13th chapter

9 3 0
                                    

Lahat kami ay nag aabang sa sagot ni Adriane ng hilahin ako ni Ryle papalapit sa kaniya.

"Aray, Ryle huh! Hindi naman masakit e hindi talaga" sarkastikong sabi ko sa kaniya

"Shut up!" napatahimik agad ako sa ma awtoridad niyang saway sa akin

Okay, shut up na nga ko diba sorry na!

"Ano Adriane sasama ka ba o hindi? We're running out of time" nakakunot na ang noo ni Ryle habang sinasabi niya iyon.

"Easy man, sige na sasama na ako" tatakbo na sana ako para makipag apir kay Adriane ng isinama ako ni Ryle sa paglalakad niya pabalik sa sasakyan.

"Aray masakit ah!" naka busangot kong hinihilot yung palapulsuan ko na kapit kapit niya nung hinihila niya ako.

"Oy, Ryle ano ba problema mo parang ang laki ng galit mo kay Adriane ah" umiwas siya ng tingin at sumandal nalang sa upuang inuupuan niya.

"Wala akong galit sa kaniya" simpleng sagot niya at pumikit

"Sus maniwala sayo"

"Edi h'wag ka maniwala"

"Hindi talaga. Sino ba namang maniniwala kung kanina pa nakakunot ang noo mo kapag si Adriane ang usapan" saglit siyang napadilat pero agad ding pumikit. Wala siyang sinabi kaya napairap ako

"Usog nga!" sabi ko sa kaniya ng pumasok ako sa loob ng sasakyan. Nasa may dulo na siya sa tabi ng bintana at tumabi naman ako sa kaniya. Dahil may ginagawa pa naman si Adriane sa school at kailangan namin siyang antayin dito ay naisipan ko munang umidlip. Wala rin naman kasi akong kadaldalan dahil wala akong mapapala sa kasama ko. Wala si Zandre at Sam dito dahil nasa loob sila ng school at hindi ko naman maaasahan itong si Ryle na makipag daldalan sakin dahil nako mag aaway lang kami.

Nagising na lang ako sa ingay na nanggagaling sa mga kaibigan ko at hindi ko namalayan na nakasandal na pala ang ulo ko sa balikat ni Ryle. Tulog siya at may nakapasak na earphone sa tenga niya. Hindi muna ako gumalaw pansamantala dahil nakapatong pa ang ulo niya sa ulo ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo niya at bumangon habang hawak hawak parin ang ulo niya. Dahan dahan ko ding isinandal ang ulo niya sa balikat ko pambawi dahil sa pag sandal ko kanina. Ingat na ingat akong hindi siya magising.

"Uy amber gising ka na pala. Nga pala susunod na lang daw sa mansion si Adriane kukuha pa daw kasi siya ng mga gamit kaya hindi na namin siya nahintay. On the way na tayo sa mansion. Buti tulog yang si Ryle hindi kayo mag aaway"  sabi ni Sam sakin.

"Oo nga e nakakainis naman kasi ito!"

"Teka bes, ikaw ba may gusto kay Ryle o si Ryle ang may gusto sayo?" nabigla ako sa tanong ni Sam sa akin.

"Huh? A-ano bang mga pinag sasasabi mo? Walang gusto sa akin tong si Ryle no"

"Ewan ko pero ayon yung nakikita ko sa kaniya e" nagkibit balikat siya. "Kanina nga lang hindi ba? Kung makahila siya sayo parang aagawin ka ng bestfriend mo haha yung itsura niya nako nakakatawa" hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi ni Sam at kinuha na lang ang isang earphone na nakalagay sa tenga ni Ryle at nakinig na lang din.

Imposible naman kasing magka gusto sa akin si Ryle e lagi nga akong sinusungitan nito. Teka bakit ko pa kasi ito iniisip argh!

Ilang sandali lang ng makarating kami sa bahay na siyang pagdating din ni Adriane.

"Uy bessy!" sabi niya sabay yakap sa akin

"Hello! Haha sasama ka rin pala pinatagal mo pa ng ilang taon" salubong ni Zandre sa kanya

"Pakipot lang ako par" natatawang sabi ni Adriane sa kaniya. Parang bading ang pagkakasabi niya non bakit kaya.

