.

"Alice, pagpahingahin mo muna ang anak mo" rinig kong sabi ni papa pero bago pa man ako tignan ni mama ay nawalan na ako ng malay.

The Other WorldWhere stories live. Discover now