"Nasan nga pala yung leader niyong mainitin ang ulo. Laki ng galit lagi noon sa mundo no?" tumatawa pading sabi ni Adriane

"Sige tumawa ka lang kapag ikaw narinig dyan matutusta ka ng maaga" sabi ni Sam

"Why? Anong ginawa ko?" sabi ni Adriane. Napairap na lang sa kaniya si Sam kaya napa sampal na lang ako sa noo ko. Alam kong makulit si Adriane at walang paki alam sa kung anong nasasabi niya pero di ko alam na may mas itotodo pa pala iyon. Kakapalan nga naman ng mukha hays beatfriend ko ba talaga to?

Mag gagabi na rin kaya naisipan na naming kumain ng hapunan dahil may nakahanda narin talaga na makakain namin. Katabi ko si Sam at Zandria habang katapat naman namin ni Sam sila Zandre, Sean, Liam atAdriane at nasa center chair si Ryle

"Teka bakit parang ang awkward ngayon?" nagtatakang tanong ni Sean. Miski ako na o-awkwardan e

"Oo nga anong meron?" takang tanong din ni Zandria

"Parang kanina lang kami hindi nakasama andami na agad nangyari ah share naman kayo" sabi ni Liam.

"Wala namang special na nangyari kanina" Tamad na sabi ni Zandre

"Eh bakit ganto yung atmosphere?" sabi ni Zandria

"Wala lang, buti nga hindi na umangal itong apo ni Headmaster e nakakabagot na dito sa mortal world gusto kong mag shopping" nakabusangot na sabi ni Sam kay Zandria

"Oh buti naman sasama ka na samin Adriane" sabi ni Liam ng nakangiti

"Oo, nandoon na si Amber e diba bessy!" sabi ni Adriane at nginitian ako. Nginitian ko lang siya pabalik. Nagulat kami ng bumagsak ang kutsara na gamit gamit ni Ryle kaya kaming lahat ay napatingin sa kanita na gulat na gulat.

"Problema mo huy?" sabi ni Zandria kay Ryle. Hindi siya sinagot nito bagkus ay tumayo lamang ito at pumasok na sa loob ng kwarto niya.

"Sabi sa inyo awkward talaga ng atmosphere ngayon e" sabi ni Sean.

"Sean, shut up" sabi ni Liam sa kapatid niya. Lahat kami ay tahimik na nagpatuloy sa pagkain maliban kay Adriane na madaming kwento. Halos hindi na nga namin siya pinakinggan dahil parang buong talambuhay na ang kinukwento niya.

Nang matapos na kami sa pagkain ay nagprisinta na si Zandria at Sean na sila nalang daw ang mag huhugas ng plato kaya sabay sabay na kami nila Sam at Zandre na umakyat papuntang kwarto dahil sila ang mga katabi ko ng kwarto.

"Girls, may isang araw pa pala tayo dito sa mortal world kaya pwede pa kayong mag shopping pangdagdag ng gamit o damit niyo bukas" sabi ni Zandre. Nasa gitna namin siya ni Sam at naka akbay siya sa aming dalawa.

"Talaga!? Grabe first time ata ito" sabi naman ni Sam

"Well atleast diba" nagkibit balikat ako.

"Amber!" napatalon kaming tatlo sa gulat ng may tumawag sa akin at umakbay kaya natanggal ang pagkaka akbay sakin ni Zandre.

"Saan kwarto mo tara tulog na tayo" hihilahin na sana ako ni Adriane ngunit napigilan agad siya ni Zandre.

"We have a lot of guestrooms here kaya doon ka" seryosong sabi niya

"Pwede namang sa kwarto nalang ni Amber ah diba bessy?"

"Ahm? I think hindi bessy"

"Why? I'm her bestfriend"

"Excuse me i'm her first bestfriend pero hindi ako nakikitulog sa kama niya tsaka concern ako sayo par kaya please lang kung ayaw mo talaga matusta" sabi ni Zandre

"Huh?" nagulat ako ng biglang may apoy na tatama sana kay Adriane buti nalang nasangga naming tatlo nila Sam at Zandre ang apiy na iyon. Tubig sa akin at kay Sam, Hangin naman kay Zandre.

"I told you! Matutusta ka ng maaga back off muna men!"

The Other WorldWhere stories live. Discover now